Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Taltoy Apr 2017
Bakit ang tulin?
Hindi ba pwedeng pahintuin?
Oras, ba't ang bilis mo?
Pagbigyan mo naman ako.

Bakit panandalian lang?
Bakit parang napakakulang?
Ang palaging tanong sa'king sarili,
Di ba pwedeng dito'y manatili?

Parang isang kisapmata,
'tong ating pagsasama,
Akin mang gustuhin,
Oras, di kayang pigilin.

Nakakapanghinayang, nakakapanlumo,
Di magawa ang tanging gusto,
Kahit man lang mag-umpisa ng usapan,
Ako'y sadyang nahihirapan.

Hay nalang, paano na iyon?
Mauulit pa ba ang nangyari kahapon?
Alam ko sa sarili ang sagot,
Ngunit ang katotohana'y sapilitang nililimot.

Ang mga panahong ito'y di masusuklian,
Dahil ang oras, di kayang tumbasan,
Di kayang bilihin ng kayamanan,
Mga oras na kasama ka, aking kaibigan.

Ma-iiwan sa'ting mga nakaraan,
Di alam kung tatatak sa'ting isipan,
Ang mga nagdaang panahon tulad nito,
Parang kapayapaan paglipas ng bagyo.
Naisipan ang kahalagahan ng oras sa buhay, dahil ang mga nakalipas na, di na pwedeng balikan pa.
Leixia Feb 2019
40
sa tunog ng tambol,
iyong hinawakan ang aking nanginginig na mga kamay
at sa gayo'y mapawi
ang damdaming puspos sa dalamhati

ang bawat pagtibok
aba'y mistulang pulso dala ng aking puso
kasing lakas ng pagkulog ng mga ulap
kasing tulin ng paruparong lumilibot sa hangin.
maligayang apatnapung araw ng pagmamahal, aking irog
melanncholic Aug 2017
Ilang beses pa ba patutugtugin?
Ang lumbay na dinig lamang ng hangin,
Ilang beses pa ba paaasahin?
Ang inaasam asam na ika'y umamin.

Ilang oras pa ba ang gugugulin,
Sa ulap na sadyang malalim ang tingin,
Sa pagtibok ng pusong kay tulin,
Sa pagdasal sa tadhana ng "sana ikaw rin".

Ilang araw pa ba ang palilipasin?
Sa inaasam na ako'y papansinin mo rin.
Sa iniisip-isip na dama mo rin ba?
Sa sariling pinapaasang meron nga ba?

Ilang beses pa ba iintindihin,
Mga araw na di  ka pwedeng kausapin,
Mga araw na di ka pwedeng pangitiiin,
Mga araw na di ka pwedeng biruin.

Ilang beses ko pa bang pipiliin,
Ilang beses ko pa ba hihintayin,
Ilang beses ko pa bang pagmamasdan,
Yung "tayo" na suntok sa buwan.
JOJO C PINCA Nov 2017
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
isang araw hahabulin mo ang 'yong hininga,
pero sa tulin nito hindi mo s'ya aabutan.
magdidilim ang iyong paligid
magsasarado ang iyong mga mata
at hindi kana kailanman gagalaw.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
mabubura ang lahat ng iyong ala-ala,
mabuti man o masama lahat mawawala.
kahit ang panaghoy ng naglalamay
na saiyo'y nagmamahal hindi mo na
madidinig lahat maglalaho.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
maganda man o panget ang iyong
mukha't katawan sa bandang huli
kakainin lang ito ng mga bulate.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
kahit nasa taas ka ay h'wag magmataas
pagkat sa huling hantungan sa lupa'ng
tapakan ka rin mababaon.
alalahanin mo na ikaw ay mortal.
isang singaw sa ibabaw ng lupa,
isang bulalakaw sa kalawakan
isang bula na nakalutang sa sabaw
at isang kisapmata sa libong pangitain.

— The End —