Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Binibining aking minimithi, sana'y maging masaya ka sa huling araw nating magkasama,
sana'y ipagpatuloy mo ang iyong pagkamasayahin at palangiti,
dun pa lamang ako'y labis nang masaya kahit ika'y may kasama ka nang iba.

Binibini, sana'y wag kang maawa sa aking pagsuko at pagkabigo sa pag suyo sa iyo.
Dahil sa sandaling nagtangka akong ligawan at pangitiin ka ako'y iyong napasaya nang makita kang nakangiti at masaya nang dahil sakin.

Binibining aking minimithi, ako sana'y iyong patawarin kung minsan ako'y nakakainis na, sana'y maintindihan mo na ikaw lamang ang nagbibigay kulay saaking araw na matamlay at tila walang kinabukasan.

Binibini, sana'y malaman mo na ako'y magiging ok pag dating ng panahon.
Ang hinihiling ko lamang ay ang iyong kasiyahan na sana'y matupad, dahil alam ng lahat na, ang nararapat sayo ay ang kasiyahan sa mundo.

Paalam.
This is my native language so yeah I'm filipino <3
LAtotheZ Aug 2017
Ama
Papaano nga ba maging isang mabuting ama?
Pasan ang pamilya sa likod habang nakatayo sa sariling paa
Naghahanapbuhay habang nakabantay sa kanila ang isang mata
Di alintana ang pagod, hangad lamang paibig maipadama
Maginoong lalake at may takot sa Diyos
Mapagbiro, palangiti, malambing sa bawat haplos
Masayahing ama kaya mas maigi ang tawanan
Patunay lamang na ikaw ang haligi ng tahanan
Ikaw ang ulap na tatangay kapag nabitin ang hagdanan
Sa mga anak nag-gabay sa mga napili na larangan
Sa kabiyak na nagpatunay na pag-ibig walang hangganan
Simpleng buhay na may pag-asa, magkakapiling, nagmamahalan

Written: 01/27/2010
Jungdok Nov 2017
Ang pagmamahal siguro'y bulag nga
Nang makita kita sayo'y nahulog agad
Ikaw ay may itsura
Mabait at palangiti pa

Ngunit sabi ng Ina'y ako ay mag-ingat
Tayo'y magka-iba, hindi raw pinagtadhana
Hindi ako naniwala
Alam kong sayo ako'y sasaya ng lubusan

Naglaro, nagtawanan
Sa mga panahong kasama ka ako'y nagagalak
Subalit dumating ang araw
Araw na magwawakas pala ang lahat

Ako'y nawasak at ikaw ang may sala
Unti-unting nabasag
Wala na akong magagawa
Tama nga ang sinabi ng ina na hind tayo para sa isa't-isa
Hango sa kwento na "Ang Banga"
Francisco Ocampo Mar 2020
Ikaw pala yan, yung taong palangiti at palaging masaya.
Ikaw pala yan, yung taong kalungkutan ay halos hindi makita.
Pero tila ba nagbago na yung taong nakasanayan nila.
Saan napunta yung ngiting kayang makapagpasaya ng iba?

Yung dating masigla at makulay, ngayo'y napapalibutan ng kadiliman.
Tuwing babalikan ang kahapon, masasabing isa kang liwanag na walang hangganan.
Ngunit anong nangyari at parang pagod na pagod ka?
Hindi na nga ba maibabalik yung dating sobrang saya?

Iyong mga mata ay napagod na, kakahanap sa kalutasan para sa iyong mga katanungan.
Ang iyong boses ay halos mapaos na,  kakasagot sa mga katanungan na "ayos ka lang ba".
Sa bawat gabi na ika'y nag-iisa, hindi mo man sabihin alam ko'y meron kang pangamba.
Takot na baka bukas ikaw nalang mag-isa, o takot na baka sumuko ka nalang bigla.

Hindi man tayo sobrang magkakilala, pero gusto ko lang sabihin na sana marunong ka din magpahinga.
Walang masama kung ika'y magpapabida, pero huwag kalimutan na ikaw ay mas mahalaga.
Bilang isang paalala, mga katagang ito'y aking iiwanan na.
Ikaw na nagpapanggap, kamusta ka na?

— The End —