"manlalakbay" poems
mundong malupit,
napakadami **** bitbitin.
isa kang manlalakbay,
anong landas ang pipiliin?
pilit **** dinala,
ang bagaheng mabigat.
pagkat gusto **** makatulong,
sa abot ng iyong kaya.
kahit hindi sayo'y
minabuting dalin,
nang sa iyong kasamaha'y
na sa iyo ay binilin.
buhat **** bagahe,
di maikukubli.
isinama mo na ang bagahe ng iba,
magandang loob **** minabuti.
Malayo na ang narating,
ng pagod **** katawang hapo.
sa pag intindi mo,
sa mundong ikaw lagi ang balato
ngunit pagkatapos ng araw,
ang balikat mo'y halos mabali.
subalit ang puna parin ay sayo,
Ikaw pa ang siyang mali.
nang tayo ay dumating,
sa hating landas dapat pumili,
di sinasadyang salungat,
ang ninais na tahakin.
bitbit mo ang puso,
na iniintindi ang iba,
subalit may mga desisyong,
sa utak mo'y nakatalata.
Sila ay bulag,
sa kabutihang iyong dulot.
ngunit sila ay dilat sa kagamitang
nalaglag na hindi mo napulot.
Sila'y dilat sa iyong kakulangan,
di nakikita ang kabutihan ng puso.
di ka nagpapatinag
kahit ika'y napapaso
mundong malupit,
napakadami **** bitbitin.
isa kang manlalakbay,
anong landas ang pipiliin?
Jul 16, 2011
Jul 16, 2011 at 7:40 PM UTC
I
Siya ang laman ng bawat taludtod
Ang sining ng pag- ibig na binuod
Salitang matalinhagang ibinuklod
Siya ang tugma na 'sing rikit ng bulaklak
Ang obra na katumbas ay hindi tiyak
II
Siya ang gabay ng mga manlalakbay
Ang kinang niya ay walang kapantay
Liwanag niya'y nagbibigay buhay
Bawat hibla niya'y walang kamatayan
Siya'y nagniningning sa kalangitan
Siya ang tala
Ang tulay ng mga ala-ala
Aug 19, 2021
Aug 19, 2021 at 10:52 PM UTC
Salitang Ingles na ginagamit para sa mamamayang nagbibigay-ingat
at nagbabantay sa mga tumatawid na mga manlalakbay
sa pagitan ng mga mundo.
Habang niyayanig ng mga kontradiksyon, panatiliin
ang sarili, tapusin ang mga paglalakbay ng walang patid,
Hindi dahil walang patlang, kung hindi dahil kabahagi ng pagsuong
maski dilim, patlang, at kawalan.
Patuloy na tumuklas at buuin ang sariling praktika,
hanggang tuluyang matutunan
kung paano tahimik itong pakawalan ng walang pag-iimbot o pagtanggi
sa Lawa na nagbabaga sa pagal ng mga kaluluwang
hindi na makalapag at makapagugat sa ilalim ng lupa,
ngunit hindi rin makauwi sa pinangakong lupa, langit at tubig
na ngayon ay isang lotto ticket, SDO, at mga gawa-gawang karapatan.
Ayon din sa matatanda, hindi ito mababago, at nabubuhay tayo para makidigma at patuloy na tumaya.#
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 2:26 AM UTC
8 Isang bangka ang sumadsad
Sa isla mga lalaki’y napadpad
9 Dalampasigan, kapatagan hinango
Kabundukan, kakahuyan tinungo
10 Ilang gabi’t araw silang nanatili
Nakapagtanim pa ng mga binhi
11 Saanmang bahagi ng isla pumaroon
Mukhang sila lang ang naroroon
12 Oh anong saya at galak
Nagtungga’t uminom pa ng alak
13 Dalawang ama at limang binatilyo
Sila lang marahil ang mga tao
14 Animo’y paraiso na nilang itinuring
Mga tulog nila’y mahihimbing.
-07/22/2012
*Gintong Lupa Series
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:03 PM UTC
Dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.
Nasanay na rin akong umupo sa tabi nila; makinig sa kanilang mga istorya, tumawa nang tumawa dahil posibleng hindi na ito maulit pa, gumamot ng mga sugat, at kasabay ng mga ito ay ihanda ang sarili sa salitang "paalam".
Nasanay na ako—pero nakakapagod din pala.
Nakakapagod palang maglaan ng oras sa isang taong alam **** anumang segundo ay maaaring magpaalam na.
Nakakapagod palang makinig sa mga kuwento niya habang hinahanap ang lugar mo sa kanyang kasaysayan, habang napapaisip kung babanggitin ka rin kaya niya pagkatapos ninyong maghiwalay ng landas.
Nakakapagod palang buksan ang buhay mo para sa isang tao kung sa simula pa lamang ay batid **** bubuksan mo rin ulit ang pinto, sasamahan siya palabas, ihahatid sa sa tarangkahan, at tatanawin hanggang mawala sa iyong paningin.
Iniisip ko palagi kung bakit hindi sila nagtatagal. Bakit palagi akong iniiwan? Bakit paulit-ulit lamang ang itinatakbo ng bawat kuwento? Iba't ibang tao, iisa lamang ang nagiging dulo. Sa katagalan ay nasanay na ako sa pagtatapos, iyong tipong nagsisimula pa lamang ay tinatanggap ko na ang pagwawakas nito.
Dahil dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.
Kailan kaya ako magiging destinasyon?
Aug 10, 2023
Aug 10, 2023 at 9:40 AM UTC
43 Ang lihim na pagsinta
Pagligtas ang bunga
44 Sa araw ng ikatlong buwan
Pinaghandaan ang isang paglisan
45 Si Tuma ang naatasang magbantay
Kay Tarok na bihag na manlalakbay
46 At nang makatiyempo ang may pagtitinginan
Mula pagkatali lalaki’y kinalagan
47 At sila’y kumaripas sa pagtakbo
Sa mga Amazona palayo
48 Nang sa kanila’y may nakakita
Mahiwagang bubuli nilamon sila
49 At nang tuluyan nang nakalisan
Sa Gintong Lupa ang kinasadlakan.
-07/26/2012
*Gintong Lupa Series
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:05 PM UTC
15 Ang mga lalaki’y ‘di alintana
Na may nagmamanman sa kanila
16 Sila ay tatlong Amazona
Matinik na mga espiya
17 Noong mga nakaraaang araw
Nang sila ay mabulahaw
18 Ang mga manlalakbay na lalaki
Sa mga patibong sinuwerte iri
19 Subalit wala silang takas
Sa mga mandirigmang marahas
20 Isang gabi habang natutulog
Sa kanila’y may nambulabog
21 Nang sila’y manumbalik sa ulirat
Nagulat sa mga nakatutok na sibat.
-07/23/2012
*Gintong Lupa Series
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:03 PM UTC