Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ace Jhan de Vera May 2016
Maligayang bati,
Sa aking pagsilang,
Walang bakas ng gunita,
Walang alaala ng nasabing araw.

Nagdaan ang mga taon,
Namulat sa katotohanan,
Na hindi marunong magpatawad ang mundo,
At hindi ito titigil na para lang sayo.

Nagdaan ang mga taon,
Ilang kaarawan ang lumipas,
Andiyan ang pancit,
At ang keyk na nakahanda,
Sa hapag kainan para pagsaluhan,
Mga ngiting di mabakas,
Nagpapasalamat sa biyaya.

Ngunit ito ang unang taon,
Kung saan maghahanda ako,
Hindi para sa iba,
Kundi para sa sarili ko.
At aanyayahan ko kayo,
Nawa'y sana'y makadalo,
Habang unti unti kong inilalapag,
Sa ating hapag, upang ating pagsaluhan.

Maghahanda ako,
Ihahanda ko ang sarili ko,
Na ang puso ko'y tatayuan ko ng pader,
Na papalibot dito,
Dahil pagod na kong masaktan,
At nahahapo na ang aking katawan.

Maghahanda ako,
Na ibaon ang bawat alaala.
Ang tamis nang bawat halik,
Ang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan,
Mga labing bumubuhay nang aking kamalayan.

Ihahanda ko din,
Ang aking sarili,
Na unti unti nang humakbang,
Papalayo sa nakasanayan,
Kung ano ang aking kinamulatan,
Sa loob nang mga taong pinagsamahan.

Mga umagang iyong mukha ang bumubungad,
Sa aking mga mata,
Habang ika'y pinagmamasdan,
Sa taimtim **** paghihimlay,
Habang ako'y nagninilay nilay,
Eto na ba ang pagibig na hinihintay?

Kaya mahal sa aking kaarawan,
Kasabay ng pagihip ko nang kandila,
Magpapaalam na ako sayo,
Paalam na sa mga gabing kayakap kita,
Sa mga sandaling magkakapit bisig tayo sa ilalim nang mga bitwin,
Na kung saan langit ang saksi sa ating pagmamahalan,
Sa mundong tayo lang ang nagkakaintindihan.

Pipikit ako,
At uulit ulitin ko ang mga salitang;
"Handa na ako"
At hihiling ng lakas ng loob,
At tibay ng sikmura,
Bibilang ako ng tatlo,
Isa,
dalawa,
Tatlo,
At sa aking pagdilat,
Hihipan ko ang kandila,
At magpapaalam na sayo.
Jor Jul 2015
I.
Dati, may isa akong matalik na kaibigan,
Mabait s'ya at siguradong maasahan.
Halos ng bagay aming napagkakasunduan.
At alam kong ‘di n'ya ako iniiwan.

II.
Ngunit may kakaibang nangyari,
Pinagpalit n'ya ako sa isang lalaki.
Lalaking nagpatibok ng kanyang puso,
Kaya’t ang sarili ko'y dinistansya ko.

III.
Nagkaroon ng lamat ang aming pagkakaibigan
Madalas na kaming hindi nagpapansinan,
At madalas na rin kaming hindi nagkakaintindihan.
Anong nangyari sa amin? Anong nangyari sa'king kaibigan?

IV.
Siya'y masaya na sa kanyang kasintahan,
Habang ako'y tuluyan na n'yang iniwanan.
Nagpagpasyahan kong s'ya rin ay kalimutan,
At sa listahan ng aking kaibigan siya'y aking inekisan.

V.
Sinanay ko ang aking sarili,
Sinanay kong wala na s'ya sa buhay ko.
Sinanay kong wala na s'ya sa sistema ko.
Sinanay ko kasi alam kong mas makakabuti ito.

VI.
Maaaring kilala ko s'ya sa pangalan,
Pero ibang-iba na ang kanyang katauhan.
Kaya kayo, pumili kayo ng maaasahang kaibigan,
'Yung hindi kayo makakalimutan kailanman.
J May 2017
Nakapag sulat na ako ng maraming tula,
Tulang para sa iba ngunit para sakanya’y wala,
Ang taong ini-alay ang buhay para lang sakin,
Na minsa’y dinadaanan ko lang na parang hangin.

Nakakalimutan na siya ang dahilan kaya ako’y buhay,
Buong buhay niya ang kanyang ibinigay,
Mga panahong ako’y nagpapakasaya,
Habang siya’y nasa bahay nag-aalala.

Ang oras at panahon ay napupunta sa iba,
Ngunit sakanya ang mga ito ay para lang sa mga anak niya,
Hindi mapakali dahil iniisip ang susunod na alis,
Hindi ko namamalayan na sa aking pag-alis may isang taong nangungulila sakin ng labis.

Inaantay ang aking pag balik mula sa eskwela,
Ngunit sa aking pag dating hindi ko manlang siya makamusta,
May mga oras na hindi nagkakaintindihan,
Subalit sa huli ikaw ay kanyang pinapatahan.

