Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naaakit" poems
Bayan ko, Bayan kung sinilangan Saan ka ngayon matatagpuan Kagandahan mo't perlas bakit lumagapak? Bayan ko, Bayan ko tinalikuran kanang lahat. Kalunos lunos na hagupit sa bayan ko'y sumapit Pagkat mga kababayan ko Sa salapi naaakit, tila wala nang malasakit sa Bayang nagigipit. Wala na ang mga tunay na bayani, mga mapagbalat kayo tila naghahari. Mga pangakong tila binaon sa kabaon. Saan naba tayo ngayon? Bayan kong tinatangi. Paanu ba magagapi kung ang mananakop ay kauri. Masdan mo silang mag hari Ang Bayan ko'y naging isang malaking munti..
0
Nov 2, 2013
Nov 2, 2013 at 8:39 AM UTC
Tamang Landas Baluktot parin Bukas
Ano nga ba ang pag-ibig? Nakakain? Naluluwa? Natututunan katulad ng aralin o nababasa katulad ng mga maiikling tula? Nanggaling ba ito sa mga kwentong banyaga at kwentong matatanda? Siyensya? napaliwanag na ba niyan? sa totoo lang di mo yan napag-aaralan, kusa mo kasi yang mararamdam. di mo rin yan pwede ipilit, para kasi yang tao, kusang yang pumipili. di rin yan nakakain katulad ng paborito **** chicken o ng paborito **** pansit bihon, miki o canton. hindi rin mahahalintulad sa mga palabas o mga kwentong wattpad na mababasa mo sa libro. at para sa iba, sabi, pana raw ni kupido ang dahilan tinig ng sirena naman ang kwento ng iilan. di naman dahil raw kasi sa naaakit sila sa panlabas na kaanyuan. hahahaha kalokohan. Wala pang nakakapagpaliwanag niyan. siyensya? pwe, di lahat kaya niyan patunayan basta para sa akin, isa lang ang alam ko diyan. Ang pag-ibig ay regalo mula sa langit. di mo na kailangan pag-aralan, di mo na kailangan pagexperementuhan di mo na kailangan ng kahit na anong katibayan. tandaan mo lang. Regalo yan ng may kapal. kaya bilang tipikal at praktikal na estudyante, wag kang magmadali, darating rin sayo ang mga bagay na ganyan Di mo lang alam, matagal nang nakasulat sa tadhana mo ang kwento na nakalaan sayo. wag **** pangunahan! imbis na pairalin ang tibok ng dibdib, subukan paganahin ang isip. MANGARAP! MAG-ARAL! MAGPURSIGI! wag muna maglandi! pag-aaral ang unahin para makabawi sa paghihirap ng mga magulang natin. at huling pasabi para sa lahat ng kabataan at basta paalala sa lahat ng umiibig, wag **** hayaang mabihag ka ng kalituhan ng mundo protektahan mo sarili mo. yakapin mo ang puso mo. Regalo ng may kapal, Pangalagaan mo.
0
Jan 11, 2018
Jan 11, 2018 at 1:02 PM UTC
"Charot lang ng Pag-ibig"

Continue reading...
40
Sa sarili noon ay aking nasambit, Sa pangarap ko, wala nang hihigit Sa buhay na ito, wala na ring nais makamit Kundi ang pangarap ko na sana'y masapit Ngunit nang narinig ko ang tinig **** kayganda, Ako sa iyo ay agad nahalina Sa puso ko'y nabuhay muli ang pag - asa , At mula nun' ninais kong ikaw ay makita Ang iyong kanta kung pakinggan ay anong sarap ! Mas maganda siguro kung aawit sa aking harap Sa malamig na tinig mo,lahat ay naaakit Sa mga larawan mo, mata ko'y tila nadikit Oh mahabaging langit! kailan kaya makikita Itong talentadong tao na iyong nilikha? Autograph nya kailan ko kaya makukuha? O masilayan man lang maganda nyang mukha? Pakiwari ko'y mahaba pa ang aking tatahakin, Sa pera ko'y marami pa ang dapat ipunin, Kaya't sa ngayon, ang akin nalang gagawin, Sundan sya sa facebook twitter at ig narin! At bago ko ito wakasan, Isang salita ang nais kong iwanan Di pa man kita nasisilayan, Mamahalin ka sa tahimik na paraan. Alam kong malabong ako ay mapansin, Dahil marami ang mga katulad ko rin, Ayos lang! Basta't lagi **** tatandaan May isang CRISSEL na handa kang suportahan. At kung loloobin man ng kapalaran, Itong tula'y iyong mapakinggan, Sana ikaw ay masiyahan, Magdulot sa iyo ng konting kaligayahan. Hindi ko alam kung may pagkakataon Na magkatotoo ang aking mga ilusyon, Pero tandaan mo sadyang mahal kita Sa puso't isip ko tunay na nag - iisa !
0
Mar 10, 2017
Mar 10, 2017 at 12:52 AM UTC
Kaye Cal Syndrome
sa unang sulyap, nabago mo lahat sa unang isang oras, isang iglap ako ay iyong iyo na sa sandaling nakita ang sinag sa iyong mga ngiti nagbubunyi ang mga matang naaakit sa mga sulyap nating nagsasalit di ko inasahang mananatili patawarin; di ko na mai-alis ang titig ko’y wari’y di mo na nais di na matiis ikaw sulyapan pa sana’y di na ito matapos pa ang sandaling nakita ang sinag sa iyong mga ngiti nagbunyi ang mga matang naakit sa mga sulyap nating nagsalit di ko inasahang nanatili.
0
Feb 19, 2017
Feb 19, 2017 at 9:48 PM UTC
Orasa