Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Dec 2018
Ang haplos ay malamig
di man naninigas
nanatili walang kibo
Sa paghagok ay naninibago
-walang malay parang nag-iidlip

Isigaw ang pangalan ng mga santo, patron at lalo na  ng Diyos
-magbigay pugay
Ang pulso muna ay hanapin mula ulo hanggang binti

Ginto at pilak, walang katumbas
Ang hinirang na anak Niya'y di kinalimutan
Parirala ng buhay ay papintig-pintig
sa ibang dimensyon na ng daigdig

Tuldukan ang kasulatan sa Libro ng mga Buhay
Sapagkat buhat-buhat ang maputlang kamay
Sa kuko matatanto habang nakaratay
Nagiginawan pati ang laman na nasa hukay

Libu-libong ektarya ang pagpapasyalan
Maraming kakaibiganin maging sinuman
Nakikipagkapalagayan ng loob ang lahat-nagpapatawad
Pagbubuklodin ng pagsinta

Nililok ang estatwa sa dibdib ay namalagi
Paalalang ipirmi, di iwaksi
Samut-saring emosyon ng dilim ang ginamit sa pag-ukit
George Andres Jun 2016
Bakit kailangang makilala ka pa?
Masikip ang mundo para sa dalawa
Sa ilog ng tahimik na buhay
Ba't ka ba sumablay?

Sa huling araw ba't ka ba tumabi?
Sayang bakas sa maputlang mga labi
Indak ng 'yong kulay, sumasabay sa araw
Sa itim ng 'yong mata'y nakita, isang bulalakaw

Ngunit bakit nakilala ka pa?
Kung sa huli'y lilisan rin pala?
Kaninang umaga bumati ka pa
Sa panaginip ko, huli na nating pagkikita
63016
s i r May 2019
Ulap sa lupa ang maputlang buhok
Sing kinang ng pilak, sing pilak ng usok
Isang obra maestrang handog ng Panginoon
Sagisag ng nakalipas na halos isang daang taon

Sa balat malinaw ang mga lumipas na panahon
Tigib sa pinong linya at kulubot
Sa mukha nama’y walang kolorete, alahas o pulbos
Kasing kinis ng balat ng masintahing musmos

Sa mga mata’y nakalubog ang karanasan at karunungan
Naipon ng mga pagkakamaling pinagdaanan
At ang mga tala sa langit, bumababa sa lupa
Napunta ang kinang sa mga matang minsan nang lumuha

Ang gaspang ng buhangin sa palad ay ipinasa
Marka ng walang katapusang pag-aalaga
Sa kanilang buhay ay alumpihit, pagod
Upang tayo ay mabuhay ng malugod.

Lahat ng sugat, pagod, galos, at kulubot
Ito’y pagmamahal ni inay na walang pag-iimbot
Sana’y maunawaan mo ang nakikita ko
Sa puting buhok at gaspang ng palad kagandahan ay totoo

— The End —