Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Lord, para kang driver ng shuttle. Sa bawat pagpara ng mga tauhan, humihinto ka. Ang bawat isa’y may tangang istorya at pawang may mga kakambal na destinasyon.

Sa dilim, tanging ang ilaw mo ang nagbibigay pag-asa sa mga tambay at naghihintay na pagkatao. Hindi mahalaga sayo kung matagal na silang nag-aabang o kararating lang nila sa tagpuan.

Hindi naman lingid sa aming kaalaman na diretso lamang ang daan; alam naming dumaraan Ka talaga sa amin at minsan ayaw lang talaga naming pumara. Kung malayo kami’t nasa eskinita pa; kami ang nararapat na maglakad patungo sayo at maghintay. Minsan nga lang mahuhuli kami sa oras, pero babalik ka naman para sa amin.

Hindi ka napapagod pagbuksan ng pinto ang bawat pasahero; kahit may lakas naman ang bawat isa. Isasara mo ang naturang pinto nang kami’y maging ligtas.

Matulog man ang isa sa amin, ang byahe’y isang hele. Minsan talaga malubak lalo sa tigang na kapatagan. Sa bawat alikabok at aspaltong sinsayaran; nananatili ka sa iyong pagmamaneho.

Minsan, mabilis ang takbo; minsan mabagal. Tulad ng bawat panalangin; minsan agapan **** sinusolusyunan; minsan naman, tinuturuan mo ang bawat puso kung ano ba talaga ang "paghihintay." Pero alam namin -- mabilis man o mabagal ang takbo; hawak Mo ang oras at tanging kaligtasan at kabutihan lamang ang alay Mo sa amin.

Sa pangunguna mo, salamat po pagkat may iisang direksyon ang biyahe. Alam namin ang patutunguhan buhat sa karatulang nasa salamin. Pag sinabi naming “Dito na lang,” muli kang humihinto at muli kaming pinagbubuksan para lumisan. Hindi ito paalam; bagkus, bukas ay sasakay muli at tayo’y magkikita sa lagi nating tagpuan.

“Alam mo kung nasaan ako; hihintayin Kita. Lord, salamat sa kaligtasan.”
101915

Alam kong sayo ang sakay
Medyo nainip ako buhat sa pagkabigo
Nang minsang inabanga'y
Nakaligtaang arkelado pala.

Nag-abang ako,
Pumara ng iba
Pati ruta pala'y ibang ibayo ang salta.

Ibang kalsada,
Naglakad akong muli
Oo, mas napagod
May paltos at kalyo ang mga paa
Sana'y naghintay na lang ako sayo
Kahit walang kasiguraduhang
Magbabalik para paangkasin.

Bukas makalawa,
Sa panahong hindi mala-Cinderella,
Daraan kang muli
Hihinto kahit di parahin,
Aalukin akong sumakay
Pagkat naihatid mo na ang iba.

Ako marahil ang huling pasahero
Bagkus alam kong may bakanteng silya
Silyang inilaan at palaging pinapagpagan
Nang hindi maalikabuka't
Maihanda sa  oras na nakalaan.

Sasakay ako nang dahan-dahan,
Hindi gaya ng dating may pagmamadali,
Titingnan kong maigi ang hagdanan
Nang hindi ako matalisod
At may mahawakan.

Sasakay akong may panibagong pag-asa
Walang pag-aalinlangan sa pait ng nakaraan
Marahil hihintong muli ang sasakyan
Bagkus totoo nga't
Makabababa na sa tamang hantungan.
Siguro nga tayo ay napaglaruan ng tadhana

Dalawang tao na nagkatagpo ngunit hindi para sa isa't isa

Hanggang kailan ko ba sasabihin sa sarili kong " Tama na"

Kung wala nang natitira pang pag asa

Hilingin ko man sa bathala na tayo'y muling magkita

Ngunit ang buong daigdig ay tutol sa ating dalawa

Kaya anong saysay ng pagluha at paglaban pa

Kung ang buong mundo ay sumuko na sa ating dalawa


Sa tuwing sasakay ako ng tren ikaw ang sasagi sa isipan ko

Sa bawat buhos ng tao hinihiling na ang pares ng mga mata mo ang matatagpuan ko

Ngunit kahit anong dasal at daing pa ang sambitin

Tila ba ito ay bitin at mananatiling kulang parin

Oo nga, tayo ay tinalikuran na ng buong mundo

kaya ang natitirang pinanghahawakan ko ay ang bakas at ang alaala mo



//iana
Bryant Arinos Jan 2018
Susunduin kita, baka maghintay ka nang kaunti
Darating ako, baka pawisan pa at naiihi
Wala pa akong kotse kaya sa jeep tayo sasakay
Pero sa buong byahe natin, ‘di ko bibitawan ang iyong kamay.

Kakain tayo kahit saan sa may Maginhawa
Tapos magbibiruan habang malakas na tumatawa
Sobrang bundat tayong pareho uuwi
At may mga tinga man, pareho tayong nakangiti.

Ihahatid kita kahit saan ka pa nakatira
Kahit inaantok na ako, baka nga tulugan pa kita
Pero hindi ko gagawin yun hanggat hindi pa kumakalso
Sa manipis ko ngang balikat ang napakaganda **** ulo.

Hindi perpekto ang mga panahong kasama mo ako
Hindi kumpleto ang ako na kakilala mo
Ikaw kasi sana ang pupuno sa aking mga kakulangan
Kaso kinompleto ka na niya. At hindi mo na ako kailangan.

— The End —