Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
cherry blossom Aug 2017
nakita mo ako noon na umiiyak
may nakawala na naman sa higpit ng aking paghawak
hinawakan mo ako noon sa balikat
nakita mo sa mga mata ko
wasak ang mundong kinatatayuan ko
ginawa **** dahilan ang pangyayaring 'yon
para bigyan ako ng pangalan sa buhay mo

Kinupkop mo ako.

pinasilong sa iyong payong
pinayungan mo ako nang akala **** naiiba ako
hinagkan mo ako
pinangalanang "tapat"
tinanggap ko ang alok **** payong
nananabik sa pagtanggap
pagtanggap
isang bagay na pinagkait ng mga kamay na nakawala

Nananabik ako.

kinilala mo ako
binasa na parang librong daladala mo araw araw
naging interesado sa kada buklat ng pahina

Naiintindihan mo na.

lubos ang saya nang makita kitang nagbabasa pa
nananabik akong matapos mo
kilalanin mo ako ng buo
itago sa kung saang lugar na wala nang makakaabot
bigyan mo ako ng rason.

ayan na, malapit ka na sa kabanata
kung saan bumitaw sila
tatlong pahina na, magtiyaga ka sana
dalawang pahina na lang, huminga ng malalim
isang pahina---

saglit, bakit hindi mo pa binubuklat sa huling pahina?

"magpapahinga muna", yan ang sinabi mo
ayos, para may lakas ka para harapin ang kabanata ko

Maghihintay ako
at naghihintay pa rin ako
nakatunganga ako sa labas ng kawalan
hinihintay ang pagbabalik mo
ilang beses ka nang nagpalakad lakad sa harap ko
hindi mo ba ako nakikita?
hindi ka na bumalik
hindi mo na sinubukang bumalik

wala ka pa nga sa kadiliman ko
hindi mo na kinaya ang kwento ko
at muli kitang nasilayan, tumingin nang walang pagsisisi
08/10/17
Para kay
Kaede Jan 2018
Naaalala mo ba
Sa twing umuulan
Minsan mo akong pinayungan
At hinatid sa sakayan?

Naaalala mo ba
Sa twing mag aalas singko
Minsan mo rin akong nilibre
At pinakain sa McDo?

Naaalala mo ba
Sa twing pupunta ka sa opisina
Andon ako, nag aantay
Habang tumutugtog ng gitara?

Naaalala mo ba
Ang mga ngiting aking ipinipinta
Sa aking labi sa twing
Ikay nakikita?

Tanong ko lang
Naaalala mo kaya ako?
Dahil ni minsan
Di ka pa kasi umaalis sa isip ko.
Manunula T Feb 2018
Maingay. Siksikan.
Mainit. Nakaiinip.
Nakipila. Naghintay.
Isa. Dalawa. Tatlong oras.
Reklamo nila. Reklamo ng lahat.
Nainip. Umupo. Nakitabi.
Nag-ingay nang nag-ingay.
Maraming nagsidatingan.
Kanya-kanyang kwento.
Nagkwentuhan.
Umambon. Umulan.
Payong. Binuksan.
Nakisilong. Pinayungan.
Nagkwentuhan. Nagtawanan.
Tarangkahan. Bumukas.
Tulakan. Umuulan.
Tulakan. Sigawan.
Tulakan. Siksikan.
Siksikan. Naapakan.
Tulakan. Walang makapitan.
Pinakapit. Kumapit.
Tapak. Hagdan.
Umakyat. Inalalayan.
Humakbang. Umusad.
Pinauna. Pinasalamatan.
Nagapasalamat. Nagkangitian.
Umakyat. Sinundan.
Di nahagilap. Tinunguhan.
Di nalaman. Kinalakhan.
Di nalaman. Pangalan.
Naaalala. Ngiti. Labi.
Matang singkit. Matangos na ilong
Berde ang bag. Pula ang damit.
Sumbrero'y itim. Ulong maliit.
Umupo. Hinanap.
Hinanap. Hinanap.
Di makita. Di mahagilap.
Tanging maalala. Pagtulong twina.
Nakababagot na pila. Siya nakita.
Mahabang oras nakasama.
Salamat. Pila.
Sandaling nakasama.
Alaala. Siksikang pila.

— The End —