Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 Jun 2020
G A Lopez
Bakit sa una'y halos sumakit na ang tiyan kakatawa
At maya't maya'y tumutulo na ang mga luha sa mukha?
Napapaiyak na lamang sa sulok
Unti-unting kinakain ng maitim na usok

Namamanhid na't halos di makilala ang sarili
Nais ko ulit bumalik sa panahong wala pa akong alam sa mga nangyayari
Ang mga ngiti ko noong kay tamis
Mga tawang walang halong lumbay at hapis.

Pilit kong kinakalimutan ang aking mapait na nakaraan
Ngunit bumabalik balik pa rin lahat ng ala-ala sa aking isipan.
Ang sabi nila'y tigilan ko na ang mamuhay sa nakaraan at iwasang magkaroon ng galit sa kapwa,
Paano maaalis ang galit sa aking puso
Kung ang dahilan nito ay ang taong nag-iwan ng masakit na marka sa aking pagkatao?

Sa tinagal tagal ng panahon, para bang naging bato ang aking puso
Bawat pintuan ay may kandado
Bawat bintana ay sarado
Ibang-iba na sa dating ako.
Years change people.
 Jun 2020
G A Lopez
Madaling araw na
Ngunit mulat pa ang mga mata
Hinihintay ang iyong mensahe
Kahit na malabong mangyari


Inaalala ang bawat kahapong nagdaan
Ang mga masasakit na salitang binitawan
Bakit sa puso ko'y nakaukit pa rin ang iyong pangalan?
Isa kang alaala na mahirap kalimutan.
 Jun 2020
G A Lopez
Agaw eksena na naman
ang kulay kahel na langit
Dahan dahang pumikit
Mula puso at isipan ko,
Imahe mo ang nakaguhit.

Hindi pa ba sapat
Naging tapat
Ngunit hindi naging
dapat

Aking natitiyak
Ikaw ang hangarin ko
Pag-ibig ko
Ngunit sino ba ako sayo?

Madilim na
Wala pa din akong makita--
Mahanap
Ikaw lang talaga.
Matagal na panahon bago nabuhay muli ang pusong ito.
At ngayon papatayin mo

Hindi pa ba sapat
Naging tapat
Ngunit hindi naging dapat


Ikaw---

na inilayan ko nito
Maaari bang pagbuksan mo?
At nang iyong mapagtanto..
Na ikaw ang mahal ko

Ngunit..
Sino ba ako sayo?
Sabihin mo naman kung totoo ba 'tayo' ?
 Jun 2020
G A Lopez
Ang sabi ng mga madla
Madaya ang tadhana
Iibig ka na sa maling tao pa.
Ngunit tadhana nga ba ang madaya
O tayong mga tao lang talaga?

Kay damot ng tadhana
Ang taong gusto mo'y hindi makuha
Bakit iyong iba wala namang ginagawa
Samantalang ako'y halos umiyak na ng isang baldeng luha
Hindi ka pa rin makuha

Hanggang ngayo'y hinahangaan ka pa rin sa malayo
Malabo mang mapansin mo
Hindi mo man pansin ang presensya ko
Narito lamang ako,
Ipagdarasal ang kapakanan mo.

Sana'y madali lang ipagsigawan
Ang aking nararamdaman
Ngunit alam kong tututol ang mundo
Ilalayo ka sa akin ng mga tao
Masasaktan lamang tayong pareho.

Ang daya daya ni tadhana
Ako ang unang nakahanap sa'yo
Ngunit mas pinili **** mapunta sa malayo
Nagkamali ako
Lahat ng aking mga paratang ay hindi totoo

Ikaw ang madaya
Inibig kita ngunit sinira mo ako
Nilisan mo ako at sumama ka sa malayo
Iniwan mo ang kalahati ng puso ko
Ang iba'y na sa iyo.

Kaya madaya ka!
Narito ako't balisa
Habang ika'y nagpapakasaya
Sa yakap ng iba.
Madaya ka!

Libo libong alaala
Ang naging sandigan ko
Upang ika'y bumalik at magmakaawa
Magmakaawa na bigyan pa kita
Bigyan ng pagkakataon na muli pang magsasama

Naghintay ako ng iyong pagparito
Ngunit malamig na hangin lamang
Ang sumalubong sa akin.
Hindi ka na maaaring bumalik pa!
Bakit pa ako umaasa?

Madaya ka!
 Jun 2020
G A Lopez
May mga tanong sa aking isipan na hanggang ngayo'y wala pa ding kasagutan.
May mga kasinungalingang hindi pa din natutuldukan.
May mga katotohanang masakit malaman.
Kaya mananatiling tahimik
Tikom ang bibig

Unti unting naiipon ang poot sa aking puso.
Na para bang hindi na ito marunong pang tumibok.
Na para bang nabalutan ng tinik
Dahil sa paulit ulit na pananakit.

Naguunahan ang mga luha ko sa pagpatak.
Nakisabay pa ang mga ulap
Kumulog at kumidlat
Mga mata ko'y pagod na muling dumilat

Pamilyar sa akin ang gabing ito
Marahil, nakagawian ko na
Ang umiyak gabi gabi
Magkulong, magmukmok
Hanggang sa abutan ako ng antok.

May mga gabing ayoko ng mag umaga
May mga umaga na gusto ko ng mag gabi
May mga araw na gusto kong umulan
Lahat nangyayari sa hindi ko inaasahan.
 Jun 2020
G A Lopez
Ang pag silay ng araw
Ay siya ring paglisan
Ng mga bituin at ng buwan.
Hindi alintana ang sakit
Maramdaman mo lamang ang sikat ng araw
Kahit gabi-gabi
Akong tinutulugan
Ni hindi nga ako kayang pagmasdan
Mula sa kalangitan
Sa bawat pagning ning ko
Ikaw ang dahilan nito.
Ngunit sa umaga ka lamang mulat
Gumigising ng maagap
Handang magparaya
Makita mo lamang ang mundo
t'wing umaga
Ang buwan na nagbibigay liwanag
sa kalawakan
Ay piniling lumisan
Ako ang bituin at ang buwan

— The End —