Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Xian Obrero May 2021
Sa dami ng mga taon na lumipas
Alaala mo’y wala pa ring kupas
Milyong luha na rin ang tumagas
Sa sakit hindi pa rin makatakas

Pangalan mo’y sigaw pa rin ng aking puso
Dama at dinig mo ba kahit ika’y malayo?

Dama mo ba ang bawat hinagpis?
Dinig mo ba ang aking pagtangis?
Bakit ka lumisang sobrang bilis?
Sa kirot at sakit, hanggang kailan magtitiis?

Sa dami na ng taon na lumipas
Ang pagmamahal ay wala pa rin kupas
Milyong luha man ay patuloy pa rin sa pagtagas
Mahal pa rin kita sa bawat darating na bukas.

Buhay mo man ay biglang binawi
Pag-ibig ko sa iyo ay hindi kailanman mahahawi

Ang buhay man ng tao ay may wakas
Mananatili ang pag-ibig na wagas
Hanggang sa dulo man ng wakas
Pag-ibig na wagas ay mag-iiwan ng bakas.
Jun Lit Sep 2021
Pilit hinahabol ng gunting-pamugot
ang tanging dugsong na duguang pusod,
huminto’t tumigil, piniringang may-takot
ang pangalan ng saksi sa mga sagot -
pusod, di-makita, hila ng sanggol na supót,
nag-anyong kabayo, takbo nang takbo
ngunit di abutan, kawatang kangkarot,
akmang tatakas sa malupit na bangungot  
mabuti’t nag-iwan ng aklat, Gat Patnugot,
at tila ebanghelyong liwanag ang dulot -
kapag namulat ka’y mahahawi ang ulap at ulop
Kay sarap lumayang tila tsokolateng malambot.
Translation:

Nightmare

The scissors appeared running, relentlessly
after the bloodied umbilical cord - the only
remaining link, pausing, stopping worriedly
blindfolding the name of the witness to the answers –
the navel-umbilicus, concealed, trailing the infant
uncircumcised, disguised as a horse, galloping, trotting,
but unable to catch up, with the thieves running,
attempting to escape from this nightmare so dreadful
but the Hero Author-Editor luckily left a book, eventful
and like biblical epistles to the heathen, giving light
clearing clouds and fog as your eyes open bright.
How sweet it is to be free, like choco mallows delight.

Written as a response to San Anselmo Publications' Martial Law Weekend Poetry Challenge; inspired by an image depicting the book "The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos" by Primitivo Mijares, a scissor covering the name of the book's owner to whom the author wrote a dedication, a horse figurine and a chocolate marshmallow - all on a table in a corner of some room.

— The End —