Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Wolff Sep 2018
Tatlong katok lang ang layo ng katahimikan
"wala dito, kanina pa umalis mama ko"
utos sa anak na walong taong gulang
habang nagtatago sa palikuran
"sabihin mo sa mama mo, na nagbigay ako ng ulam"
"salamat po ninang!"
"walang anuman", bago siya lumisan.

tatlong katok lang ang layo ng katahimikan
"wala dito, kanina pa umalis mama ko"
utos sa anak na walong taong gulang
habang nagtatago sa palikuran
napakamot na lang ang naniningil ng utang
gigil na nagpaandar ng motor
sapagkat siya'y nagulangan

tatlong katok lang ang layo ng katahimikan
sa pagkatok, tanong ay "tao po?"
sagot ay "tao po"
biglaan ang pagka gulantang
"anak, dali! magtago ka doon sa palikuran"
alam na niya kung sino ang dumating
takot ang bumalot sa kapaligiran
namumugtong na mga mata
at nginig na mga kamay na parehas kumakaliwa
bakas ang kaba sa mukha

at tatlong katok lang ang layo ng katahimikan
ang pinto'y hindi binubuksan
nabasag ang katahimikan kasabay
ng pagbagsak ng sirang pintuan
nasurpresa sa kanyang mga bisita
nangingilid na ang luha
bigay todo ang pagmamakaawa
isa dalawa tatlo, hanggang anim
anim na nakaunipormeng magsasaka
hindi palay ang itinatanim, kundi bala

kasabay ng panlalamig ng katawan
ang ingay ay nilamon bigla ng katahimikan
at kasabay ng katahimikan
ang kanyang ina
ay
binawian
ng
buhay...
© 2018 Kenneth Bituin
All Rights Reserved.
bless Mar 2019
Matapos ang bawat kanta ng aming pwedeng kantahin
Dasal na alay para sa mga taong may ilaw na bilog sakanilang ulo

Hihinga ako ng malalim
Ngunit di maaalis ng aking paghinga ang kaba at takot sa aking dibdib

Tubig at bolpen lang laman ng aking bag
Sa pagdarasal
Alam kong hindi sapat ito para ako’y manatili sa aking kinalalagyan

At tulad ng aking dalangin
Naghihintay ang aking ina sa ibaba
Sa kanyang puso at mata
Dama ko ang kanyang pagmamakaawa


                                  “Bigyan niyo po kami ng awa”


                                              “Maawa po kayo”


Rosaryo, rosaryo, rosaryo, rosaryo, rosaryo
Rosaryo sa Huwebes
Rosaryo na aming kailangan sabihin sa wikang ingles


Siguro sa aking pagdarasal ng rosaryo ng malakas
Ay maawa sila saamin
Masakit man ang tuhod sa pagluhod
Hindi pa rin nito maalis ang takot at kaba sa aking puso


                     “Alam ko pong hindi sapat ang aming dala”


Ang Ikalimang Misteryo ng aking pagmamakaawa


                            “Pero sigurado po na ako’y may alam”


Naghihintay ang aking ina sa ibaba
Nananalangin na sana’y hindi niya ako isama sa kanyang pag-uwi

Matapos man ang mga Misteryo ng Rosaryo
Alam kong hindi pa tapos ang aking kalbaryo
Dahil ilang minuto na lang alam kong tatawagin na aking pangalan


                                               “Maawa po kayo”

                                                         ­    .
                                                             .
                                                             .
                                                             .
                                                             .
                                                             .


Hindi maaalis ng lamig ang pagpawis ng aking mga kamay ng buksan ko ang pinto
At sa ibaba, nakita ko agad ang aking ina

Itinaas ko ang aking kamay
Sabay ng kanyang pagngiti

Ako’y mananatili
Hindi na niya kailangang mag-alala
Magsisimula na ang aming pagsusulit
At kailangan kong pumasok na




© 2019 B.L.
All Rights Reserved.
Sarili mo lang ang palaging iniisip mo,

Samantalang siya ay nakatuon sa kapakanan mo,
Hindi umiikot sa iyo ang mundo,

Katulad ng hindi masusunod ang lahat ng iyong gusto.

