Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
112815 #3:50PM #ISIS

“Kami’y may balitang
Banta ng kaimbihan
Lipon nami’y
Ni hindi ninyo matitiktikan!”

“Humihikbi kami’t di titikim sa pauso.
Lisan ninyo ang bayang hindi pag-aari!
Baya’y pangako, kayo’y hindi kasapi!”

“Nakatalaga ang bala
Para sa hindi patitikom-bibig,
Walang bantulot buhat sa grasya
Kaya’t kami’y gawaran!”

“Langit ang uukil sa inyong pagtataksil!
Hukom ay dalisay at may patas na tingin.
Kung dugo ang kapalit,
Kami’y hindi patitikom,
Ni hindi yuyuko
Sa nabinat nyong kariktan.”

“Patiyad kayo’t magmakaawa,
Humiling na sa Hari nyong may dunong!”

Naghihilakbot sila bagkus di paaayon,
Sa yungib ng kaluluwa’y
Ginagagap ang pangako.
Sila’y bayaning tigmak sa pakikibaka’t
Bilang ang mga martir na Maharlika.

Naulinigan ang mga sumirit na armas,
Kanilang patibong
Na may nanlilisik na batas.
Bagkus ang atungal ng lupon ng Liwanag,
Espada’y tatangayin
Hanggang sa huling paghinga.
Meruem Sep 2018
Ako'y minsan ng naligaw,
Sa ilalim ng kalangitang bughaw.
Isang napakalawak na hardin,
Na agad pumukaw ng aking paningin.

O, Mirasol!
Namumukod tangi ang tanglaw.
Sinubukan ko itong pitasin,
Itinuring na sariling akin.

Sa lakas ng ihip ng hangin,
Di ko namalayan na ito'y tatangayin.
Sinubukan ko itong sagipin,
Ngunit sa huli, ako pa rin ang salarin.
Minsan, di natin naiisip na sa isang iglap o isang pagkakamali ay maaaring mawala satin yung bagay na pinakaiingatan natin. Kung kelang huli na ang lahat tsaka natin mapagtatanto na kahit na napakaraming bulaklak sa hardin, hindi na natin mapapalitan yung nag iisang bulaklak na napili natin kapag ito'y nalagas na.
kuhanin man ng liwanag
o lamumin ng kalawakan
pagsapit ng dilim
kahit nakapikit
mahiwaga ang tanawin
kita ang mga bituin
maging malamig man ang umaga
maging mainit man ang gabi
o kaya sila'y pagbaliktarin
ngiti ko'y di magninimdim
ako'y maghihintay pa rin
tatangayin, aabutin
Mel-VS-the-World Jul 2021
Sa tuwing naaalala,
Ako'y naluluha,
Di lubos na akalain,
Lahat ay mawawala,

Ang pag-ibig na pinagsaluhan nating dalawa,
Sadyang kay bilis limutin,
Parang inihip lang ng hangin,

Tila ganon lang kadali,
Pipilitin ko rin ngumiti,
Lalasapin ko ang pait,
Titiisin ko ang sakit,

Dahil wala ka na,
Iniwan **** nag-iisa,
Di na mababalik ang tamis,
Di na mahahagkan pa muli,
Di na mamasdan ang ngiti,
Di na mauulit pa,
Hindi na muli,
Dahil wala ka na,

Saan ba tayo nawala?
Ba't hindi ko nakita?
Di lubos na akalain,
Tatangayin pala ng hangin,

Ang pangako sa isa't-isa'y,
Babaliin lang pala,
Okay lang ako yung masaktan,
Wag ka lang mawawala,

Tila ganon lang kadali,
Ba't ang hirap pa rin ngumiti,
Nilasap ko na ang pait,
Tiniis ko ang sakit,

Tangi kong hiling sinta'y
Nakikinig ka,
Minahal kita abot langit,
Hanggang maubos lahat ng "subalit”
Louise Dec 12
(𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘈𝘣𝘯𝘦𝘳 𝘋𝘰𝘳𝘮𝘪𝘦𝘯𝘥𝘰)

Kung sasabihin kong nahulog ang loob ko sa iyo, baka mas lumayo ka pa mula sa kinatatayuan ko. Patawad, pero nahulog ang loob ko sa iyo.

Kung aanurin man ako nang maraming-maraming beses, at kung totoo ngang may pwersa ang dagat Pasipiko, tatangayin ka na nito bukas palapit sa akin.

Mahal kita pero ilang kanta na ba ang napakinggan **** nagsabi noon, kaya ganito na lang: Kanina, naalala kita, kaya dinagdagan ko ng keso ang aking tsokolate.

Babalik ako ng Siargao na banayad ang dagat, walang alon. Inisip ko na baka ninakaw mo rin ang kuryente ng anod at sinilid sa maleta mo noong lumisan ka ng Enero.

Kung maglalakad akong duguan ang paa at pasa-pasa ang kamay patungo sa iyo, gagabayan ako ng alon ng iyong puso at dagitab ng iyong mga mata. Hayaan mo akong malunod kapag sa wakas ay nagtagpo muli tayo.
after Abner Dormiendo's "Sa Antipolo Maraming Nakatayông Resort"

— The End —