Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 Apr 2014
Sofia Paderes
isang sundalo
gitara ang sandata
laban sa mga sigaw ng mga
multong
galing sa gubat ng
pagtataksil
I tried. These are the four words I had to use to create a painting for my fine arts exam.
 Apr 2014
Marge Redelicia
Tayo na lagi na lang
Napag-iiwanan,
Nasa hulihan
Sa karahasan, katamaran
Nasa'n ang katapusan

Natutulog?
Hindi
Tayo ay gising na gising
Mulat ang mga mata sa katotohanan
Pero
Hanggang sa kasalukuyan
Nakahiga
Nakabaluktot
Nakahandusay
Sa kamang minantsahan
Ng mga patak ng dugo at luha at
Dinungisan
Ng mga apak ng mga dayuhan
Pati na rin ng mga tao sa sarili nating bayan

Kasi naman
Sino bang makakatulog dito
Sa lakas ng sigaw
Para sa tulong at hustisiya
Sa ingay ng iyak ni bunso
Para sa tatay na nawalay
Sa lagkit ng dumi
Na bumabalot sa pulitika
Sa baho ng amoy
Ng nabubulok na sistema

Ilang daang taon, nakahiga pa rin
Namanhid na ba tayo sa tagal ng panahon?
Nabulag sa yaman?
Nalasing sa kapangyarihan?
Nahilo sa ikot ng mundo?
O nawalan ng pag-asa na lang ba tayo?

Gising pero hindi pa rin nakabangon
Sa bayang hindi naman mangmang,
Wala lamang pakialam
I'm no Balagtas or Gloc-9 but here's my best shot at a poem in Filipino. More to come!
 Apr 2014
Marge Redelicia
Lilingon-lingon upang makakuha
Ng isang sulyap, isang silip
Hanggang sa tinalikuran mo na ng
Tuluyan
Ang kalayaan
At hinayaan mo ang sarili mo
Na bumalik
Sa selda na iyong pinanggalingan, nakasanayan

Pero hintay, hinto!
Hindi kita papayagan na magkaganito
Hayaan mo na yakapin kita ng mahigpit
At pawiin ang mga luha sa iyong pisngi
Wala akong mga karanasan at payo na pwedeng ibahagi
Pero susubukan ko na
Baliktarin ang iyong simangot sa isang ngiti
Makatulungan sana nang kahit kaunti
Sa mga sugat mo na humahapdi

Ilagay mo ang iyong mga kamay
Sa akin
Ikaw ay aking hahawakan,
Hinding-hindi ka bibitawan
Ikaw ay sasamahan lakarin
Ang nakatakdang landas
Na kailangan **** tahakin
Sa dami ng mga lubak at lindol
Siguradong tayo'y madadapa rin
Pero huwag mo na 'yun isipin
Kasi anumang mangyari
Kahit kailan, kahit saan
**Ikaw ay aking iibigin
 Apr 2014
Marge Redelicia
Hindi ba umaabot sa langit
Ang mga panalangin
Na binubulong ko sa hangin?
Masyado ba Kayong
Malayo
Para makita
Ang mukha kong
Nalulunod sa luha?

Habang Kayo ay
Walang imik, walang kibo
Ako ay napupuno
Ng mga problemang walang solusyon
Ng mga tanong na walang sagot.

Pero sa aking pagsapit
Sa kailaliman, kadiliman
Doon ko lang natanto
Ang dahilan kung bakit
Ako'y tila inyong
Tinaguan, tinalikuran

Dahil sa inyong
Nakakabinging katahimikan
Ako ay nagising
Sa aking napakahabang idlip
Kung saan nilamon ako
Ng aking mga
Makasariling panaginip.
Namulat ang mga
Nagbubulag-bulagang kong
Mga mata sa
Katotohanan, kalayaan
Na nasa harapan
Ko lang pala.

Doon ko rin lang naalala
Na mahal Niyo pala ako
At walang ibang tunay na ligaya
Kundi mahalin din Kita
At tsaka,
Natuto na akong
Maghintay ng may
Karunungan at
Umindak sa sayawan
Sa kabila ng Inyong
**Nakakabinging katahimikan.
It feels great to be back after a long writing hiatus.
 Apr 2014
Marge Redelicia
Bukas
Samahan mo ako
Pagsapit ng takip-silim,
Kung saan nag-aagawan ang liwanag at dilim
At ang langit na bughaw ay magliliyab ng pula
Tapos kukupas sa mga bituin.

Samahan mo ako
Sa tabi ng kalsada
Kaharap ng mga naglalarong bata
Sa ilalim ng mga nagbubulaklak na punong acacia
At lasapin natin ang malamig na hangin
Na humahaplos sa atin ng kay lambing.

Halika,
Balik tanawin nating ang nakaraan
At mangarap ng mas malaki pa
Para sa kinabukasan.
Wala nang lihim na itatago,
Walang kahinaan na ikakahiya.

