Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"masundan" poems
Anak: "Ika'y Tulang muli't muli'y binabasa ng madla, Na 'di makalilimutan; na binabaon sa alaala Tulang puno ng damdamin na ni nais ipabatid At ang saknong ng pag-ibig Mo'y, Siyang tutugma sa puso kong minsa'y naging sugatan."* Ama: "Minsang ibinigay ko sa iyo ang pagkakataong Unawain ang kahulugan ng kamusmusan. Sa lupaing ugat ng iyong kaluluwa't Siyang kanlungan ng mga pangako Ko't Mga pangarap na laan sayo. Bumangon ka, Anak Ako ang Siyang sasagwan Ako ang aabot sayo." Anak: "Sabay nating kinatha ang tula ng aking buhay; Mga saknong at tugma na sarikulay, Mga katagang baun-baon ko Sa malayu-layong paglalakbay." Ama: "Pagal ka ma'y, Nanahan pa rin sa puso ng bawat isa, Di mo man tiyak ang katiyakan, natitiyak Ko Na ang pag-ibig Ko'y, kailanma'y di ka iiwan. Anak, hanggang sa huling tapon ng lupa At huling tapon ng luha, Hanggang sa huling liwanag Ng itutulos **** kandila, Hanggang sa huling pagpagpag mo Ng sar't saring pangungulila, Patuloy Kitang mamahalin, Anuman ang mangyari." Anak: "Singbigat ng katotohanan At ng pangarap na mala-kalawakan, Ito ang huling handog ng makata **** anak: Ang mabatid kong Ikaw ang buhay na eternal At ako'y isang kathang Ikaw ang tinitingala -- Ikaw ang dinadakila. Ama, ako'y malaya Ikaw ang buhay, Ikaw ang agos Ikaw ang tagumpay; Gisingin Mo ang diwa Ang bugso at alab ng damdaming hilaw Ikaw ang masundan Nang maihain nang patas Ang pag-ibig **** umaapaw." #041215 ‪
0
Apr 23, 2015
Apr 23, 2015 at 8:07 AM UTC
Pag-ibig na may Tugma (The Love of a Father)
Marilag na kasuotan ay itakip sa pagkalamat para di mabigyan pansin, masundan ang lingas Mag-aani ng papuri ang mapagdamdam na muslak Ang mga bakas ng kahapon ang pumipigil sa paghakbang Nakamtan man ang kaluwagan ay matagal pa rin bago nakapagpapasya Di magagawa ang pithaya                       (KWENTO) (Sa barangay, doble-doble ang bantay sa tarangka Masusubukan ang matalas na kampilan Matatalo ang sinumang dayuhan Masinsin sa pagbabantay sa pook na magiging libingan Maalat ang komposisyon ng sipol Nakakarindi ang taghoy ng mga kalaban Nagdiriwang sa loob nang matapos ang digmaan Ang datu at mandirigma ay iisa maging sa hangarin na tinagumpayan nila Kinokondena ang kaaway Ibibitin nang patiwarik Walang awa ang magsasalubong sa sentensiya Mga bihag ay ipapasok sa kulungan araw-araw bibigyan ng kakanin Sa takdang oras sila'y bibitayin magiging palamuti sa poste ng bahay ng Datu) Namangha sa kwentong bitbit Sa katunayan nagdibuho ng sitwasyong kathang-isip Sila'y hurado na hinuhusgahan din Binabatikos ang ugali Kinukurot ng imahe ng repleksyon
0
Dec 18, 2018
Dec 18, 2018 at 5:49 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #16
Kausa, kaduha, maihap ra. Ang mga laag sa mag barkada. Ug kini napun-an na. Sa Bohol, diin sila milarga. Pageskwela ang gihinungdan Sabay silang naglayag. apan: Ang usa wala kakuyog kay nasakit. Duna poy wala, sa trabaho nasangit. Di man kompleto tuod, pero, Nagpakalingaw ang mga giro Kay panagsa ra tawn magsalo Pawala sa mga labad sa ulo. Busa unta kini masundan pa, Ug sa umaabot kompleto na.
0
Sep 8, 2017
Sep 8, 2017 at 7:23 PM UTC
Barkada Trip
umagang umaga ikaw sa akin ay nagbibigay kaba mukhang ikaw yata ang babaeng sa akin ay itinalaga naririnig ko na ang bawat yapak ng iyong mga paa at unti unting bumibilis ang aking paghinga diko maigalaw ang aking mga kamay at paa parang ako ay napaparalesa nandyan na ang **** at nagsimula ng sa pagturo pero diko parin maalis alis paningin ko sayo ikaw na yata ang magiging subject ko boung klase tayo ay magkatabi hindi mo alam palihim akong kinikilig at ngumingiti pagkat minsan lang to mangyari kung pede nga lang e extend ang klase hanggang hating gabi oras na ng uwian gusto ko sanang ikay sabayan papunta sa inyong tahanan kaso ikay dina abutan kaya dali daling nagtanong sa iyong mga kaibigan kung saan ka dumaan para ikay aking masundan nang ikay naabutan diko inaasahan sa aking nadatnan may nagmamay ari na pala ng iyong kagandahan akoy biglang napatulala napatingin sa mga tala diko namalayan tumula na pala itong mga luha kaya aking napagtanto itatawa ko nalang ang lahat ng ito at kakalimutan ang isang tulad mo ...
0
Jun 30, 2018
Jun 30, 2018 at 5:09 AM UTC
crush na kaklase
Magsimula muli, ang sabi nila. Madaling sabihin, mahirap gawin, ang sabi naman ng isa. Hindi alam kung ano ba talaga Nakakapagod, ika nga. Ginusto ang isang bagay Bagay na hindi maibigay bigay Masyadong malaki, masyadong mabigat, Isang bagay na matagal nang hinangad. Hanggang kailan ba malulungkot? Hanggang kailan matatakot? Pupwede bang ihinto ang oras? Masundan lang ang pusong sinisigaw ang tamang landas. Matagal nang hinangad, Matagal nang pinangarap, Minsan mapapatanong na lang, Hindi ba ang isang tulad ko, ay karapat-dapat? Isang linggo na ang nakalipas, Isang linggo na ang nakaraan, Bakit presko pa din ang sakit? Sa isang pangarap na hindi nakamit. Hanggang dito na lang, Tulang sumisigaw ng tulong, tulong. Masyado pang mahapdi, mga sakit na tumindi Ngunit ang puso'y magpapatuloy, hindi susuko sa agos na dadaloy.
0
May 30, 2018
May 30, 2018 at 7:32 AM UTC
Pagsisisi