Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagkukunwaring" poems
isang mukhang naka kubli itinatago ang totoong imahe isang pagkukunwari kailanman hindi maitatago ang katotohanan sa maskara kasinungalingan minsan masaya minsan may pagsisisihan ka minsan masasaktan pero sa bandang huli may matututunan ka ito yung buhay na naranasan ko sa likod ng maskara na itinago ko sa paraan hindi ako tinakasan ang buhay na totoong nararanasan ko gumawa ng sariling mundo na hinango sa imahinasyon paano pa ba makakatakas sa aking buhay na binilanggo ng pag papanggap na hindi ako minahal nila na akala ay ako to hinangaan nila akala totoo marami naniwala na ang nasa harap nila ay nabuhay bilang malinis na tao napag tanto ko na parehas lamang ang tao napaniwala ko at ako mismo ay nalinlang lang din sa kainggitan ko galing sa taong perpekto na kinuhanan ko ng pagkatao. na kahit ako mismo ay nangarap na sana maging ganon man lang din ako kahangaan ng iba at tanggapin bilang patas na tao sa mundo minahal mo lang ba ako dahil sa itsura ko? nagustuhan dahil sinabi kong mayaman at may kotse ako? tinanggap kasi akala mo nakahanap ka ng prince charming mo? pasensya na nagising na rin naman na ko sa katotohanan kahit ako mismo ay napagod na sa pagkukunwaring hindi naman talaga ako. kasi nangarap din ako na tanggapin ako ng buo di dahilsa istura nakaharap sayo dahil gusto ko din ng may taong mamahalin ako kung sino at ano ba ako ayoko na. pagod na ako. dahil inaasahan ko rin naman na kapag nalaman mo ang totoo ay iiwan mo lang din naman ako wala kahit sino mismo ang makakaunawa sa taong gumamit at napilitan itago ang buhay sa isang maskara dahil sa bandang huli ako mismo parin naman ang masasaktan dahil umasa ako na matatanggap ang isang tulad ko sa lipunan
0
Jan 5, 2019
Jan 5, 2019 at 11:18 AM UTC
Maskara

Continue reading...
63
Gusto ko ring maranasang makulong para naman magka-thrill kahit kaunti ang buhay kong napaka-boring. Pero gusto kong makulong nang walang ginagawang anumang krimen. At a loob ng kulungan ay pabahuan ng hininga, kili-kili, puwet at singit; paramihan ng libag sa leeg, tinga sa gilagid, kalyo sa labi, at tartar sa ngipin. Doon na rin masusubok ang aking pagiging best actor sa pagkukunwaring makadiyos ako sa pagdadala ko ng banal na libro sa lahat ng oras, minu-minuto upang parolya ay aking matamo at kinabukasan ay laya na ako. Hustisya ay kaydaling laruin, sistema ay kaydaling butasin, buong kuwento ng aking tula ay uulit-ulitin.
0
Aug 16, 2017
Aug 16, 2017 at 12:30 AM UTC
Hacking the Justice System
Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong taong walang pagbabago Tatlong taon ng pagpapakagg Kelan ako titigil? Hindi ko alam Siguro kapag masyado na akong manhid sa sakit Kapag masyado nang tanggap ng sistema ko ang lahat ng pait Siguro Kapag natuto na akong paglabanan ang inggit. Ang gusto ko lang naman maramdaman ang saya Kahit na ba Oo! Magmukha akong tanga Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba Basta ang Alam ko lang gusto kita. At Oo! Alam kong magkaiba tayo ng nadarama Pero ayos lang! Basta't nandyan ka. Lolokohin ko na lang ang sarili sa mga pantasya't pangarap Sa mga pagkukunwaring ako din ang lagi **** hinahanap Bubuhayin ko sa kasinungalingan ang pusong sugatan Pasisiyahin ng konti ang mga mata Kong luhaan Huwag lang mag alala pagkat ginusto ko 'to Wala kang kasalanan kung nagkakaganito man ako Basta't huwag ka lang lalayo At siguradong magiging ayos lang ako.
0
Oct 8, 2017
Oct 8, 2017 at 6:55 AM UTC
"Para sa'yo"
Nasaksihan ko kung paano nabuo, nabubog, nadurog ang pagkakaibigan nyo. Nasaksihan ko ang bawat tawa, bawat luha na pumatak mula sa mga mata ninyong dalawa. Nasaksihan ko kung paanong hindi nyo mahiwalayan ang isa't isa pati na ang minsang nagkunwari kayong di magkakilala. Nasaksihan ko. Nasaksihan ko ang lahat maging ang pagkakalamat sa bagay na ingat na ingat kayo, pati na rin ata ako. Dahil sa panahong kayo ay nabuo, nabubog, nadurog ay sumabay ang puso ko sa pagdurugo ng sa inyo. Sa panahong halos maubusan ng hininga sa kakatawa, maniwala kayo, mas masaya ako kaysa sa inyo. Pero sobra din ang sakit kapag kayo ay magkagalit dahil sa pagkukunwaring multo ang isa't isa o kaya'y taong di ninyo kilala hanggang sa magkapikunan kayong dalawa. Akala ko'y iyon na ang pinakamalungkot sa lahat. Nagkamali ako. Dahil mas malalim pa sa lungkot ang lumukot sa kalooban ko nang umagang iyon. Nang makita ang ilang pahiwatig ng nalalapit na pagtatapos, ng pagwawakas ng bagay na minsang nagpalakas sa inyong dalawa. Akala ko, tuluyan na itong masisira. Ngunit mukhang di ako pwedeng manghuhula dahil... Nasaksihan ko ang muli nyong pagkapit, paglapit sa isa't isa kahit pa pilit kayong pinaglalayo ng hindi niyo pagkakaintindihan, ng inyong pagkakasakitan. Nasaksihan ko kung paano nabuo, nabubog, nadurog, at muling nabuo ang pilit na pinaglalayo.
0
Sep 8, 2017
Sep 8, 2017 at 9:44 PM UTC
Sa Pilit na Pinaglalayo
Pag kukunwari nalang ang kayang gawin ngayon Pagkukunwaring walang narinig Walang nalaman Walang pakialam At hindi nasasaktan Pagkukunwaring ginagawa para d masaktan ang nararamdaman at para di masira ang saya ng pagkakaibigan Hanggang kailan magkukunwari Kung ikay ay d ko naman pag aari Hanggang kailan ko itatago ang aksidenteng nararamdaman Dahil plano koy huwag nalang ipaalam Mas okey pang ako ng ang masaktan Kesa tayo pang dalawa ang mahirapan
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 2:26 AM UTC
Pagkukunwari