Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Nov 2017
Tinatamad ako hindi ko magawang tipahin ang tiklado ng aking computer.
Inaantok ako malamang kinakapos ng oxygen ang utak ko kaya ganito.
Pero ang diwa ko’y gising at gustong sumulat ng tula hindi ito nakatulala.
Anong tula ang susulatin ko? Tungkol ba sa’yo at sa pagsinta nating tuyo?
O patungkol sa bayan kong minamahal na walang utang na loob sa malasakit ng iba?
Ang bayan o ang aking pag-ibig sa’yo alin sa dalawa? Ewan ko nalilito ako.
Pareho kayong mahalaga, pareho ko kayong mahal, pero alam ko na pareho din kayong mawawala. Bakit ko sasayangin ang aking mga salita? Bakit kailangan ko pang ialay ang bunga ng aking kaisipan kung sa bandang huli ito ay mawawalan lang ng saysay?

Hayaan **** mag-diskurso ako kahit sandali lang mahal ko.

Ilan tula na ba ng aking sinulat para sa bayan kong sawi at laging alipin ng mga walang turing at pakundangan, may nangyari ba? Wala naman diba? Walang saysay ang pagliyag ko sa bayang ito na laging lumuluhod at sumusunod sa mga dayuhan. Itong bayan na sa kabila ng kanyang paghihirap at dalita ay laging nangangamuhan at humahalik sa paa ng mga kapitalistang ganid. Ang bayan ng mga taong mahirap paniwalain sa totoo pero madaling bolahin ng mga pulitikong hunghang. Ito ba ang bayan na aking iibigin?

at ikaw naman mahal ko

Batid mo'ng iniibig kita alam mo yan pero para saan ang aking pagliyag sa’yo kung mawawala ka rin sa akin? Oo naman nasasabik ako lagi sa’yo, gusto kitang yakapin, halikan at makasiping sa buong magdamag hanggang sa bukang-liwayway. Pero hanggang kailan ako mananaginip ng gising at mananabik saiyong piling gayong alam ko na hindi ka naman talaga magiging akin sa habang panahon?

Marami ba akong tanong? Pasensya kana ganun talaga ang isang makata, nabubuhay s’ya gamit ang mga salita at tandang pananong.

Pero sige magsusulat ako ng isang tula para sa’yo at para sa bayan ko. Magsusulat ako kahit alam kong walang magbabasa nito. Magsusulat ako at aasa na parang hangal, aasa na may babasa at maniniwala sa aking mga salita. Ipapahid ko ang utak at damdamin ko sa papel na tulad sa isang nababaliw. Magsusulat ako dahil tungkulin ko ito, magsusulat ako dahil alipin ako nito, magsusulat ako dahil ito lang ang alam ko at higit sa lahat magsusulat ako dahil ito ang buhay ko.

Iaalay ko sa’yo mahal kong marupok at sa’yo bayan kong walang utang na loob ang aking tula kahit inaantok at tinatamad ako.
Eugene May 2018
Tuwing sasapit ang araw na ito,
Umiiyak ang puso ko dahil sa iyo.
Nalulungkot, nangungulila sa isang tulad mo
na magpa-hanggang ngayon ay wala ka na sa tabi ko.

Lagi akong nakatitig sa kawalan
Bigla na lamang tutulo ang mga luha at luhaan,
Paano ko ba ito maiibsan
kung pati libingan mo ay hindi ko rin malapit-lapitan?

Nais ko lamang sabihin sa iyo
na kahit tahimik pa rin ang mundo sa puso ko,
walang ibang makakapantay sa pagmamahal na inalay mo
dahil bukod-tangi ka dito sa tumitibok kong puso.

Hindi ko alam kung saan dadalhin ng puso ko ang kalungkutang ito
Pero alam ko sa puso kong nananabik at mananabik pa rin ako.
Hintayin mo ang pagbisita ko dahil gagawa ako ng paraan upang sabihin sa iyo,
Na mahal na mahal kita, mahal na ina ko.
Miss Emma Writes Jul 2019
Pusong sugata'y naging sunud-sunuran,
Inakalang ito ang gusto ng kapalaran,
Ang pag-ibig kong lubos,
Unti-unting naubos at natapos.

Nagbago ang ihip ng hangin,
Itinaboy ka papalayo sa akin,
Ngunit masisisi ko ba ang hangin?
Kung ayun din naman pala ang iyong hangarin.

