Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
elea Oct 2016
Takot ka?
Sabihin mo sakin Takot ka ba?

Hindi tayo isang pelikula na ginawa para mag paiyak ng batang madaling mapaniwala.
Hindi tayo pag susulit sa matematika na gustong iwasan ng lahat sa takot na bumagsak sila.

Oo takot ka.
Ako din naman.

Nanginginig ang kamay ko sa takot na baka kahit piling piling mga salita ang gamitin ko ay mali parin ang aking maisambit.

Hinagpis.
Hinanakit.
Kapit.
Kaya pa ba?
Sabihin mo sakin kaya pa ba?

Ipagpapatuloy pa ba nating ang pag tupad sa mga pangako.
Pagtupad sa lahat ng mga "Itaga mo sa bato..."
O, iiwan nalang natin itong nakabinbin sa dating tayo.

Tayo.
Meron pa bang tayo?

Nasaan na yung ikaw at ako.
Nasaan na ang mga salitang "Hinding hindi ako magsasawa sa iyo".
Napagod ka na bang punan ang mga pagkukulang ko?
Kailan ka kaya makokontento.

Takot nakong tumingin sa karimlan ng langit na baka may isang bulalakaw ang mapadaan at hilingin kong tayo nalang palagi.
Hindi naman maari.
Napapagod din ang damdamin.
Hindi na alam ng tadhana ang gagawin.

Pagod ka na ba?
Sabihin mo sa akin pagod kana ba?

Kasi ako Oo.

Ayokong katakutan ang bukas.
Ayokong manghinayang sa kahapon.
Ngunit Mahal pagod na ako.
Pagod na ang puso matakot.
Nahihirapan na ako huminga sa hindi mo pag pansin sa patuloy kong pagkapit.
Gusto ko ng matapos ang pag hikbi.
Ano pa ba ang silbi.
Ako nalang ang natitirang sundalo.
Wala kahit na anong baril na dala.
Sugatan na tumatakbo.

Tama na.
Talo na.

Pagod na ako sa pagiging hindi sapat.
Hindi ko na mawari kung ano pa ba ang dapat.
Patawad mahal sa pag suko.
Pero eto na ata.
Tapos na ang gera sa isip at puso.
Tapos na tayo.
-dito ko nalang idadaan ang ninanaais kong sabihin dahil hindi ko kayang makita ang iyong mga mata na patuloy paring nagpapanatili sakin. Patawad pero tapos na ata ang kwento ng Tayo-
Caryl Sep 2015
Yung natakot ka na
Mahalin siya
Yung natakot ka na
Mawala siya

Yung natakot ka na
Sabihin sa kanya
Yung natakot ka na
Maunahan ka ng iba

Yung natakot ka na
Magbago ang samahan
Yung natakot ka na
Manghinayang sa pagkakataon

Nakakatakot
Lamunin lamang ng takot
Nalito, di malaman ang gagawin
Kung ito'y aaminin o hindi
Hanggang sa wala ka nang ginawa
Kundi matakot sa hinaharap
At masabing
*"Sayang, kung hindi lang ako natakot
Edi sana, alam mo na ngayon"
A filipino poem about the fear of having feelings for someone, and the confusion of what he/she fears about.

— The End —