Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
120515

Sinuot ko ang mata, nang manlabo sayo
Mapagbalat-kayo na naman,
Pati ba maskara'y susuotin sa harap mo?

Sa pag-istambay mo'y may daplis ng mata,
Ni hindi nga nasilayan iyong angkas.
Pagkat umaanod ang puso,
Takot sa bakal na lambat.

Ngalan ko'y sambit ng di kilalang tinig,
Kaya't ako'y napalingon,
Hindi sa puso mo't baka mapasabit.
Siyang angkas mo'y siya palang kadugo rin,
Napabuntong-hininga, pagkat walang iba.

Makitid sa utak kung pagbubulay-bulayan pa,
Hindi makatakbo ang pusong napatid sayo,
Pilit na nagtatapon ng panandang may tanong,
Baka sakali, baka sakaling masaklolohan mo.

Iniiibig kita --
Iniibig lisanin.
022924

Minsan ka nang lumuha’t
Nagtiis sa mga salıtang binato ng mundo.
Minsan ka na ring napatid at nalunod
Ngunit bumangon at sumikap pa rin.

Sinisinta kita
Sa kabila ng iyong mga pagkukulang.
Pagpapatawad at pag-ibig
Umaapaw buhat sa aking kaibuturan.

Batuhin ka man ng lahat
Ay hindi kita iiwan.
Hindi ito isang pangako,
Bagkus ito ang aking puso.

Patuloy kitang ipananalangin,
Hangga’t sa kaya ko pa.
Hindi kita susukuan
Ako’y yuyukod sa Maykapal.
Hindi na ako makahinga,
pinipilit ang sariling bumangon.
Nasa ilalim ng mabigat na bunga,
ng aking mga pagkakamaling naglaon.

Natatakot, nangangamba,
sa pagsilang ng umaga.
Sa hudyat nitong kasama, laging dala,
ang siklo ko'y muli nang nagsimula.

Lalaban, lalarga, makikibaka,
sa alon ng buhay, mabagal, nalunod na.
Ngunit nang mata'y nagkasalubong, nagkita,
aksidente nga ba o matamis na tadhana.

Sa pagitan ng pawis at dugo at luha
ng mga tao na ngayon tayo ay nasa gitna.
Mayroon ako, ikaw, gustong ipahiwatig,
pero pareho tayo, boses, napatid.

Pagkakataon lumisan na,
ikaw ang nauna, ako'y nasakal ng pangamba.
Muling sinubukan, ipagtagpo ang mga mata,
hindi kita malilimutan.
Inspired by an Instagram post

— The End —