May bagong emosyon na sumisibol, May bagong sakuna na nagsisimula. Kailangan itong mapigilan ng aking Isipan Bago pa 'to maunahan ng aking Puso Na tumitibok, tumitibok, Tumatakbo! Pabilis ng pabilis Tuwing naaalala ko ang Himig ng kanyang tawa at hugis ng kanyang ngiti. Ay! Kailangan nitong mahinto Ngayon din.
O Puso, sulong! Lumaki at lumago. Hanggang ngayon isa ka pa ring musmos na bata: Mapaglaro at mapagbiro. Walang nalalamang masamang hangarin ngunit Wala ring sinusundan na mabuting tuntunin.
O Puso, urong... Kapag may naghahamon sa iyo. Dahil nga isang bata ka pa rin, Matulog ka lang ng mahimbing. Huwag kang lumaban, Sumabay lang sa agos ng tadhana. Maawa ka naman sa sarili mo Huwag ngayon, Huwag muna.
Once again this is just an exaggeration because everything sounds so deep and serious in Filipino waaaaah