Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene May 2018
Tuwing sasapit ang araw na ito,
Umiiyak ang puso ko dahil sa iyo.
Nalulungkot, nangungulila sa isang tulad mo
na magpa-hanggang ngayon ay wala ka na sa tabi ko.

Lagi akong nakatitig sa kawalan
Bigla na lamang tutulo ang mga luha at luhaan,
Paano ko ba ito maiibsan
kung pati libingan mo ay hindi ko rin malapit-lapitan?

Nais ko lamang sabihin sa iyo
na kahit tahimik pa rin ang mundo sa puso ko,
walang ibang makakapantay sa pagmamahal na inalay mo
dahil bukod-tangi ka dito sa tumitibok kong puso.

Hindi ko alam kung saan dadalhin ng puso ko ang kalungkutang ito
Pero alam ko sa puso kong nananabik at mananabik pa rin ako.
Hintayin mo ang pagbisita ko dahil gagawa ako ng paraan upang sabihin sa iyo,
Na mahal na mahal kita, mahal na ina ko.
zee Sep 2019
sa iyong paglalakbay
ika'y humingi ng gabay
sapagkat diyan nakasalalay
ang kaligtasan ng iyong buhay
kung ako man ay mamatay
'di kaya'y mawalan ng malay
aking ipapaalala nang walang humpay
na araw-araw akong naghintay
laging tatandaan, walang makakapantay
sa pag-ibig **** 'di nagkulang at tunay
ngang ikaw ang nagbibigay kulay
sa mundo kong matamlay
sa pagbalik mo, ako'y kakaway;
hahagkan at hahawakan ang 'yong kamay
sapagkat ikaw lang ang nagtataglay
ng mainit yakap na hinahanap-hanap paghimlay

— The End —