Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nababalisa" poems
Pag-asa, tayo daw ang pag-asa Kabataan ang pag-asa ng bayan sabi nila Pag-asa, pag-asa sa pagbabago Pero nasaan ang pag-asa, Kung mismo tayo'y nababalisa Nababalisa sa paikot-ikot na problema. Droga,patayan,droga,patayan droga Paikot-ikot nalang nakakapagod na. Laman ng balita'y paulit-ulit nalang At ang mga buhay, mga inosenteng buhay Ay nasasayang, paulit-ulit nalang. Pag-asa, nasaan na ang pag-asa Kung mismo ang ugali natin ay nagbago na. Ang respeto sa lahat ay nababalewala, Ang pagpapahalaga sa damdamin ng iba' nawawala na. Pag-asa, nasaan ang pag-asa kung Ang ating lipunan ay nagdudusa na? Nasaan ang pangako ng pagbabago, Eto ba ay nawala, naglaho o napako? Mistulang lasing ang mga tao Nagbubulagbulagan sa sinasabing pagbabago. Pero nasaan ang pagbabago kung mismo tayo'y di natututo? Na parang alak ang ating lipunan, Sa una'y walang epekto, walang pakiramdam Pero habang tumatagal ika'y mababaliw, Matutuwa, malulungkot, samu't-saring emosyon. Pero habang tumatagal ikaw ay mapapaisip Kung para saan nga ba ito. Itong paglaklak ng napapakong pangako. Nasaan na angand nasabing pag-asa at pangako, Kung tayo ay uhaw sa alak na walang pagbabago?
0
Aug 27, 2017
Aug 27, 2017 at 7:22 AM UTC
Alak
Kunin ang litrato sa sulok na nag-iisa Pakinggan ang himutok sa kwadradong kahoy nakapatong ng bangkay na  nangangapa pa Buuin ang palaisipan Kung may itsura ay hugutin ang kasagutan sa bugtong Tulungan mabatid ito, iwasan ang pagkalito Nababalisa ang gabi at di makatulog Munting daliri ay igalaw Ngunit nanatiling tamad ang mga braso Sa pagkabog ng dibdib Ang halinghing ay maririnig Sa kalaunan ay parang di na humihinga Kinakalawang sa silid Nakahandusay sa silyang rektanggulo Tiisin ang katahimikan Magdurusa sa kaawa-awang mga oras na di pa umaga Malayo ang araw at mga bituin ay pinagkait pa Tagpi-tagping tela ang lulan ay hinala Magbuntong-hininga ito makipag-usap Isinalaysay ang pagdaralita Nakatikom ang bibig Maghihilom din bagkus di makatawa Magmumukmok sa loob ang walang saysay na uwak Idagit ang kabuluhan Ang pakikipagsapalaran ay sakuna
0
Dec 4, 2018
Dec 4, 2018 at 4:02 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #5
Eto na naman ako Nababalisa, hindi malaman kung hihiga o uupo Buong araw na akong ganito Hindi malaman kung nasiraan na ba ng ulo Ibang klase talaga kapag tinamaan Sino ba talaga ang may kagagawan? Para akong sago Habang ikaw naman ay gulaman Dalawang bagay na magkaiba Ngunit swak kapag pinagsama Pero saglit, teka, taympers ako'y naguguluhan Ano ba talagang meron saiyo babaeng nilalang? Puso ko'y nabihag mo ng walang pakundangan Alaala kapag kasamay ka ay hindi ko malimutan Ang iyong ngiti ay walang kaparis Mga tingin na sobrang tamis Makasama ka lang ay parang nasa alapaap na Tunay ngang hindi makakalimutang tumawa Kung mabasa mo man ang tulang ito Eto ang sasabihin ko saiyo: Gagawin ang lahat para lungkot mo ay mapawi Dahil ang tanging gusto ko lamang Makita ang ngiti saiyong mga labi
0
Sep 6, 2015
Sep 6, 2015 at 2:09 AM UTC
Ano ba talaga ang meron ka?
Ito na ang aking huling awitin, Awiting sa iyo'y kakantahin, Sa tono ng mga alaalang kinalimutan, Kandirit ng mga luhang pinakawalan, Sa langit, sa lupa, sa ilog, sa sapa, Sa araw araw na ako'y naghahanda, Sa bawat gabing aking inaalay, Sa bawat umagang ika'y hinihintay, Pasan ko sa bawat yapak, Ilang galon ng alak na nilaklak, Upang limutin ang ligaya't galak, Ang babaeng ibang landas ang piniling itahak, Na kahit saan pumunta'y di na mahanap, Lumingon man kaliwa't kanan di mahagilap, Tuwing pipikit naaalala mata **** kumikislap, Ngunit wala ka rin, sayang lahat ng pagsisikap... Sa ganda ba naman ng ating simula, Sino ba naman ang mag aakala? Na sa ilalim ng punong aratilis kung san tayo unang nagkita, Dito ngayon ako nama'y pasintonadong tumutula? Sa dami ng mga nangyari mula nang tayo'y nagkakilala: Saya, Lungkot, Ligaya... Hanggang sa ika'y nagsimulang humarot, Pagdududa, T4ng*, di na dapat pa akong sumagot! Nag-kaaway-- Upang magkabati lahat inialay, Ngunit muli nanamang nagpasaway, Hanggang nagdesisyon kang tuluyan nang maghiwalay... ... Kamusta ka na? Pasensya kung nasaktan kita, Patawad sa mga galos at pasa, Ngunit ang kaya ko lang gawin ay awitan ka, Sana marinig mo huli kong mga nota, Kahit sintonado kong kinakanta-- Kung maglaho na ako, babalik ka ba? Maaari bang sa takipsilim na lang tayo magkita? Di ko naman sinasadya... Na ika'y bigla na lang mawala. Tulad mo rin ba akong nababalisa? Wag kang mag alala, makakasama mo uli ako mamaya--
0
Apr 19, 2018
Apr 19, 2018 at 6:50 AM UTC
Habulan
Nakakapagod mag kunwari Na parang kala mo lahat walang mali Ayoko kasing malaman nila Na minsan ako ri'y nababalisa Kasi sa pananaw ko Ito ang estado ng sarili ko Na kung saan maraming may oportunidad saking manloko Pero ewan ko Yung mga taong inaasahan kong makakaintindi Ni isang beses sa tingin ko'y wala namang **** Ang mga salitang hinihintay ko Ni isa walang nakapagsabi Kelan mo ba matututunan yung salitang "Ok ka lang? Maayos ka pa ba?" Kelan kaya yan maiuukit ng iyong mga labi?
