Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sikretong" poems
Pwede bang pakisabi mo sa akin kung ano ang pag-ibig? Pakiramdam ko kasi ako na lang ang hindi makahanap nito. Pakiramdam ko kasi hindi sapat yung mga salitang nakalimbag sa diksyunaryo para maintindihan ko, Hindi din siguro sapat yung mga gabing 'di ako makatulog dahil sa'yo, 'Di din sapat na kasama ka sa mga salitang lumalangoy sa isipan ko tuwing susulat ako ng tula Hindi pa rin ba sapat, na nakilala kita? Para maintindihan ang pag-ibig? Para akong isang musmos na batang hinahanap ang kahulugan ng isang matalinghagang salitang nabasa niya sa isang tula. Nahihiyang itanong sa mga magulang at kaibigan, Kailangan ang sarili lang ang maka-intindi at makaramdam. Hindi ako makahinga, Sinasakal ako ng mga walang katapusang tanong, Kung ano nga ba talaga ang pag-ibig? Kung hinahanap nga ba 'to, o kung kusa nga ba 'tong dadating. Kung ang pag-ibig ba ay... Yung sandaling tumigil ang oras nang nakita mo siya sa unang pagkakataon? Yung nalaman ninyo ang pangalan ng isa't-isa at inukit mo na agad 'to sa isipan mo, at lumipas ang ilang araw may rebulto na siya sa puso mo. Ang pag-ibig ba ay... Ang mga saktong puwang ng inyong mga kamay? Ang bilis ng tibok ng puso mo nang una mo siyang nayakap? Nang nagsalubong ang inyong mga labi at nalaman niyo ang bawat sikretong tinatago sa katahimikan. Nang makita mo ang mga mata niya at naalala mo noong una kang nakakita ng mga kuliglig. Natakot ka at nabighani. Ang pag-ibig ba ay... Ang pagpapakatanga sa isang taong niloko ka na ng tatlong beses? Ang mga guhit sa braso mo? Ang mga natuyong luha mo? Ang pag-ibig ba ay ang pagmahal sa isang taong may mahal din na iba? Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi nangyari ang lahat ng napanood mo sa pelikula at nabasa sa libro? Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi ka nasaktan? Natatakot ako, Na baka sa sobrang tagal ko sa paghanap ng mga kasagutan, Mapapagod ako at susuko. Nabuklat ko na ata lahat ng mga talahuluganan at tesauro, Tila bang kaya ko nang gumawa ng tula para sa bawat salitang nakilala ko, Pero pinili kong mag-sulat sa isang salitang hindi ko nahanapan ng kahulugan. Limang beses ako nag-akala na nakilala ko ang pag-ibig, Limang beses akong nagkamali. Hindi ko alam kung tama pa bang kuwestiyonin ang pag-ibig, Ang ano, bakit, kailan, at paano. Siguro mananatili na lang 'tong matalinghagang salitang walang kahulugan at kailangan maramdaman para maintindihan. Pangako, Sa sandaling maramdaman natin 'to. Magmamahalan tayo ng higit pa sa pag-ibig.
0
Jun 27, 2016
Jun 27, 2016 at 6:32 AM UTC
Higit Pa Sa Pag-ibig

Continue reading...
