Umaga Gigising at babangon Ni hindi ko man lang Narinig ang huni ng mga ibon
Umaga Isusubo ang kakarampot Na kanin Na parang di ko nalasahan
Umaga Na walang kapeng nahigop Dahil kailangan ko ng Pumunta roon
Umaga Na makikita kong Nakakunot sila At hindi ko na napapansing Ako na rin pala
Umaga Uupo sa silya Sisimulan ko na Gusto ko ng matapos na
Tanghali Parang ayaw ko na Hindi ko na kaya Tanghali pa lang pala
Tanghali Hihigop ng kape Walang tama Isa pa
Tanghali Bakit hindi pa matapos Ang araw na ito Wala pa palang kalahati itong Tinatapos ko
Hapon Ang saya nila Anong pinag-uusapan nila? Pwede bang sumali sa saya?
Hapon Tangina Wala na bang katapusan? Sino ka para sabihan ako Na tapusin ko na ito?
Gabi Sa wakas Malapit na Kaunting tiis pa
Gabi Na Umalis na sila Ako, nandito pa
Gabi Ako na lang mag-isa Pahingi ng tulong Di ko 'to kaya mag-isa
Gabi Nagpapasalamat sa langit Pinatay ang ilaw Buhay ang diwa Masaya ang kaluluwa
Gabi Kay raming tao Hindi lang pala ako Marami pala akong kasama Hindi ako nag-iisa
Gabi Nang maisip ko Marami pa pala kaming Nagpapaalipin Sa lugar na ito Sentro kung saan Ang mga tao Nagmamadali Walang pansinan Walang pakialamanan Walang buhay Walang kaluluwa
Gabi Nang mapagtanto ko Ayaw ko nito Kasama nila Nasaan ang kaligayahan ng puso? Nasaan ang kalayaan ko? Nasaan ang kalayaan nila? May mararating ba? Sila Ako Tayo Itong tanong na ito May mararating ba? Tanong na lang ba talaga?
Gabi Nang makarating ako Sa aking lugar pahingahan Nag-iisip Natulala...
Kala mo wala na. Nakatingin na sa iba. Tapos, Kakalingon, may nakita, may narinig, naamoy, nalasahan, Naramdaman. puting van, The Man Who Can't Be Moved, ulan, fries, Yun. Ulit.