Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makakabangon" poems
Pinapanood malunod ang mundo Mula sa aking bintana'y natatanto Bayan ko'y dahan dahang inaanod Inaanod na rin ata ang puso ko Walang daang madadaanan Walang makatutulong sa nasasaktan Dahil ang tutulong dapat, ay nasaktan na rin Sinagasaan ng bagyo ang ating bansa Binanyagang may pinaka-masayang mga tao Bakit kaya tayo pa ang napili ng Panginoon? Siguro dahil alam Niya na makakabangon tayo Siguro dahil matibay ang ating pananampalataya Siguro dahil may leksyon tayong dapat matutunan Kahit ano pa man ang dahilan, salamat Panginoon na muli Ninyo kaming ibinangon
0
Jul 24, 2014
Jul 24, 2014 at 10:45 AM UTC
Nalulunod
Nakakatakot na ang mamuhay sa mundo ngayon. Ang nasa isipan ay baka kinabukasan, Hindi na makakabangon, walang kasiguraduhan. Laganap na ang mga nakakamatay na sakit, Mga sakit na walang lunas At kaunti lang ang nakakaligtas. Mayroon pa ring sakit sa lipunan Na hanggang ngayo'y hindi pa rin naaagapan. Ang hindi pagkakapantay-pantay, Kahirapan at kamang mangan. Dulot nito'y pagbagsak ng ating Inang Bayan. Lahat ay isinisisi sa gobyerno Kanilang buhay na sila mismo ang nagplano. Bakit ka gagawa ng isang bagay na sa huli ay iyong pagsisisihan? Hindi dahilan ang kahirapan Upang gumawa ng kasamaan. Dahil sa salot na sakit, Maraming nagtatanong kung "bakit" Panay ang pag-aalala Hindi na mapakali sa kanilang mga lungga. Utos ng pamahalaan ay binabalewala. Tahimik ang kalsada Walang sasakyang pumaparada Ang mga pamilihan ipinasara. Ang mga tao'y nagsisiwelga Dahil daw ito'y pang aabuso at hindi pagpapahalaga. Halos wala nang makitang tao sa mga bahay-sambahan Ani nila'y ayaw mahawaan. Naniniwala pa rin ako sa kasabihang, Kung ayaw, may dahilan Kung gusto'y, maraming pwedeng paraan. Tanong kaibigan, Bakit mo iiwan ang pagsamba? Bakit ka mangangamba? Ang Panginoong Diyos ang pinakamakapangyarihan Siya ang sagot sa lahat ng ating kabalisahan.
0
Mar 19, 2020
Mar 19, 2020 at 8:22 AM UTC
Sagot Sa Kabalisahan
Mas mabuti pang ilibing Kaysa maligaw Mas mabuti pa nakikita ang sarili sa ilalim Kaysa hindi makita ang sarili kahit kailan Oo nga't ako ang naghukay ng lupa, Ako itong kusang pumasok. Ako ang naglibing sa sarili ko. Ngunit sinipa mo ako paloob. Tinabunan mo ng lupang mas marami pa kaysa nararapat. Sila itong nagpatong ng limang malalaking bato. Paniguradong wala na akong aahunan. Paniguradong hindi na ako makakabangon s apagkakamatay. Hindi pa napanatag at may ahas na pinagpilitan. Ipasok, gumapang, pinagsiksikan. Tinabihan ako, hinalikan Inikot ang ulo at dahan dahang pinalibutan ang aking leeg. Hindi ako lumalaban, hindi ako pumalag. Hanggang kailan niyo papatayin ang namatay na? Hanggang kailan niyo didiligan ng dugo ang lupang basa? Hanggang kailan ako mamamatay? Svelte Rogue
0
Apr 30, 2016
Apr 30, 2016 at 6:55 AM UTC
Manhid
Gusto kong ibigay sa'yo ang buong mundo,
 Halagang isang milyon ang tanong kung paano, Nakakatawang tingnan kung iaalay ko ang iyong buong pagkatao,
 Sa iyo mismo, dahil ikaw ang mundo ko. Wika mo'y linyang sinabi ko ay gasgas na,
 Sagot ko pabalik ay iba ako sa kanila,
 Pagkat kasiyahan at mundo ko'y ikaw,
 Magagawa ko na lamang ay lalong pagliwanagin ang iyong ilaw. Ikaw para sa akin ang araw, buwan at mga bituin,
 Kapag nawala ka'y tuluyang magdidilim ang aking paningin,
 Hindi makakabangon, paa'y waring nakabaon,
 Sa isang kumunoy na tatawagin kong kahapon. Mundo pala'y hindi ko maiaalay sa iyo,
 Ikaw at ang mundo ay iisa at iyan ang totoo,
 Ang magagawa ko lamang ay ingatan ka at mahalin ng tapat,
 Wala nang ngunit, subalit at datapwat.
0
Apr 12, 2016
Apr 12, 2016 at 5:27 AM UTC
MESM
hinarangan na ng duda, mga alinlangan at pangamba ang mga matang lumuluha hapo at balisa halika, sinta, ihakbang ang mga paa kahit puno nang takot pa, patungong pag-asa, makakaahon, makakausad, makakabangon ang mga hapdi ay may hangganan kung di pa handa, hindi kailangan tumahan may kapanalunan kahit humihikbi may tagumpay kahit ang puso'y sawi sa dulo may naghihintay na liwanag, may mga sagot na sisinag, sa mga tanong **** bakit, darating ang ginhawa kapalit ng sakit
0
Aug 1, 2023
Aug 1, 2023 at 12:07 AM UTC
Tangis
Paano ko ba sisimulan; Paano ko ba papakawalan ang mga salitang gusto ng kumawala sa aking isipan; Ang hirap simulan; Lalo't hindi mo alam kung papaano at saan; Paano nga ba? Paano nga ba ko mag sisimula ulit; Paano nga ba ko makakabangon sa hirap at sakit; Na iniwan mo buhat ng ika'y lumayo Sa paulit- ulit kong "paano"; Hanggang ngayon nandito pa din ako.
0
Sep 24, 2017
Sep 24, 2017 at 9:26 AM UTC
Paano?