45
Sa pagkagat ng dilim Ibinulong ko sa iyo ang nililihim Patagong ipinaaalam sayo Dahil gustuhin ko man isigaw kahit malayo Hindi ako pwedeng magpadalos dalos Dahil kagay nga ng sinabi ni Rommel Pamaos Ang pusong ito na akin Mahirap na kung ito lamang ay iyong pisil pislin Lalo na't di mo naman bibilhin At wala kang balak mahalin Kaya hanggang dito na lamang Ang puso kong nagaabang Naibunyag ko na naman na sayo Mula man sa malayo Ang mga sikretong itinatago Ng aking mumunting puso
0
Feb 18, 2017
Feb 18, 2017 at 9:32 AM UTC
Nakatago~
Sikretong liham , para sayo ginoo Maaring hindi mabasa ngunit sana’y pahintulutan mo May mga salita lamang na hindi na maririnig ng iyong puso Sa mga nakaraang araw , buwan o taon Ngunit sa pamamagitan nitong tula ko Ay mag silbing liham para sayo Nagagalak ang puso Sa mga ngiti mo Sa bawat pag tawa at pang aasar na pabiro Kung paano mo e kuwento mga plano sa buhay At pagpapakita kung sino ka nga ba talaga ang ginoong nasa harapan ko Nais ko sanang malaman mo Na naging laman ka ng mga panalangin ko Na sa pag pasok mo sa mundo ko Ay mananatili ka na dito Dahil isa ka na ginoo , Sa kumumpleto ng unang taon ko Naiisip ko parin mga tawa at ngiti mo Sa mga birong nag patawa Sa malungkot kong mundo Sayang lamang at hindi ko nasuklian iyon Ngunit sanay ngumiti ka parin Dahil para saakin bagay iyon Sa makulay **** mundo Mga larawang ibinigay Maraming salamat sa puso **** Walang kapantay Sa pag sama sa dahan dahang pag sayaw Habang pag sabay sa iyong mahusay na pag kanta At pag yakap ng mahigpit noong ako’y hinang hina Ginoo , panalangin ko sa taas Na sa pag bangga nating mga landas Ay masaya at naka ngiti ka ng wagas Dahil iyon lamang ang panalangin kong Para sayo ay sana matupad Hanggang sa muli , ginoo Ang liham na sayo’y iaabot Dito na lamang
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 10:55 PM UTC
“Liham”
Tatlong salita. Labing dalawang letra Pasensya ka na Pasensiya ka na hindi ko masasabi Sikretong iyong pinakamimithi Marami akong tinatagong saloobin ‘Di tulad **** bukas na bukas sa akin Ikaw na lang ang hindi nakakaalam Ng sikretong kay tagal kong tinakpan Masasabi ko pa ba sa’yo Nang hindi nag-aalala sa reaksyon mo Hindi sa hindi ko pagtitiwala sa ‘yo Kung hindi dahil sa natatagong damdamin ko Ito’y mananatiling nakakahon Kaya sana maintindihan mo ang rason Tatlong salita. Labing dalawang letra Pasensya ka na Kay tagal na panahon na Simula nang mahalin kita
0
Jun 3, 2017
Jun 3, 2017 at 12:47 AM UTC
Pasensya Ka Na
Samahan mo akong balikan Ang lugar na satin lang Kung saan nagtagpo Ang panaginip    --at ikaw Na doo'y naghalo Ang liwanag at dilim Ang lungkot at saya Na ating pinaghatian Nangako kang ika'y Sa'kin lang Samahan mo akong balikan Mga bituin sa kalawakan Kung saan namalagi Ang pangako    --at ikaw Na doo’y ako lang Sa’yong tabi, walang hadlang Sikretong lugar Na satin lang Walang kahati --Ako'y sayo lang
0
Sep 17, 2017
Sep 17, 2017 at 8:58 AM UTC
Tara
Matagal na panahong nilihim sa iyo Isang sikretong pasan ng mga balikat ko. Dinggin mo ako bagamat tila’y huli na, Pagbigkas ng mga katagang marinig mo pa sana. Halina’t sumilip sa kaibuturan ng aking puso Nagkadurug durog at hindi man buong buo Kailanma’y hindi naubusan ng dugo Na tuloy pa ring dumadaloy dulot ng alaala mo. Kailangan ko pa bang ipaliwanag ito Isang pangungumpisal at pagsusumamo Sa tinagal tagal ng ating pagsasama Ni minsan ba’y dumapo sa’yo na mahal na pala kita?
0
Jun 16, 2017
Jun 16, 2017 at 4:15 AM UTC
Bulong
36 Sa lahat ng araw ng ikalawang buwan Bago ganapin ang napipintong kasalan 37 Madalas wala ang prinsipe sa palasyo Dinadahilan parati ang pangangaso 38 Subalit parating walang huli Dahil may lihim siyang ikinukubli 39 Iyon ang kanilang ugnayan Ni Loria sa sikretong pook sa kakahuyan 40 Sila’y palaging nakahahanap Ng butas sa pagpapanggap 41 Ang palusot naman ni Loria Sa ina’y dumadalaw siya 42 Wala man lang nakahalata Sa lihim na ugnayan ng dalawa. -06/17/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:51 PM UTC
Siboloria 6 -Lihim na Ugnayan-