0
Dec 16, 2015
Dec 16, 2015 at 5:08 PM UTC
sabihin mo sakin KELAN?
Minsan naiisip ko kung bakit madalas akong nag-aalala sayo. Madalas din kung maramdaman ko na sa bawat minsan nasasaktan ako. Minsan wala akong maramdaman. Madalas nagiging manhid nalang. Minsan ginugusto ko nalang na biglang mawala. Madalas sinasabi ng isip ko na 'wag magpapabigla. Minsan naman nakakasanayan ko na tiisin ang pagkalungkot. Madalas hindi ko kinakaya, mahirap, matindi, makirot. Minsan napapatanong ako kung, "Minsan lang, pero ba't napapadalas?". Madalas na kase akong matulala kakatingin sa larawan nating kupas. Minsan nasasagi sa isip ko, "Kuntento ka pa ba? O sawa ka na?". Madalas akong natatakot, nababalisa, 'di mapakali, oo, sobra na. Minsan ko nang nagawa ang ibalewala ang iba, walang nakikita, kahit nandyan na. Madalas ko ding sinasabi sa sarili na wala akong alam noon, kahit 'di na tama. Minsan naisip ko na baka bumalik sa'kin, at karmahin ako. Madalas namang kinokontra ng isip ko, ang damdamin ko. Oo nga pala, minsan na din akong nagloko. At ngayon nararanasan ko, ang madalas na pinaggagagawa ko. Kahit sabihin pa na minsan lang, kahit minsan lang na nangyari. Madalas ko ng maranasan, minsan, madalas, bumabalik sa akin ang ginawa ko dati.
0
May 29, 2018
May 29, 2018 at 9:54 AM UTC
"Minsan lang naman, pero madalas hindi na minsan."
Di ko alam kung kakayanin, Pigilin, nag-uumapaw na damdamin, Punong-puno ng pagsisi, Kamay, tinuturo ang sarili. Para bang ang mundo'y gumuguho, Nababalisa, natutuliro, Di mapigilan silakbo nitong puso, Di mapatigil itong pagdurugo. Mga luha ko'y parang papatak, Dahil sa lungot at di sa galak, Bakit naman kasi ako magiging masaya, Kung ikay aking nasaktan sinta.
0
May 1, 2017
May 1, 2017 at 12:57 PM UTC
Silakbo
Lulan ng balangay ang pumpon ng bulaklak Ibibigay sa kanya Sadyang dinamihan para hindi kaya tumangan ang lahat Lohika ng pag-iirog ay malayo sa ekwasyon Maaliwalas ang alapaap Minsan ay mapupuna na nababalisa sa ibaba Ito'y taytay sa mahiang dako at sa malungkot na pandanggo Sinaunang tradisyon ng itong bayan Ang alay ay dote at paninilbihan Upang ipakita ang sinseridad Kahit di man paakyatin ng hagdan, magnilay-nilay sana sa durungawan Ang pagsinta ay naiiba Sa karurukan ng adhika ay yari Ang nanunuksong salamangka para sa tataw ay iwawaksi Di kayang magdesisyon sa tudlaan ng palaso Ruta na mula Silangan pakanluran Napapagod na ang loro Lumubog na ang balintataw dahil sa pinalaya ang pag-ibig Naging manhid sa aktwal na dula Ang pagganap ay isang pagpapahirap
0
Dec 28, 2018
Dec 28, 2018 at 6:14 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #35
unti-unti na lang bang masasanay? tila nalanta na at wala nang buhay ang mundo na sabay nating binuo natutuliro, nababalisa at hindi mapalagay ang dating mga usapang hindi maubos-ubos ngayon ay para na lang kandilang nauupos hindi alam kung paano, bakit at ano ang nangyari bigla na lang nagbago; wala man lang pasabi. nawalan na nga ba ng gana ang tadhana sa'tin o sadyang ito na ang huling hantungan natin? maaari bang samahan mo akong lumaban at agapan ang ating nararamdamang tinatangay na ng hangin sa kawalan? akala ko ba'y sabay pa nating pagmamasdan ang marahan na paglubog na araw ngunit bakit tila parang mauuna pa ang ating istoryang hindi pa nga nasisimulan?
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 11:37 AM UTC
Ang Kwento Nating Dalawa