Matingkalang lungkot ang iyong nadarama Sa t'wing may kasama siyang iba Tila nagpupuyos ang iyong damdamin Nang ang mga mata niya'y sa iba nakatingin
Isa nang langit sa'yo ang siya'y makita Dahil sa kanya'y hangang-hanga Malalim na buntong-hininga ang iyong pinawalan Sa t'wing siya'y daraan sa iyong harapan
Tila ikaw'y binubuhusan ng malamig Sa t'wing magtatama ang inyong mga mata at siya'y mapatitig Parang ikaw'y nabuhay sa karangyaan Dahil sa kakaibang gaan na iyong naramdaman
Ngunit hanggang kailan mo kaya ililihim Na ikaw sa kanya'y may pagtingin Hanggang kailan mo maitatago sa itinuring **** kabarkada't kapatid Na ikaw sa kanya'y nahuhulog at umiibig
Nagseselos ako pag may ibang sayo'y nakalapit, Habang kayo'y magkausap, 'di ko maiwasang mapatitig, Sa pasimpleng hawak niya, at tinging malagkit, Kamao'y napapayukom, paano kaniya nalalapitan? —nakagagalit.