Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jowlough May 2016
Dumaan saglit sa bilihan ng damit
Kahit sakto ang dala ay aking pinilit
Pagkat pawis ay malala dahil mainit
Sa pagkikitang ito lahat ay sulit.

Sa harap ng salamin maiging sinipat
Kung okay ang buhok at marapat
Konting talsik ng pabango sa kwelyo
Hindi muna ko maninigarilyo.

Upang ako'y perpekto sa pagdating
Lahat ay maayos sa iyong paningin,
hinahanap hanap ang 'yong awitin
Ng boses **** maliit ako'y bitin.

Nagmamadali at baka mahuli
Ayokong maghintay ka aking binibini
Kahit hasel sa lahat basta dumating
Sinira ang ipon para may pang sine.

Kamusta ka na? Kumain ka na ba?
Unti unting pinaplano ang sasabihin.
Sa paglalakad ako'y napapaisip
Ano ang uunahin, saan papupuntahin

Sa di kalayuan aking nakita
Maamo at maaliwalas **** mukha
Sabay nagising sa katotohanan
Sa noo ko ay biglang pinawisan.

Nang biglang nauntog sa totoo
Na ito ay panaginip lamang
Hawak ang lakas ng loob
Napalunok at parang..

Nabilaukan sa pagkakita
Sa kamay **** may humawak
Sa di bandang kalayuan
Pumatak ang luha ng uwak

At sabay bati ng kamusta
Habang hagkan ka at yapos
Ako ay kinakain ng sistema
Ng matinding pagseselos

At binalewala ang pagpapakilala
Sa kasama mo'y ikaw'y hinayaan
Sigaw ng puso'y nagaklas
Batid na "Dapat ako ang nandiyan".
Marge Redelicia Oct 2014
hindi makatayo,
ang aking pawis at luha ay
maiging sinisipsip ng lupa
kung saan gumagapang ako.

gusto kong iwanan at kalimutan
ang mga tungkulin
na gumagapos sa aking kalayaan.

gusto kong tumakbo
nang mabilis
papalayo
sa mga hirap at hinagpis.

bigyan mo ako ng isang saglit na
magpahinga
kasi tila ako ay nalulunod
habang gumagapang sa lupa.
Marge Redelicia Feb 2014
Salo-salo ang lahat:
Nakaupo, nakadekuwatro
Sa isang mahabang bangko.
Ayos lang
Kahit medyo masikip
At nagkikiskisan ang mga siko.

Ang mesa'y nilatagan
Ng dahon ng saging.
Bawal ang maarte;
Walang mga pinggan
At iba pang kagamitan.

Nakakamay ang lahat sa pagkain
Ng maiging inihaw
Na sariwang malaman na tilapia.
Meron ding mga gulay
Na pinakuluan at nilaga:
May kangkong,
Okra, sitaw at talong.

Samahan mo pa
Ng hiniwa at tinadtad na
Pulang sibuyas at kamatis,
Na may halong bagoong
At piga ng kalamansi.
At sa wakas, ang panghimagas:
Mga gintong mangga
Na ubod ng tamis.

.   .   .   .   .

Napapasarap
Ang pinakasimpleng handa
Samahan lang ng kuwentuhang
Nagpapasaya at nagpapatawa
At siyempre kung salo-salo
Ang buong pamilya.
cherry blossom Feb 2019
pakinggan mo ang ugong ng hangin
ni 'di mo alam kung tanging ikaw lang ang nakakarinig
mas maingay pa sa mga sigaw mo,
mas maingay pa sa mga dasal sa sansinukob
ngunit hindi ba iyon ang dahilan ng iyong pagbagsak
ang walang habas na pakikinig
sa mga boses na kayang tumagos dahil sa talim
bisa ng maiging paghasa ng iyong patalim
2/4/19
May pagkakataon  na napapaisip ako,
what if mag sawa ka?
what if mapagod ka?
what if mabored ka sa relasyong ito?
what if ayaw mo na?
what if gusto mo ng bumitaw sating dalawa?
what if meron ng ibang sayo ay nag papasaya?
What if hindi na ako ang mahalaga?
What if iba na ang sayo ay nagbibigay sigla?
What if ang puso mo ay hawak na ng iba?
What if iba na ang pinapahalagahan mo?
What if Siya na pala ang mahal mo at hindi na ako?
what if gusto mo ng maging malaya?andaming what if,na lagi sa isip ko ay nag papagulo.
Itong mga katanungan ay kakayanin kaya pag ang labi mo mismo ang kusang nag  bigkas ng mga katagang sa puso ay nag papahirap.
Labis ko man na dadamdamin ngunit wala ng magagawa kung ikaw  mismo ang kusang sa aking pagmamahal ay kakalas na.
sabi nga nila walang permanente sa isang relasyon,kahit anong kapit at ingat dito,may isang bibitaw at susuko pag nahihirapan at nasasaktan na,lalo na kung sa iba ay umiibig na.
ayukong dumating ka sa puntong kumakapit ka kasi naaawa ka.
pakiusap ang awa ay kalimutan na at ang sigaw ng puso ay sundin na.
mas maiging kumapit kung mahal mo pa.ngunit kung hindi na, mahal pakiusap bitaw na.
nang tayong dalawa ay hindi na mahirapan pa.
kaligayahan mo ay ibibigay ko at hindi ka na pahihirapan pa.
isang bagay lang ang sayo ay hihilingin ko.mahal sana sayong pag bitaw kaligayahan ay tuluyan **** makamtan.
At pag-ibig mo ay buo nyang masuklian.
Pagbitaw
Pagpaparaya
Pagmamahal

— The End —