Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagkakaroon" poems
ito ay isang liham na isinulat ng buong tapat para sayo at para sakin maaring pag lipas ng panahon ay makalimutan ko ito at maaring mag laho ang liham na ito ng tuluyan nakalaan ang liham na ito sa taong mag tatago ng ating mga alaala habang siya ay nabubuhay simula ng makilala kita ay naakit ako sa maaaring maging sanhi at bunga nito sa simula, inakala ko ang katuparan ng aking mga pangarap ang bunga hindi nag tagal naisip ko ang paulit ulit natin pag uusap ay siyang bunga nito pagkatapos non' naniwala ako na ang simula ng aking bagong buhay sa ibang mundo ang bunga ngayon ko lang napag alaman kung ano ang tunay na bunga kung ang sanhi ay ang pagkakaroon ng lihim na pag mamahal sayo, ang bunga ay ang pagka-wala ng lahat sa buhay ko ang kinabukasan ko, ang panuntunan ko, ang mga taong malapit sa buhay ko, at maging ikaw hindi ko natitiyak ang mga mangyayari mula ngayon tuluyan na ba natin makakalimutan ang bawat isa? kung magpapatuloy ang mga alaala at habang buhay na pag durusa isa lamang ang hihilingin ko ang manatili ka sa puso at isip ko dahil katumbas ng walang hangang nararamdamang sakit ang mapag kaitan ng mga alaala mo at para sayo kung sakaling mabasa mo ang liham kong ito isa lamang ang dalangin ko, nawa'y hindi mo na malaman na ito ay para sa iyo.
0
Dec 28, 2018
Dec 28, 2018 at 4:32 AM UTC
Liham
mula sa bintana ng mga katotong tahanan may pinaghuhugutan balitang pinagkainan merong budbod di-umano ang bibingka sa bilao madalas di-ginugusto,,minsan nama'y napapa-tipo. bihira man ang daloy sa hiwa ng pagkakataon nariyan pa rin ang kuro at haka sa loob ng kahon sa tulong ng walang patumanggang bulong na hindi naririnig ang tunog sa likod ng pulang bilang matatanaw may abiso sa kidlat na walang kulog. ilako ang lakbay ng himay sa mga nagdidilang anghel para mahumpay ang tamlay mula sa pader na papel ibahagi ang natatanging kuwento sa oras ng hanay ng kasarinlan mag-manman sa likuran bago dumating at gumawa sa tambayan matabunan man sa araw-araw ang pag-apaw ng dalaw sa estado wag mag atubili,hataw lang sa paggalaw muling ibangis ang talento bagamat ano mang bulwak meron ang katha sa salamin,matapos na maisulat sa ere man hanggang sa paglapag ng tuyong dahon,may mangha na ipamu-mulagat sapagkat hinde mababanaag sa mga nilakaran ang iniwang bakas sa pinanggalingang upuan dahil ang dati nang puting kulay sa loob na 'ala pang bahid magkukulay dilaw sa pagkakaroon ng matimtimang masid at kung ang inaasahan ay taliwas sa nakatakda,,alin lang yan sa dalawa : bumilis ang pagbagal ng patak kaya manunumbalik ang dati nang sigla o malamang na mangamba sa pakiwaring hindi daratnan dahil sa pagkaantala? kung magkagayo'y ituloy lang ang pagkasabik sa pagtatapos pagkat magkakabunga!
0
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 8:50 AM UTC
salungguhit
Ang pag-ibig ay ang pagbabahagi ng buhay, upang bumuo ng mga espesyal na plano para sa dalawa lamang, upang gumana nang magkatabi, at pagkatapos ay ngumiti ng pagmamalaki, bilang isa-isa, ang lahat ay nangangarap. Ang pag-ibig ay tulungan at hikayatin sa mga ngiti at taimtim na mga salita ng papuri, maglaan ng oras upang ibahagi, pakinggan at pag-aalaga sa malambot, magiliw na paraan. Ang pag-ibig ay ang pagkakaroon ng isang espesyal, isa kung kanino mo laging maaasahan na makasama doon sa mga taon, pagbabahagi ng pagtawa at luha, bilang kapareha, magkasintahan, kaibigan. Ang pag-ibig ay gumawa ng mga espesyal na alaala ng mga sandali na gusto **** alalahanin, ng lahat ng mabubuting bagay ang pagbabahagi ng buhay ay nagdadala. Ang pag-ibig ang pinakamalaki sa lahat. Nalaman ko ang buong kahulugan ng pagbabahagi at pag-aalaga at ang pagkakaroon ng aking mga pangarap lahat ay natutupad; Nalaman ko ang buong kahulugan ng pag-ibig sa pamamagitan at pagiging mapagmahal sa iyo.
0
Jun 11, 2020
Jun 11, 2020 at 8:04 PM UTC
Ang Kahulugan Ng Pag-ibig
Hindi sapat ang mga regalo na matatanggap mo O kaya ang pagkakaroon ng titulo, Ano nga ba ang sukatan? Paano mo malalaman? Tunay ba talaga ang pag-ibig na inilaan?
0
May 5, 2016
May 5, 2016 at 7:47 AM UTC
?
Napalitan na ng sigawan Na dati’y isang malakas na tawanan Nakaririnding bagsakan ng pintuan Na nagbibigay kaba sa’king kalooban Mabibigat na yabag ang bumabagtas paakyat at pababa ng hagdan Na tila nagpapahiwatig na may nangyaring sagutan, Nakakabinging katahimikan Na minsan ay hindi ko ginustong maranasan Walang katapusan na pagtatalo Palaging nakalingon sa nakaraan, hindi magawang kalimutan Ilang taon na ang lumipas ngunit palaging hinuhugot pabalik sa kasalukuyan, Palaging mayroong argumento Pero ano ba ang tunay na napapala? Sino ang nanalo at sino ang natatalo? Sino ang magdedetermina sa kanilang dalawa na tama na? Sino sa kanilang dalawa ang unang magtataas at magwawagayway ng kanilang puting bandera? Hindi lingid sa aking kaalaman na wala isang perpektong pamilya Hindi maiiwasan ang pagkakaroon nang hindi pagkakaintindihan Ngunit ang isang away at papatungan pa ng isang away, parang ibang usapan na yan. Kaya minsan- Mas pinipili ko na lamang ang mag-isa Magkulong maghapon at magdamag sa kwarto habang sa’king kama’y nakahiga Nakikinig sa mga luma’t bagong musika, o ‘di kaya naman nanunuod ng pelikula Sapagkat iyon ang mga oras nawawala ang aking pangamba Na baka mayroon sumabog na alitan sa pagitan ni ama’t-ina Tahan na tahanan, Napalitan na ng sigawan ang dating malalakas na tawanan Hindi na ikaw ang munting bahay na masaya kong inuuwian Punong-puno ka ng tensyon at ang enerhiya sa paligid mo’y hindi na kaaya-aya Ang tanawin sa iyong apat na sulok ay hindi na maganda Kung kaya’t tahan na tahanan, Parehas tayong umasa na ang lahat ay babalik sa dati nating nakasanayan
0
Sep 27, 2020
Sep 27, 2020 at 12:53 PM UTC
Tahan na Tahanan

Continue reading...
32