Hindi ako ang babae na hinahanap mo abang-abang ko ang mga mata sa paligid nag-aantay, nanghuhuli, nagsusumamo ako na ba? ako na ba ang tinitignan nila? pansin na ba nila ang buhok kong umiindayog kasama ng hangin pansin ba nila ang marahang paghihiwalay ng aking mga labi?
hanggang sa mahuli ko ang iyong mga mata nakikita ko na nakikita ko na kung paano kita mamahalin kung paano ko kakalimutan at ibibigay ang sarili ko sayo tahimik na nagmamakaawa ang puso ko lumapit ka bigyan mo ko ng pagasa hindi man ako kaanya-anyaya sa iyong mata pero pupunan ko ng pagmamahal at ng pagaaruga ang lahat ng hindi mo nakikita hindi man ako kasing tingkad ng mga bulaklak at hindi man ako kasing taas ng mga puno na nasa paligid mo pero nagmamakaawa ako bigyan mo ng pag-asa ang puso ko kahit hindi na pagmamahal ang ibigay mo kahit hindi mo na sabihin na pwede kang mawala sa mga mata ko iparamdam mo lang na karapat-dapat ako para sa gayon matutunan ko naman na mahalin ang sarili ko.