Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"umangat" poems
ng maglaho ang buwan at pumatak ang ulan umangat dahan-dahan pait ng 'yong paglisan
0
Apr 26, 2019
Apr 26, 2019 at 11:47 PM UTC
wala naman makapagsasabi, kung kelan matutupad ang tunay na pangarap     nalalaman mo pa ba kung ano ang binubulong ng puso?     hinde pa ba ito natatabunan     ng alaala ng kahapong pinagmulan?     nais kong umangat mula sa putik na aking minana:     ambisyon ang umuudyok     pagkatotoohanin ng kasiyahan, ang bawat layaw ng laman     na tulak ng mundo     pabilis nang pabilis ang ikot     habulin man     unahan man     kelangan pagbayarin     bawat hubog sa atin ng tinaguriang     collective consciousness     nang kung sino man matalinong tumawag dyan,     dyan! mapangahas na pangngalang marangal!     sino ba ako pag humiwalay ako sa collective consciousness na yan?     anong napala ko dyan, itinulak ako     (di kayat, nagpatuak ako?)     patungo sa isang kanto nyan     dahil kelangan kong sundin     ang moralidad     ang paniniwalang     gawa-gawa rin lang     ng aking kapwa     hinde ko tinatakbuhan     ang aking     social responsibility     na syang dinikta na lipunan     na dapat akong kumayod at tuparin     ang oblgasyon ko sa kanya     no.     ang tinutukoy ko     ay ang binubulong     ng bawat saloobin     natabunan na ito     ng sigaw ng damdamin     sinong makakapagsabi     kung kelan matutupad ang pangarap?     ito ba'y aking hahabulin     pipilitin     paglalabanan     sa hilaw na panahon?     (tulad ng sigaw ng damdamin     na tumilapon sa akin?)     ang bulong ng saloobin     hinuhukay ko pa     ito'y nasa ilang     lantang lanta na ako     binging bingi     ngunit naririnig ko pa     sinasakop nya ako     umaasang bubuhayin ko muli.
0
Jun 6, 2016
Jun 6, 2016 at 1:00 PM UTC
no translation provided

Continue reading...
53
Isa marahil sa libu-libong isda sa karagatan Ang maigting na pumipili ng pain sa kawalan Sa takot na baka ibalik lamang sa karamihan Sapagkat ang nais ay di na pakawalan Ang uri ay hindi maihahambing kaninoman Tila nagiisang premyo sa makahuli na sinoman At isang beses nya lamang matitikman Ang tunay na tagumpay ng hamon ng karagatan Sumisisid nga ng husto pailalim Hinahanap kung may butas pang susuungin Takot na takot na baka mapain Ang isdang nasanay nang nasa ilalim Kailan kaya susubukang umangat At matutong sa pain ay kumagat? Makatagpo nang mangingisdang tapat At kung mahuli sa kanya ikaw na ay sapat.
0
Jan 16, 2023
Jan 16, 2023 at 11:16 AM UTC
Isda
Hayaan na na giliwin kita Sapagkat hihintin sa hangin ang lahat At pumailanlang hanggang sa panganorin ang pangarap Walang saysay ang ibon kung nasa pugad Tumunghay sa pakpak na gulay-gulay Sa pagwasiwas ay di kaya umangat Munting maya sa aratiles ay kahabag habag nang di makalipad Ganyan ang aking pagsinta O Desiree Dawn Dela Peña musmusin at nasisikil Huwag sana husgahan Sinsisipon sa hamog Madaling manimdim Iibig ako sa sariling paraan Ngunit di gaya ng kaparangan na nakatiwangwang at hayag Kung ikumpara ay katulad ng liblib na halamanan Mabubuhay nang saglit at mamatay nang dahil walang nakakalusot ni banaag At kung masidhi na ang damdamin Magpaparinig ng aking hinanakit Gaya ng kulog na nauulinigan sa ibayo Umaalingawngaw doon sa ibang baryo
0
Sep 2, 2019
Sep 2, 2019 at 12:25 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #75
Ilang dekada na ba ang lumipas mula nang huling namúti ng mga labong sa kawayanan sa dulo ng kapirasong lupang minana sa kanunuan ng angkan? May bakas pa sa daanan ang dug-out na tinabunan na ng mga naputol na sanga at mga winalis na dahon, naputol na sanga at bubot na bunga ng mga chico, caimito at mangga, na palaging inaakyat ng mga kuya at nang-iinggit pa kunwari tuwina at pagkababa’y mamimigay rin pala - dug-out na tagapagligtas, taguan noong panahong tila baga’y kani-kanina lamang, sa mga mababangis na kempeitai, sa malupit na pandaigdigang giyera. Halos nalipol ang angkang bansag ay bisero, umangat sa buhay dulot ng mga alagang kabayo pagkatapos ng Liberation naging kaminero mga kabayo’y kinatay ng mga bakero na sila ring nambayoneta ng maraming tao pagsaksak patulák sa balong igiban ng baryo pati mga musmos at mga inang nagpapasuso kulóng sa kamalig, sinunog nang buhay, at naabó. Tila nakalimutan na ang madilim na nakaraan at walang napulot na aral sa kasaysayan ngunit natakpan man ng ningning ng mga ilaw-neon at malawak na highway ang dating batalan at tuklong Ang lansa ng dugong namuo sa balon sa sinturisan, palaging nagpapaala-ala ng damdaming kinukuyom. At ngayon, wala nang mananakop na Hapon. pero may pumapasok na bagong panginoon - Handa nang himurin ang puwit ng mga Tsinong maton.
0
Aug 30, 2020
Aug 30, 2020 at 7:28 AM UTC
Kapeng Barako XI