Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Feb 2016
Lumaki akong namulat na may pagkakaisa,
Pagkakaisang hindi dapat ipinagsasawalang bahala.
Kahit mailap man noong pagbubuklurin ang kapwa,
Nananaig pa rin ito kasama ang pagkakawang-gawa.


Isang simpleng salita, malalim naman ang kahulugan.
Maihahalintulad sa bigkis ng laksa ng magigiting na sandatahan.
Sama-samang lumalaban para sa kapakanan ng bayan,
Upang maisulong ang kabutihan, hatid ay kapayapaan.


Ngunit bakit ngayon, pagkakaisa ay kay ilap?
Parang ilaw sa kabaret, bihira **** mahapuhap.
Takot na ang iba, kinalimutan pang mahagilap,
Dahil nakaharang ang mga buwaya, tinakpan ang pangarap.


Huwag nating hayaang ito ay tuluyang maglaho.
Alisin ang pangamba, buhayin ang karapatang pantao.
Magkaisa sa isang diwa ng maka-masang pagbabago,
Nang mailigtas pati ang mga inosenteng bilanggo.
kb Jun 2017
iniwan mo ako.
saka mo nalamang
mahal mo pala ako.

mahal mo ako.

saka mo napagtantuhang
kailangang iwan mo ako.


huwag **** bigyan ng hustisya

ang mga espasyo ngayon sa bawat pangungusap.
bawat salita ay dapat paghiwalayin

kahit alam nating ito’y may kahulugan
at ugnayan.

ikaw

ako

mahal
 kita

ano ang saysay ng salita

kung sa bibig o kamay
ng iba ito manggagaling?

bakit mas masakit 
ang kirot ng pusong

‘di dahil sa pagsisiayos ng mga salita
kundi sa ating pagkakaisang

naudlot sa pagtalima ng mga alituntuning
sinulat naman ng iba?


mamahalin kita*
*kahit ang palaugnayan ay magkakamali rin.
kung susunod ang ating mga puso

gusto mo bang mabigo?

‘di mababawasan sa murang salita

ang anumang nararamdaman.

idaan mo na lang sa kilos,

kung ayaw **** sumunod sa palaugnayan.
palaugnayan ang tagalog sa salitang "syntax."

— The End —