Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sumapat" poems
Mag aaral ng mabuti para sa kinabukasan Hindi lang para sa sarili para na rin sa bayan Magandang trabaho at magandang pangalan Aking pamilya, saki'y inaasahan Lahat ay di kailanman sumapat Inuuna ang pamilya dahil yon ang dapat Ni hindi makuha ang suporta na nararapat Pamilya nga ba talaga itong maitatawag?
0
May 2, 2019
May 2, 2019 at 9:36 AM UTC
Tula ng Isang Breadwinner
Ang daming gagawin. Di na alam ang uunahin. May mga proyekto't takdang aralin, At mga thesis na di alam kung kaya bang tapusin. Nakakasawang mga papel Pero di ko kayang bitawan. Lugmok, at laglag ang balikat, Nang bigla kang sumabay sakin sa paglakad, Nagyayang samahan ka at mamaya na gawin ang lahat. Pumayag pa rin ako kahit baka ang oras ay di sumapat. Ginabi tayo at nagsisisi ako, Di dahil sa takot na di matapos ang mga gagawin ko, Kundi dahil sa mga dahilan mo Kung bakit kinailangan kong sumama sa'yo. Namiss kita, napansin mo ba? Hindi, kasi ang nasa isip mo kanina puro siya, Siya na mahal mo pero di ka nakikita. Pano naman akong nakikita't mahal na mahal ka? Hanggang balikat, panyo, at kaibigan na lang ba? Nakakasawang mga papel Pero di ko kayang bitawan.
0
Sep 8, 2017
Sep 8, 2017 at 9:35 PM UTC
Nakakasawang mga Papel