Mahal kong ina gusto ko iyong madama,
Ang tulang ito ang magsisilbing paalala,
Madami mang problema at tampuhan,
Sa huli ikaw parin ang mahal kong **ilaw ng tahanan
HAPPY MOTHER'S DAY!! I love you Mommy
Ikaw ang dahilan kung bakit kahit gabi'y hindi pa din madilim ang kalangitan,
Para bang palaging may liwanag kapag ika'y nasisilayan,
Ikaw ang magiging sandalan ng mga takot at pangambang hindi ko mapakawalan,
Gusto kong lagi kang nandiyan, upang mga dalahi'y palaging gumaan.

Sayo ko naramdaman na kahit hindi tayo mag-usap ay nagkakaintindihan,
Yung tipong isang ngiti mo lang, kahit el ninyo'y iihip ang amihan,
Oo, ikaw ang nagbibigay sa akin ng ginhawa,
Isang yakap mo lang parang ako'y nakauwi na.

Mahal, sa daang tatahakin nati'y sa isa't-isa tayo'y kumapit,
Walang bibitaw kahit na ang dadaanan nati'y minsan ay magiging masakit,
May lungkot, maraming takot, maraming alaala ng kahapon,
Pero hindi tayo susuko, madapa ma'y palagi tayong tatayo.

Ikaw ang magiging inspirasyon, sa pagpapagal at pagpupuyat dahil sa edukasyon,
Ikaw ang magiging sandalan sa mga hinaing ko at mapapagdaanan,
Ikaw ang siyang magbibigay lakas sa akin upang ipagpatuloy yaring takbuhin,
Hanggang sa araw na masabi ko sayong, "mahal ko, doktor na tayo."
Llanerarjay Oct 2018
Kung sakali man dumating yung araw na
Di ko na nagagawa lahat ng nakasanayan nating gawin
Na minsan ay mawalan tayo ng oras sa isa't-isa,
Na magkatampuhan at mag-away tayong dalawa
Na maging abala tayo sa ibang mga bagay
At pakiramdam mo ay nawawalan na tayo ng kulay.

Kung sakali man na hindi na tayo magkaunawaan
Na minsan hindi na tayo nagkakaintindihan
Na wala na saatin ang kayang magparaya
Na pakiramdam natin ay pareho na tayong nagsasawa

Kung sakali man pakiramdam mo na di na kita mahal
Kung sakali man na dumating lahat ng 'yon,
Talunin natin lahat ng problema, magpaubaya sa isa't-isa
Sana maisip natin yun rason kung ba't tayo tumagal.
At 'wag tayong susuko mahal.
sayrinne Apr 2020
1
saya, asan ka na ba?
pati ika’y lumisan na,
sinama aking sinta,
sana’y maibalik pa.

dating tayo’y maibabalik pa ba?
dating mga sulyap, miss ko na
dating mga ngiti na may totoong saya.
mahal, ako ba’y mahal mo pa?

mahal mo ba ako dahil mahal mo ko?
o mahal mo ko dahil ako laging nasa tabi mo.
araw araw pinili, di kinailangang ipilit.
ayaw kitang iwan, ngunit mata’y ipikit.

paalam sa mga naging sandali,
sandaling hindi ko maipagpapalit.
sana ika’y sumaya,
kahit hindi na ako ang kasama.

paalam sa mga panahon na sumaya,
kahit naging panandalian pa.
salamat sa lahat, sinta
sana’y ipinaglaban pa.

naibigay sa iyo lahat,
ngunit hindi pa ba sapat,
para ako’y mahalin nang tapat?
pagbalewala saki’y hindi dapat.

binuo ang isa’t isa,
tuwing kasama ka’y masaya
tuwing nag-iisa’y naiisip ka,
mahal, ako ba’y naiisip mo pa?

nasirang tiwala,
mahirap nang buohin pa.
nasirang pangarap,
tutuparin ay mag-isa na.

salamat sa lahat,
mahal, ika’y naging sapat.
mahalin ka’y karapat dapat
patuloy na mamahalin, kahit hindi na dapat.

kasama ka sa lahat,
wala nang hahanapin pa sa iba
mga oras na hindi nagkakaintindihan,
sana’y inayos pa.

pag-asa, anjan ka pa ba?
dapat bang isuko na?
laban nating dalawa,
iniwan akong nag-iisa.

sarili’y hahanapin lang, ika nga nila
ako’y hindi maghahanap ng iba
sayo lang nakita ang saya
ngunit mahal, bakit may siya?

sana’y lumaban pa
kung kinaya lang sana.
sinta, ako’y napagod na,
maaari bang magpahinga?
pour vous
Prince Allival Mar 2021
Dati iniisip ko na communication 'yung makakapagpatatag sa isang relasyon pero narealize ko na hindi pala. Para sa'kin comprehension, 'yung ability mo to understand everything with your partner. 'Yung kapag busy siya, intindihin mo 'yung time niya. Intindihin mo na may iba din siyang ginagawa and di lang sa'yo umiikot mundo niya. 'Yung kapag nag-aaway kayo o hindi nagkakaintindihan, you have to make things right and intindihin 'yung bawat sinasabi ng partner mo at kung ano 'yung makakabuti sa inyo and anything else about understanding. Understanding is the key to make a relationship strong.

— The End —