Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naloloko" poems
Bakit nga ba? Bakit nga ba ang hirap sumagot sa bawat tanong, sa bawat tanong na pilit na binubulong? May mga sagot nga sa mga tanong, ngunit ito naman ay nakukulong Bakit nga ba nagmamahal, nagmamahal sa taong di kamahal mahal Bakit nga ba sa umpisa lang ang kiligan tas habang tumatagal naglalaho naman Bakit nga ba kailangan muna masaktan, kailangan muna masaktan bago natin malaman bago natin malaman na hindi siya yung "right one" hindi siya yung "right one" para sa puso nating baka maging ewan Bakit nga ba ang sakit sakit, ang sakit kapag tayo'y pinagpapalit Ginawa mo na lahat pero di parin sapat? di parin ba sapat na minahal mo siya ng tapat? Bakit nga ba ang daming paasa akala natin tayo nga ay may pagasa Sila tong nagbibigay motibo tapos sa huli tayo naman ay naloloko Bakit nga ba ang hirap tanggapin ang hirap tanggapin na hindi ikaw yung pinili Ginawa mo na lahat para sa kanya, pati na ang maging alipin pero wala rin, sa huli siya parin ang pinili Bakit nga ba Paulit ulit na bakit nga ba Pasensiya na ako'y nangangamba Naghahanap lang naman ako ng sagot sa mga tanong na bakit nga ba...
0
Apr 4, 2017
Apr 4, 2017 at 4:41 AM UTC
Bakit nga ba
When will I learn? I am always deceived; How would I be able to determine what is true? Why am I always the one losing? Your words, I hold on dearly Believing that what you feel for me is genuine I thought your love for me was for real But in the end I realized I hold on for nothing. If I could just turn back time, I would refrain myself from falling for you To save my mind from going crazy, To save my heart from this unbearable pain. ◘○◘○◘ Hindi na nadala, hindi na natuto Lagi na lang akong naloloko Paano ba malalaman kung alin ang totoo Lagi na lang ako ang talo. Nanghawak akong mabuti sa iyong mga salita Pag-ibig na tunay, yan ang aking inakala Sa iyo, ako'y umasa, Umasa lamang pala ako sa wala. Sana hindi na lamang nagmahal Kung alam kong hindi rin pala magtatagal, Puso sana'y hindi ngayon nasasaktan ng ganito Isip sana'y hindi tuliro.
0
Dec 18, 2014
Dec 18, 2014 at 8:47 PM UTC
Deceived
Mga alaalang patuloy na bumabalik Mga bagay na alam nating masakit Araw, buwan, at taon na kailaman ay di mauulit Mga panahong sinubukang masulit Ngumiti ng mapait Baka sakaling mawala ang sakit Na patuloy sumisira ng saya Na humihila sayo pabalik upang di ka makalaya Pilit na ipinasasawalang bahala Dahil alam kong nagkamali ako sa aking mga inakala Dahil kung sino pa yung hindi sumusuko Sa huli Sila padin pala ang naloloko Hindi madali mag mahal Dahil kailangan mo matuto sumugal Mas masakit ang kakailanganin harapin Kaya’t sa ngayon sarili mo muna ang iyong isipin Ngunit Kaya mo pa ba? O susuko ka na? Kasi yung taong pinaglalaban mo May pinaglalaban ng iba..
0
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 4:29 AM UTC
KAYA MO PA BA?