Hangganan ay nakalimutan,
Sapagkat wala nang patutunguhan,
Marahil ang alaala'y babalik,
Ngunit hindi na muling mananabik.


Kaya aking sinta,
Malaya ka na.



7/19/20
kingjay Nov 2019
Kung nararamdaman mo aking mahal
Masayahin ako't malaya
Sa ating pagsasama
Wala na ibang iniisip pa

Kung mangyari magawi sa bahay
At makita mo ang aking talaarawan
Mababasa mo na walang ibang nagaganap na wala ang iyong pangalan

Kung naaalala mo pa sinta
Sabay tayong sumisimba
At kung narinig ang pabulong kong panalangin
Ay tiyak nalaman mo na sobra kitang ginigiliw

Kung buo pa sa isip mo
Noong sa paaralan pa tayo
Madali akong manibugho
Dahil ganyan talaga ako

Ikaw ang unang inibig
At wala na pagkatapos mo
Kaya sa susunod pang buhay
Ikaw pa rin ang susuyuin ko

Kung malalaman mo na kahit ika'y sa ibang mundo
Ang dahilan kung bakit sinusulat ko ito
Magiging masaya ka na't hindi na mananabik

Ang binili kong lubid
Ang tali kong napakahigpit
Walang luhang dadausdos sa aking pisngi
Sapagkat nakikita na kita na lumalapit
Payapa at nabibingi ang nararamdaman sa  paligid
Maria Leslie Mar 23
How many days and nights will I wait to see you again, to be with you again.

How many more nights and days will I endure to be with you again?
Every hour and day that you are not by my side, my tears fall
As if I die every day

How long will I wait to be with you again?

How long will I yearn to be with you again?

When will I see your smiles again?

When will I see your eyes?

And kiss your lips?

How long will I wait to hear your voices again?

How long will I see the light of day again when I am with you?

If that day is you and I want to be with you?

When will I kiss your lips again?

I can hold your hands and hug you for a long time?

My daily wish and prayer is to be with your love.

Every night, I hope you are the one I am with.

You are the one I see, if someone else is with me,

You are the only one I want to be with, no one else.

Every hour and day is different. being with you is the time and day of tears in my eyes and the passing of my wounded heart along with the sorrows and sadness that have no rest from the pain I feel.

You are what I grew up with and have gotten used to
I can't wait to be with you anymore
I love you that's why I'm able to wait for you

How long will I wait
How long will I fight to be with you
As long as you are there for me
I will still be here waiting for you.


****************


“𝕄𝕒­𝕘𝕙𝕚𝕙𝕚𝕟𝕥𝕒𝕪 ℙ𝕒𝕣𝕒 𝕊𝕒𝕪𝕠”

Ilang araw at gabi ang aking hihintayin para makita ka muli, upang makasama kang muli.

ilang gabi at mga araw pa ako mag titiis para makasama kang muli
Bawat oras at araw na wala ka sa tabi ko ay patak ng mga luha ko
Na para bang araw araw namamatay ako

Hanggang kailan ako maghihintay na makasama ka ulit
Hanggang kailan ako mananabik na makasama ka ulit

Kailan ko masisilayan ulit ang iyong mga ngiti
Kailan ko masisilayan ang iyong mga mata
At mahagkan ang iyong mga labi

Hanggang kailan ako mag hihintay na marinig ulit ang iyong mga boses
Hanggang kailan ko makikita ulit ang liwanag ng araw na makasama ka
Kung Ang araw na yon ay ikaw at nais kang makasama

Kailan ko ulit mahahagkan ang iyong mga labi
Mahahawakan ang iyong mga kamay at mayayakap ka ng matagal

Ang hiling sa araw araw at dasal na makapiling ang pagibig mo
Araw gabi sana ikaw ang nakakasama

Ikaw ang nakikita, kung iba ang nakakasama
Ikaw lang ang nais kong makasama wala ng iba

Sa bawat oras at araw na iba ang iyong kapiling iyon ang oras at araw ng pagluha ng mga mata at pagpanaw ng puso kong nasusugatan kasama ng mga hinagpis at kalungkutan na walang pahinga sa sakit na nadarama.

Ikaw ang kinagisnan ko at nasanay na sayo
Hindi na ako makapag hintay na makasama ka
Mahal kita kaya nagagawa kong hintayin ka

Hanggang kailan ako mag hihintay
Hanggang saan ako lalaban para makasama ka
Hanggat nanjan ka para sakin
Narito parin ako parating mag hihintay para sayo.
Written: 9.27.2024

— The End —