Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
AKIKO Jul 2017
Paka-isipin ang bawat salitang sasambitin
Bigyan ng pansin ang aking damdamin
Hindi mo man pansin sa isang minuto lang masaya kong araw ay natakluban na ng lumbay
Dahil sa prangka **** bibig
Na makabasag araw!

Sa buka ng bibig
Tagos sa puso't isip
Sabay sayong halakhak ang aking pagtangis
Sana'y pinag-isipan ang bawat letrang binitawan
At sana'y batid mo na ako'y nasaktan
At makulay kong araw ay
lumisan na ng tuluyan

Magandang samahan ay
Inagus na ng luha
Patungo sa pusong may patlang sa gitna
Sanhi ng iyong salita
Na tumusok sa gitna
Ng aking pusong noo'y banal
At buo pa ng pagmamahal ng isang tunay na pamilya

Ngayo'y ikaw pa ang galit
at ako pa ang sinisi
Winika mo pa na akoy sensitibo't
Madaling masaktan
Gayong ikaw ang may kasalanan
At maysanhi ng aking kalungkutan.
Samahan ng isip ang bawat salitang nais sabihin.dahil hindi lahat ng tao'y katulad **** may matigas na puso at paninindigan.
AgerMCab Dec 2018
Umaapaw ang puso ko
Sa pagibig na alay mo
Kalakip ng aking halik
Sinulid ang ibinalik

Aanhin ko ang sinulid?
S'an ko ito isisilid?
Bakit dulo lang ang hawak?
Saan ang kabilang hatak?

Ano ang nais **** itakda?
Ikaw ba ay may iniakda?
Aanhin ang sinulid?
Tastas ba aking damit?

Ako ba ay magtatahi?
Seda ba ang ihahabi?
Magluto nga'y di ko magawa
Magtahi't humabi pa kaya?

Sa aking pangungulit
Sagot ang iyong hirit
Sa iyong winika
Ako'y napayapa

"Sa tatahakin ng ating pagiibigan
Tyak masalimuot ating pagdaraanan
Agam agam ay pawiin
Pagaalala ay hawiin
....Dahil ang dulo ng sinulid AKO ang may tangan"
kingjay Jan 2019
Sa tili ay nagulat
Oras na bumangon
Tumatagistis ang pawis
Nagsusumikap sa ilalim ng buwan
Nang sa taggutom ang sikmura'y di magtiis

Ilang linggo na ang lumipas at muli'y pasukan
Di pagbabalik-skwela ang kinapapanabikan
kundi ang hirang
Ang makita na ngumiti,
nagsisilundagan ang saya sa luksong-lubid

Sa kumikinang na dilaw - ginto
Sa pinto ng silid-aralan
Ang pangalan ay sa talaan
Sumambulat sa harapan, magiliw na klase at kaibigan

Alas singko ng  hapon, bumuhos ang ulan
Sa hintayan ay sumilong at doon din ang paraluman
Ang tatlong estudyante sa likod niya ay di alam

Nang isa ay hinipo ang makapal niyang buhok
Tinawag na ang pangalan
Sa tabi ay lumapit
Ang winika ay baka mabasa ka ng mahalumigmig na  habyog ng hangin
Inaabangan pa rin ang mga binata
sa kung ano pang balak na gawin
derek Mar 2016
Hello, kamusta ka? Ako po ulit ito.
Ayaw mo sumagot, ayaw mo kumibo.
At dahil ayaw ka, heto't basahin mo
Mga sal'tang tugma, tula ng pagsuyo.

Pinilit ang puso na kalimutan ka.
Nilunod ang isip sa 'king mga tula.
Pagkat winika mo na walang pag-asa
kaya 'di umulit, 'di na nag-usisa.

Ngunit nalaman ko sa 'king kaibigan
na noong Biyernes ika'y nakita n'ya.
Hinimok n'ya ako na muling subukan.
Kaya heto ako at may dalang tula.

Dahil paano ba itutuloy muli
ang daang naputol at tila nabungi?
Anong gagawin ko para mapangiti
ang labi at puso na dating tumanggi?

Marahil isip mo, "grabe ang baduy mo"
"sumulat ng tula, para mapansin ko".
Ayokong magsisi, ayokong magtanto
kung nagkulang ako sa kulit at suyo.

Itataya ko na sa 'ting kapalaran
kung itong tula ko'y may patutunguhan.
Kung ayaw mo pa rin, sa 'kin ay ayos lang.
Basta sa isip ko, walang nang sisihan.

Di ako nagsising bigyan ka ng rosas.
Gagawin ko uli, ibalik man ang oras.
Kung ika'y nangiti sa tula kong ito,
ikaw ba'y papayag na magkita tayo?
kingjay Mar 2019
Nagugunita pa nang winika
na ang unang halik para sa lalaking mahal
Namumugto ang mga mata
Ngayon ay lubos na naunawaan

Ang puso'y mainit
nang dumampi ang dibdib
malambot na katawan sa sedang marikit
habang naka-talukbong ang dalagang bukid

Sa nais na ipalitaw na talagang umiibig
ay nag-udyok para magtanong
Halata man sa mga tingin
Tikom ang bibig, mabasag man ang salamin

Ang kanyang hangad ay mananakop
Sa kanya na ang lahat
kailangan pa na maghinuhod
Hiyas na nakabalot ng ginto
Sa labas at loob pang-maharlika ang anyo

Higit pa sa kanyang inaakala
ang tunay na nadarama
Gusto man at kahit na magawa na maihayag
Magiging makasarili lamang ang pagmamahal

— The End —