Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"napagalitan" poems
Habang hawak-hawak mo ang kanyang kamay 'San man kayo magpunta Kailan ba'y naisip mo ako Na nalulunod sa pangungulila Nang ako'y iyong binitiwan? Habang kayakap mo siya Sa gabing maginaw Kailan ba'y naisip mo ako Na naghihintay sa'yo Mag-isa, nanlalamig At sa init ng 'yong yakap ay uhaw? Habang hinahalikan mo Ang kanyang mapupulang labi Kailan ba'y naisip mo ako Na halos matuyo na ang labi Sa kasasambit ng pangalan mo? Habang binubulong mo sa kanya Kung gaano mo siya kamahal Kailan ba'y naisip mo ako, Narinig mo ako? Sumisigaw na "Mahal na Mahal kita!" Habang pinagmamasdan mo Ang kanyang matamis na ngiti Kailan ba'y naisip mo ako, Nakita mo ako, nakita mo Kung gaano na karaming patak ng luha Ang naidilig ko sa lupa? At sa kung siya ay umiiyak at iyong pinatatahan Habang pinupunasan mo Ang kanyang mga luha Kailan ba'y naisip mo ako, Naisipan mo man lang ba? Na itigil ang paulit-ulit Na pagsaksak mo sa puso kong Dumudgo sa kaiibig sayo? Pero alam ko Na may kasalan din ako Kasi.... Kailan ma'y di ko naisip Na sa higpit ng yakap ko'y nasasakal ka na pala Kailan ma'y di ko naisip Na kahit gaano kalawak ang bahay nati'y Nasisikipan parin ang iyong dibdib At hindi kana nakakahinga Kailan ma'y di ko naisip Na kahit napagalitan ka sa opisina, sabik ka sana sa paguwi Pero ang dadatnan mo lang ay isang malawak na bahay Na mayroong isang "ako" na puro dada at reklamo lang At ang iyong naririnig mula sa aking bibig na tila daig pa ang isang rapper sa bilis at walang paltos na panlalait Kailan ma'y di ko naisip 'di ko inisip ang iyong opinyon Kasi palagi nalang ako, ako, ako Ako ang tama Kailan ma'y di ko naisip Habang ika'y umuuwing pagod Dinuduro pa rin kita At ito'y tumatagos na sa puso mo Hanggang sa sinabi **** tama na, Hindi mo na kaya, Ayaw mo na At yun umalis kana, iniwan mo na ako Pero heto ako ngayon sa harapan mo... Nagtatanong Kung mahal mo pa ba ako? At kung ang iyong sagot ay hindi na'y Heto ako ngayon sa harapan mo... Nagbabakasakali Na may pag-asa pang mahalin mo ako ulit At kung wala na ay Heto ako ngayon Sa harapan mo Lumuluhod Nagmamakaawa Na balikan mo ako Balikan mo ako Balikan mo kami Pakiusap umuwi ka na Sa malawak na bahay Na bahay mo, na bahay ko Umuwi ka na, kahit 'di para sa'kin Kun'di para sa mga anak mo, na anak ko Para sa pamilyang ito Parang awa mo na Bumalik ka na Kasi sa malawak na bahay Naroon ako, at ang mga anak mo Nangungulila... at Naghihintay Sa pagbalik mo **
0
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 5:10 AM UTC
Kailan Ba'y, Kailan Ma'y (Tagalog)

Continue reading...
91
Sa dami ng mga trabahong tumambak dahil hindi mo pa nagagawa Mga papeles na nagpatung-patong na Yung lamesa **** inaagiw na dahil hindi mo alam kung saan at paano magsisimula. At mga istoryang di mo pa maisulat dahil nangangapa ka pa. Isama mo na rin yung katrabaho **** nakakairita na sa tenga. Dahil crush niya daw si Justin Bieber At paborito niyang frappe sa Starbucks ay Caramel. Kahit mukhang ang afford niya lang ay Nescafe “Oo nga pala, French Vanilla” na iniinom ni Toni Gonzaga. Pero wala siyang pambili ng sarili niyang tumbler. Tangina. Idagdag mo pa ang mga patay na oras na sunod-sunod ang mga buntong-hininga Nahuli ka pa ng boss mo na nakatulala Kaya hayan at napagalitan ka pa. At dahil contractual ka, yung limang buwan na kontrata mo Biruin mo, baka mapaaga pa ang endo. Aminin mo na ang pagpatak ng alas-singko Ay may kakaibang dalang saya. Na parang sumagot na ng “oo” yung matagal mo nang nililigawan. Nakulayan na rin yung mga pinlano niyong outing na buong akala niyo’y hanggang drawing na lang. Parang pagbabalik sa Pilipinas ng kasintahan **** kumayod sa ibang bansa. Parang ibinalita sa TV na hindi traffic ngayon sa EDSA. Himala! Kaya ang pagsapit ng alas-singko ay kakambal ng paglaya. Wala sa’yo kung sa bus man ay tayuan O kaya sa dyip ay makasabit man lang. Basta makauwi ka lang. Nakakasabik pa rin ang ideya Na ang bawat pag-uwi Ay kasing banayad ng mayroong sasalubong sa’yong ngiti Mga ngiting papawi sa kangalayan ng mga binti. Mayroong yakap na nakaabang Ang mga bisig na nagmistulang pinakapaborito **** kulungan Dahil doon mo nararamdaman ang tunay na kalayaan. Mula sa pang-aalipin sa’yo ng lipunan. Nakahain na rin ang hapunan. “Mahal, ano ba ang ulam?” Sabayan natin ito ng mahabang kwentuhan. Simulan natin sa simpleng kamustahan. Dahil pagkatapos, ay aabangan mo na naman ang alas-singko kinabukasan.
0
May 20, 2016
May 20, 2016 at 11:11 AM UTC
Kung Bakit Inaabangan Niya Ang Alas-Singko

39
Naghintay Umasa Ang isip kinukumbinsi "Siguradong may darating pa, Sige, maghintay ka" Hanggang sa Ilang oras na ang lumipas Napagod At gumive-up Kaya ayun, naghanap na ng iba Yung hindi niya gusto Pero pwede na Nakarating din naman Kaso lang napagalitan Sermon ang inagahan Paano late na naman May taxi pero may sakay May taxi pero ayaw magsakay Kaya nauwi sa jeep Di man gusto Nandyan naman para sa'yo Di sa lahat ng pagkakataon ang gusto mo ay available para sa'yo At di sa lahat ng pagkakataon dapat maghintay ng todo
0
Dec 4, 2015
Dec 4, 2015 at 6:12 AM UTC
sige, maghintay ka
Habag ang loob, pinto'y tinungo Suot ang lumang sando, aburido Sa paglabas, saka napagtanto Suot na tsinelas, hindi terno. Hindi inalintana kahit kalangita'y nagbabadya Sa parke, doon magbibisekleta Kumulog, kumidlat, saka naalala Si Inay kaya ay nag-aalala?
0
Dec 9, 2018
Dec 9, 2018 at 1:43 AM UTC
Napagalitan ni Inay