Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tumutunog" poems
Salamat sa'yo, kaibigan Pagkat ikaw ay laging nariyan Kung dumating man galing kung saan Laging magpapapansin, magpapatipa Humihingi ng dispensa Kung minsa'y hinahayaan kita na makulong sa iyong tirahan na parang walang ng pakinabang Pasensya muli kung minsan Nasa kalagitnaan tayo ng pagsasaya Ay aking kitang bibitawan At ako'y titingin sa iba Salamat kaibigan dahil kahit na ganito't ganito ang nangyayari sa akin, handa mo akong paligayahin Salamat sa musikang iyong ibinahagi, ating ikinasaya Mga lirikong naisulat ay may sariling tono na Salamat kaibigan pagka't ikaw ay laging nariyan magpakailanman.
0
Jan 28, 2016
Jan 28, 2016 at 6:29 PM UTC
Para Sa Malaking Kahoy Na May Anim Na Kwerdas, Tumutunog Kapag Tinitipa
Kay sarap titigan ng langit, Habang unti-unting bumababa ang araw, Siya namang paglabas ng buwan, Kasama ang mga libo-libong bituin, Tuwing dumarating ang takipsilim, Ika'y aking naaalala, Ang mga matang kumikislap sa dilim, At ang iyong ngiting nakakahumaling, Ang takipsilim daw ang pagtatapos, Ng bawat araw na ating nalalasap, Sa t'wing tumutunog na ang batingaw, Isang araw nanaman ang pumanaw. Sa tuwing lumulubog ang araw, Ikaw ang aking natatanaw, Bawat araw ay ikaw, Ang aking iniisip.
0
Jun 2, 2016
Jun 2, 2016 at 9:52 PM UTC
Takipsilim♥
Ilang Huwebes at Linggo na ba ang nagdaan? Ang aking mga bestida na nakalagay sa aparador ay laging pinagmamasdan. Sa oras ng alas singko'y tumutunog na ang aking selpon Magiinat at babangon. Sinisikap kong laging makapunta sa kapilya Doon sa tahanan Mo'y laging nadarama Ang pag-ibig mo at pagyakap sa akin sa tuwina Doon sa tahanan Mo'y naidudulog lahat ng aking nadaramang sakit at problema Hindi na po kami makapaghintay Ama Nais na po naming makabalik sa mahal **** Iglesia Kung saan itinuturo sa amin ang iyong totoo at mahahalagang aral at salita Ngunit alam kong darating ang araw, kami'y muling magsasama samang sa Iyo'y sasamba. Nagkaroon man ng isang pandemya Ngunit hindi nito napigil ang aking pananampalataya Narito pa rin at masigla Tunay na maawain at magpamahal Ka. Kahit sa aming sambahayan ay iginagawad pa rin ang pagsamba Sapagkat hangad naming Ika'y bigyan ng papuri at awitan ng kanta. Ang laging panalangin ay 'wag sana kaming kalilimutan, o Mahal kong Ama Kaming Iyong hinirang na sa Iyo'y lubos na nagtitiwala. Nasasabik na ang puso't kaluluwa ko Ang magpunta sa tahanan Mo Sa madaling araw na pagsamba Bumabangon ng maaga at mapapasabing, "Oras na upang maghanda, hinihintay na ako ng Ama."
0
May 15, 2020
May 15, 2020 at 12:30 PM UTC
Sa Tahanan Mo
Tungkol saan kaya ang isusulat ko? Dito sa papel at lapis na hawak ko? Tungkol kaya ‘to sa kapaligiran ko? O sa nararamdama’t karanasan ko? Ngayon, nananatiling blangko si papel Nakasulat palang itong si letrang “L” Hayy ‘di pa naman tumutunog ‘tong si “bell” Kaya gagamitin nalang muna si “cel” At lumipas ang mahigit isang oras Napansin ko, ako’y nagsayang ng oras! Hayy nakoo! Bakit  dito  bilis mo oras?! ‘lam mo nang ayokong tumayo sa labas. Nakoo ‘yan na si teacher [insert pangalan]! Ay! Itago! Itago si “cel” bilisan! Ibalik si papel! ‘tong lapis tasahan! Para ‘di guilty mukha, boses lakasan! Ay teka’ ba’t si teacher’  dito ang ***** Parang umaapoy kanyang mga mata Biglang kinabahan na parang ‘sang bata, Hayy nakoo! Ako ata’y lagot nanaman! Nahugot agad si “cel” sa pagalapit niya At inilagay niya sa drawer ng mesa niya Itong aking nararamdaman, ‘di kaya Pawang nan’liliit’ sa labis na hiya. Kaya kasama ulit si blangkong papel Kasama narin ‘tong si tanging letra “L” Ngunit ngayo’y ang lungkot’ wala na si “cel” At saktong tumunog itong si lokong “bell”.
0
Apr 10, 2016
Apr 10, 2016 at 5:00 AM UTC
"Walang title ang tulang ito..."
Makulit, malikot, parang kiti-kiti na paikot-ikot. Ganyan ang bunso ko masyadong maligalig, Takbo dito takbo doon, bukas dito bukas doon, Akyat dito akyat doon. Akala ko magiging mahina ka nagkamali ako. Mahina ka noong isinilang, Tatlong araw palang ay na-ospital kana. May kung anong laging tumutunog sa’yong lalamunan, Huli ka kumpara sa karamihan. Sa paglipas ng mga taon unti-unti **** nalalampasan, Tiwala ako’ng lahat ng ito’y iyong mapagtatagumpayan. Alam ko na nagtatampo ka kay papa, Makulit ka kasi kaya ka napipitik. Pinipitik kasi mahal kita, Pinipitik kasi nagmamalasakit, Pinipitik kasi ayaw mapahamak, Pinipitik sa kamay para mo maintindihan Na minsan mali ang iyong ginagawa. Kailanman ay hindi kita sasaktan anak ko, Kahit ang buhay ko isusugal ko para sa’yo. Kini-kiss naman kita matapos pitikin, Kasi hindi kita kayang tiisin, Nasasaktan ako sa t’wing nakikita ko na ikaw ay umiiyak.
0
Dec 4, 2017
Dec 4, 2017 at 2:02 AM UTC
PITIK