Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tanggulan" poems
Ang pagibig sa karunungan ay walang katapat na halaga. Ang pilosopiya at salapi ay langis at tubig kailanman hindi ito maaaring magsanib. Si Socrates na ama ng pilosopiya ay hindi yumaman ni guminhawa ang kanyang buhay. Ang karunungan ay bahagi ng kaluluwa at ang kaluluwa kahit kelan ay hindi nangailangan ng salapi at materyal na mga bagay. Walang pera sa pilosopiya sapagkat wala rin pilosopiya sa pera. “Philosophy bakes no bread” pero ito ang pundasyon ng mga sibilisasyon. Ang kultura at ebolusyon ng lahat ng buhay at mga pangyayari at kasaysayan ay nakasalalay sa pag-unlad ng pilosopiya. Ang karunungan ay parang gulong na laging sumusulong. Ang lahat ng sangay ng kaalaman ay nakasalalay sa pilosopiya, pilosopiya ang nagbibigay buhay at nagpapagalaw sa mundo. Ito ang bumabago sa takbo ng panahon at isipan ng bawat henerasyon. “Philosophy bakes no bread” ang medisina, batas, arkitektura, literatura at lahat ng katha ng isip ay nakasalig sa pilosopiya. Walang kaayusan kung walang pilosopiya. Ito ang mapa ng mundo at kompas ng kasaysayan. Pati ang mga buktot na panukala at mga hangarin ay may bahid ng binaluktot na pilosopiya na binalangkas ng mga taong hangal. Ang pilosopiya ang lumilikha ng yaman at kahirapan depende kung paano ito ginagamit ng mga nasa kapangyarihan. “Philosophy bakes no bread” pero ito ang kanlungan at kapahingahan; ito ang nagbibigay ng kalayaan. Tanggulan ito ng mga mahihina at walang kayang lumaban. Sulo na nagbibigay liwanag at pumupunit sa dilim ng gabi.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 9:43 PM UTC
“PHILOSOPHY BAKES NO BREAD”

Continue reading...
4
Kung ako ang siklab Tiyak ikaw ang dagitab Na buhay na buhay sa pinakamadilim na karimlan Na siyang nag-aangat sa mga anino na kay pino at may likas na talino Kung ako ang ningas Nararapat lamang ikaw ang hangin at simoy Hindi nabago at malaya na naging tanggulan... Dinuduyan ang kasanggulan. Para lamang malinang at kalingain Upang sa gayon ang naturang ningas ay magliyab at maging isang apoy ! Kung ako ang pagpapalitan at pagkakaisa At halos nga ay kapwa pawiin... Ikaw dapat ang gabay at kamay Na may tangan ng tiwala at paniniwala... Naghihintay ng sandali at tiyempo Upang maihanay ang iyong sarili sa ritmo at tono Nang sa gayon magagawa nating... Maipagpatuloy ang Pagputok ng sulong sinindihan hanggang sa maging ilaw. At muli magagawa nating... Balikan ang sinimulang paglalakbay pasulong kalakip ang tatag at tibay Mula sa gitna ng kadiliman Tayo nawa ang maging malinaw Gaya baga ng dulot ng kinabukasan. Hawak-kamay tayo, iyan ang kailangang mangibabaw... Sapagkat sa ating pagsusukob... At tanging sa ating pagsusukob, Tayo ay.... maliwanag na maliwanag . Manigong bagong taon sa lahat!!! *ryn's incandescent translated to tagalog by: solEmn oaSis
0
Jan 31, 2020
Jan 31, 2020 at 12:25 PM UTC
_-_-_-_-_- walking ryn _-_-_-_-_-
Komersyo ang nalagpasang kurso Naging sundalo at Kalihim ng Tanggulan Supremo ng mga Komunista ay napasuko Unang nagbukas ng palasyo sa taumbayan. -12/22/2014 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:27 PM UTC
Sayang na Kampeon, Mababaw na Balon (Ramon Magsaysay)
Sariwa pa sa aking alaala, Nakaraan nating dalawa Pinangakong magsasama, Habang buhay hari't reyna. Mga panahon ay lumipas, Pangako'y tilang kumupas, Tinangay ng hangin pataas, At pagmamahalan natin tila nagwakas. Ako'y iyong naging tanggulan Nang buhay mo'y inulan, Ako'y iyong naging sandigan, Giliw, bat mo ngayo'y iniwan? Tingnan kay di ko magawa, Kalimutan pa kaya? Nakaraan nating dalawa Hanggang ngayon dala-dala ko pa.
0
Jan 1, 2018
Jan 1, 2018 at 10:20 PM UTC
Dala-dala Ko Pa
KAIBIGAN ang turing sa iyo dahil sa ikaw'y totoo na kahit ano pa mang hirap ang danasin lagi ka nariyan sa aking piling KAIBIGAN ka sa bawat paghihirap ang pagbibigay-ngiti sa aking mga labi ay iyong sinikap KAIBIGAN ka sa tuwa't galak gabay at tanggulan ko sa aking mga sindak ngunit sa pagdaan ng panahon na tila ba ang lahat ay isa na lamang kahapon ang pagiging kaibigan mo ay nawala at sa iba ikaw ay sumama nabalitaan kong ikaw'y napariwara at ang iyong buhay ay naging masama ngunit ikaw'y bumalik upang hingin ang iyong paumanhin Sa pagkawala mo ako'y nalungkot tinanong sa sarili kung bakit ikaw'y lumimot araw at gabi ikaw'y hinihintay umaasang babalik at bigyang kulay ang aking buhay Ikaw'y muling niyakap at dinama ko ang iyong sinapit na paghihirap may mga luhang pumatak sa gilid ng aking mga mata na nagsasabing.... KAIBIGAN pa rin kita
0
Dec 5, 2019
Dec 5, 2019 at 1:29 AM UTC
Kaibigan