Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Tumambad sa akin ang rehas
Na may tuklap-tuklap na nakaraan,
Minsa’y puti, ngayo’y sinag na ng araw.
May mga banderitas ding panlayag
Siyang simbolo ng mainit na pagbati.

Nakaririnig din ako ng padyak ng mga paa
Sabik sa halik ng lupaing hindi naman pag-aari.
Ang pagtatampisaw sa putikang
May sirit ng pagmamadali.
Ang pagkalampag ng pintuang walang tirahan
At ako’y maiiwan, nakatali sa silyang lupain.

Sampung minuto raw
Sampung minuto ring tumatagas ang mga alaala
Sampung minutong pagiging saksi ng ebolusyon
Ng waring walang himpil na pagtatantya ng pagkakataon.

Nilalatag ko nang paulit-ulit
Ang mga kwento ng bawat katauhang kasapi sa kwento
Sa kwento nilang paulit-ulit na binabasa
Buhat sa matatapang na mga matang
Hindi ko man lamang masuyo.

Nililingon ko sila sa aking paghihintay
Ako’y hindi kilala, bagkus binabalikan.
Malaya ko silang pagbubuksan,
Yayapusin ng buo kong pagkatao.

Hindi ako mapapagod sa pagkukutya sakin ng kalsada
Sa’king mga pagal na mga paang rumorolyo.
Patuloy kong iindahin ang bawat misteryo ng lubak at patag,
Maihatid lamang sila, sa panibagong kwento ng paglisan.
Louise Aug 17
Ang wikang nanlaban,
ay ang wikang nanatili.
Ang wikang di nag-atubili,
ay ang wikang nagwagi.
Ang wika ng mga matatapang,
ay ang wikang di maaagawan.
Ang wikang awitin ng araw
at ang wikang tula ng buwan.
Ang wikang harana ng habagat
at ang wikang isinulat ng dagat.
Ang wikang ibinaybay ng alon
at ang wikang di aanurin ng baybay.
Ang wikang sinambit ng mga ninuno
na kailanman ay di mamamatay.
Ang wikang ginamit ng mga bayani
na habambuhay nang mamamalagi.
Ang wikang matapang,
ang wika ko magpasawalang-hanggan.
Isang oda sa Tagalog, ang wikang matapang at ang wika ng mga matatapang. Para sa buwan ng wika.
Princesa Ligera Nov 2019
Matutulala nalang,
At mapapaisip.
Handa ba ko para sa pag-ibig na to?
Kailangan kong maging
matapang para sayo.
Ngunit ayokong masaktan ng husto,
Pagkat itong puso ko'y iniingat ingatan ko.
Pero susugal ako para sayo,
Kase nga mahal kita, ano bang magagawa ko.

— The End —