Ayusin mo ako, pagmamakaawa mo,

Hindi mo ba alam na siya yaring nababasag ang pagkatao?

Bawat haginit, bawat piraso,

Buuin mo ako, iyan ang utos mo.

Wala kang mararating kung sarili mo lang ang iisipin,
Para kang isang pating na kahit anong lamon ay tila gutom pa rin,

Paano kang mabubuo kung ang kahapo'y binabalikan mo,

Bakit hindi mo subukang tumingin sa kung anong nasa harap mo?

Aking kaibigan, wag kang magpakahangal,

Sa larangan ng pag-ibig ay walang mahahalal,

Kung ika'y makasarili, walang magtatagal,

Puso'y mawawasak, dila'y laging mauutal.

Tulungan mo akong buuin ang sarili ko,

Ikaw ang kailangan ko, ang siyang wika mo,

Hindi magtatagumpay, pagkat sarili'y hinihimlay,

Sa bakas ng kahapon ika'y ayaw maglubay.

Ito na ang huling tulang isusulat para sa iyo,

Kung hindi mo pa rin bubuksan ang isip mo'y bahala ka na sa buhay mo,

Aking kaibigan, isipin mo ang kaniyang kapakanan,
Huwag mo na sanang hintayin na ikaw ang siyang mawalan.
cj May 2017
Hihintayin pa ba natin
Na ang langit ay matakpan ng mga kulay abo na alapaap
Na pinaghalong mga usok ng bomba
At mga ulap na nagdadala ng mabigat na bagyo?

Hihitayin pa ba natin
Na mawala ang buhay ng isang inosenteng sibilyan
Sa ngalan ng isang lalake sa kataas-taasan ng kalawakan
Na hindi naman natin tiyak kung tayo ba’y binabantayan pa?

Hihintayin pa ba natin
Ang pag-hiyaw ng milyong-milyong mga mamayanan
Ang hiyaw na nagdadala ng kanilang takot
Na tila ba’y parang kampana ng simbahan
Pinipilit tayong tumayo at bumangon na

Hihitayin pa ba natin
Ang pagmamakaawa ng isang burgis na artista
Na ang tingin lang sa atin ay mga tseke at barya?

Hihintayin pa ba natin
Ang pag-tahimik sa atin ng mga lalakeng naka-itim
Sumisigaw at nananakot
Sa ngalan ng maitim na propaganda?

O hihintayin na lang natin
Na gawing tayong manhid
Sa bilang ng tatlo
Habang tayo’y tinututukan ng kailbre kwarenta y kwatro?
a little piece i made just to reflect what is happening in marawi and the world.
Meruem Nov 2018
"Ayoko na. Pagod na ako."
Oo, parang tumigil ang mundo ko.
Sa isang iglap, nawala lahat.
Pagmamakaawa hindi naging sapat.

Siguro nga mali na kinilig ako
Noong unang beses kitang kinausap.
Kinabahan ako ng todo,
Kasi lahat ng naramdaman ko totoo.

Nikka, hindi mo naman ako masisisi.
Sino bang hindi mahahalina sayo?
Kahit siya na may galit at nasaktan,
Sinabi na sayo ako'y mapapamahal.

Masaya ako na nakilala kita.
Mabuti na siguro na malaya ka na.
Pero alam mo ba, sa loob ko may nagsasabi na sana sumugal ka sakin.
Hayaan mo, sakin nalang yun.

Isa akong sinungaling.
Napakarami kong kasalanan sayo.
Pero isa lang ang masisigurado ko,
Sobrang mahal na mahal kita.

Pangako na ako'y narito pa rin,
Kung kailan mo ako kakailanganin.
Kahit na sobrang alanganin,
Lahat ng pait at sakit ay kakayanin.

Alam mo? Tama siguro sila Juan.
Na dapat mag-move on na ako.
Pero hindi, sigurado ako sayo eh.
Baka sa kabilang buhay maging tayo.
Ps. Sana maging masaya ka. Mag ingat ka.

Pps. Sana hindi mo to mabasa..

Nagmamahal,

Yung lalaking mangungutang para makabili lang ng ticket ng eroplano papunta sayo.

— The End —