Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Alaala ang pinakamalapit na tugma
Ng mga tala.
Kapahina ang kakambal nitong
Pinakamapait na salita: Pangungulila.
Nang pagtingala
Sa buwan na ningas ng maamo **** mukha.

Kaya, sa kawalan ay mapapako.
Mapagtatantong
Bituin ka sa apat kong dako.
Hilaga, Kanluran, Timog, at Silangan.
Doon kita matatagpuan.

Ikaw, ang siphayo ng malamig na gabing pinili kong makasanayan.
Ikaw na siyang unan, kumot, at hanap-hanap kong dantayan.

Ikaw, ang pinakamataimtim na bulong sa mga bulalakaw.
Ang nag-iisang hiyaw.
Na kung hahamunin man akong bigyang-kahulugan ang salitang balang-araw,
Ang isusulat kong depinisyon ay ikaw;
Ang pinakainaabangan kong bukas
Matapos sariwain ang kahapon at nakalipas.

Ikaw ang uniberso.
Wari'y ang lawak ng kalawakan
Maging ang mga kislap nitong hindi pa natutuklasan ninuman,
ay hindi sasapat kung ikaw ay aking ilalarawan.
Ikaw na napiling pag-alayan ng pag-ibig na matagal kong inipon at iningatan.

At wala akong ibang maramdaman
Kundi matuling ikot ng mga planeta
At mga nagbabanggaang kometa.
Subalit hanggang kailan?

Mahal, kapos ang haba at katahimikan ng gabi para lamang pakinggan ang dalawang pusong nagsisimulang bumuo ng kanilang istorya.

Araw ay marahang pinasisingkit na ang mga mata.
Umaga na subalit mahal pa rin kita.
Sinta, tinatangi kita.

-wng
I don't have enough words to convince you how real this is; how deep I feel; this is the most I can give you.
Wretched Jul 2015
Wala pa mang nagsisimulang mangyari
sa'ting dalawa pero
bakit tila parang lahat ay tinapos mo na?
Sa pagtatapos ng ating storya, tayo'y magsisimula muli.
Herena Rosas Aug 2021
Tuwing dapit hapon nagsisimulang umalingawngaw ang mga tinig.

Mga alitaptap ay nangingimasok sa mga bukas na sugat.

Maaligasgas na mga tunog ay maririnig sa duguang trumpeta.

Hindi mawari ang pagsilay ng buwan sa mga matang nakapikit ngunit nakatingin.

Pagiyak ng punong kahoy sa pagkabali sa bagyo ng mga pasanin ay siyang namamayani sa gitna ng gabi.

Ang bawat pagpunit ay kasabay ng pagikli ng mga pahina.

Kumpas ng orasan sa takipsilim naghahayag ng taglagas nang kaunting saya sa isang linggong kalumbayan.

Papatayin ng unti unti at iiwang sugatan ng mga pangungusap na hindi maawat.

Mapagkunwaring uwak na suwail sa hangin ay hindi na makalilipad.

Ang pagwawagi ay bihira lamang.
Laban lang!
Makalipas ang taon ay nakita kita
Nilapitan, kinulbit sabay "oy kamusta"
Di ko alam kung baliw ako at ba't ko yon ginawa
Naging awkward ang paligid, puta antanga

Di ko alam ang gagawin, gusto kong tumakbo
Pero ngumiti ka't sumagot "uy okay lang ako"
Lakas ng kabog ng dibdib, "puta ano to"
Di ko namalayan aking nasabi "tara kain tayo"

Habang kausap kita tila ba't nanginginig ako.
Nagpapawis, natataranta, habang nakikipagusap sa'yo.
Nalulula at para bang nagsisimulang maliyo.
Ewan ko ba kung bakit nangyayari pa ang mga ito.

Paglipas ng oras ay nalimutan ko na.
Napagtanto ko na para bang bumalik sa umpisa.
Kay lalim **** mata at labing kaypula.
Talagang di ko maiwasan kaya ako'y napatitig na.

Ayun! Hahaha naiintindihan ko na.
Habang ako'y nakatitig sa mukha n'yang kay ganda
Tumpak, tama! Wala ngang nag-iba.
Oo gusto kita. Gusto. parin. kita.
- first poem ko na tagalog, sobrang cringe pero this was written mid g8 - grade 9
Ano nanaman ba ito
Nagsisimulang magbago
Ngunit mananatili muna dito
At hindi na hahayaan pang lumago
O makarating man ng malayo
Tayo'y kailangan pang matuto ng husto
Makinig pa sa kanilang mga payo
Maglakbay pa sa ibang dako
Humakbang tungo sa kabilang yugto
Huwag magpadali dali at pabugso bugso
Huwag basta isubo nang hindi mapaso
Mas kilalanin ang ating pagkatao
Mas alamin ang ating mga gusto
Upang balang araw ay mapagtanto
Ang lahat ay mas magiging totoo
Kung mangako man ay hindi mapapako
Handang ibigay ang dapat ay sa iyo
Masusuklian ng tama at wasto
Walang kulang at buong buo
At sa tamang panahon mayroon ding Tayo

— The End —