Ikaw ay ngingiti.
Ako ay tatawa.

**Bukas.
 Apr 2014
Marge Redelicia
May isang katanungan na
laging bumabagabal
sa aking puso,
sa aking isipan.
Tila lagi ko na lang
nininilay kung ano
ang sagot; ang sagot
na tama kahit
maaaring maging
isang masakit
na tama sa akin.

Pero hindi ako magtatanong
dahil "Hindi" man o "Oo"
masisiraan pa rin ako ng ulo.


"Mahal mo rin ba ako?"
 Apr 2014
Marge Redelicia
Salo-salo ang lahat:
Nakaupo, nakadekuwatro
Sa isang mahabang bangko.
Ayos lang
Kahit medyo masikip
At nagkikiskisan ang mga siko.

Ang mesa'y nilatagan
Ng dahon ng saging.
Bawal ang maarte;
Walang mga pinggan
At iba pang kagamitan.

Nakakamay ang lahat sa pagkain
Ng maiging inihaw
Na sariwang malaman na tilapia.
Meron ding mga gulay
Na pinakuluan at nilaga:
May kangkong,
Okra, sitaw at talong.

Samahan mo pa
Ng hiniwa at tinadtad na
Pulang sibuyas at kamatis,
Na may halong bagoong
At piga ng kalamansi.
At sa wakas, ang panghimagas:
Mga gintong mangga
Na ubod ng tamis.

.   .   .   .   .

Napapasarap
Ang pinakasimpleng handa
Samahan lang ng kuwentuhang
Nagpapasaya at nagpapatawa
At siyempre kung salo-salo
Ang buong pamilya.
 Apr 2014
Marge Redelicia
ibinuhos ko ang aking damdamin
sa pagbabakasakaling
lahat nito, iyong sasaluhin
pero hindi
natapon lamang at
maiiging sinipsip ng lupa;
nagpatubo ng isang damo,
isang munting makahiya.

ang aking damdamin
ay lubos lang nasayang,
pero wala ka namang nalalaman.
nasa akin lang ang hinayang.
 Apr 2014
Marge Redelicia
Baka sakaling
tumahan na sa wakas
ang mga damdamin
at katanungan
na sa puso't isipan ko
nag-aalsa...

a) Kung ipagpagtapat
ko sa iyo
ang katotohanan
na ang puso ko'y sa iyo
at mahal kita;

b) Kung itatapat
ko ang sarili ko
sa katotohanan
na kahit kailan
hindi maaaring
maging tayong dalawa

Ano kaya dito ang tama?
It's ok. I'm fine. I'm not stupid.
 Apr 2014
Marge Redelicia
sinabi mo sa akin na
wala namang problema sa isang
tikim
pero hindi mo inakala na
sapat na pala 'yun para
mapakain ka ng tuluyan
hanggang sa ikaw ay masobrahan at
sa bawat subo
hindi ka pa rin mabusog
kundi nalulong ka pa ng mas malalim
sa gutom

kaunti na lang at
ikaw rin mismo
ang siyang kakagat at lalamon
sa buhay mo
(pati na rin sa mga taong nasa paligid mo)

hanggang saan pa ang kaya **** malunok
hindi ka naman kinulang sa payo
 Oct 2013
Jose Remillan
May mga kurabkutab sa daghan na minaulang sa
Bulos kan daing sagkod na siram. Mayo ining kinaaram sa natural
Na pagruso kan mga kolor sa buhay o pagkamoot.
Saro ining kamawotan kan langkag na kalag na taros ning lugad.

Ngonian liwat minapoon an paghiro kan puso na
Danay nang daing untok.
Liwat na pagkabuhay---liningwan an nakaagi;
Nakahuyom na liwanag sa imaaga na ladawan ning pagmawot;
Sarong hararom na hurop-hurop sa pagsusod kan pagkatawo,
Bako sa tuyong magkaigwa, kundi
Tumang sa kinatudan na paghiling sa
Pagkamoot, ngonian minakmukna nin kinapunan.
A Bicol translation of my poem September Seventeen.
Bicol is one of the major dialects in the Philippines.
The translation was done by RAMIL B. ORGAYA.

http://hellopoetry.com/poem/september-seventeen/

Quezon City, Philippines
October 11, 2013
 Oct 2013
Jose Remillan
Kinakanlong mo ang
Hiwaga at kahulugan ng
Isipang sumisipat sa
Walang kapares na
Alindog ng paralumang
Itinatangi ng engkantasyon.

Tumila ka man, tila ang
Unos na tangan mo ay
Bitbiting papasanin ng
Agam-agam at gunita.
Lisanin man ng ulap at
Ikubli ng bahag-hari ang
Nagbabadyang pangamba,
Ang iyong pagdatal ay
Lumbay at ligaya na sa
                  puso'y ikinintal.
Bacoor City, Philippines
August 20, 2013
Next page