"magsisisi" poems
Hindi ko alam paano ko to sisimulan
Pero bawat gabi ako ay nadadatnan
Sa tanong na laging dumadaan
Dito sa sarili kong sugatan
Pero ang tanong na ito,
Ang laging nagpapahinto
Sa kasayahan kong di aabut nang minuto
Sa pag iisip ko, sino nga ba ako?
Napapaisip ako gabi gabi
Kung saan nga ba ako magsisisi
Ang hindi pag hanap sa katanungan kong tangi?
O balang araw malaman kong ano nga ba akung klase..
Ang mundung ito na malawak
Ay napakaraming tanong na hawak
Iba, mga kababalaghang di tiyak
Nasa kanila ba ang sagot kong tiyak?
Ano nga ba ako dito sa mundo
mag-aaral? anak? Kaibigan? Bestfriend? kalaro? Classmate? O Baka naman isang tagapayo
O baka wala lang talaga ako
Dito sa mundong tinitirhan ko
Baka isa lang akung extra?
Sa buhay ng iba,
Na mahalaga lang pag may problema
At wala nang kwenta pag lahat masaya
Baka nga ganon lang talaga ako
Dito sa mundong tinitirhan ko
Pero minsan sinasabi ko
Baka mahanap ko ang sagot ko dito
Sagot nang isang tanong ko
Sino nga ba talaga ako?
Aug 12, 2018
Aug 12, 2018 at 12:51 PM UTC
may diskusyon na galing sa nakaraan
tungkol sa pagsisisi sa naganap na hiwalayan
ang higit na pagmamahal ay sadyang maparaan
nagbalik itong muli ng di namamalayan
kung sa hinaharap ay walang kasiguraduhan
bubusugin kita ng pagibig sa kasalukuyan
at kung tayo at panahon ay magkasubukan
hihintayin kita upang sa dulo'y magkatuluyan
ang pagulit sa kawangis ng kahapon ay ligaya
ito ang dahilan sa sarap ng muling pagsasama
huwag maglilikot pagka't di na magagaya
ang inayos na daan papunta sa iisang kama
sa di mapigilang kabaliwan at kalokohan
sa dalas **** maubos ang aking pisi
at kahit hirap sa pagsunod sa aking kagustuhan
ikaw pa rin ang pipiliin at di magsisisi ♥
Jul 4, 2011
Jul 4, 2011 at 2:12 AM UTC
Kailanma'y hindi ako nagsawa
Hindi ako magsasawa
Na titigan ang masaya **** mga mata
Tingnan ang labi **** tumatawa
Pakinggan ang boses **** musika sa aking tainga
At tanawin ang nakabibighani **** mukha
Hindi ako magsasawa
Ilang araw man ang dumaan
Patuloy pa ring ikaw ang nasa aking isipan
Tila nga nalulusaw na ang kisame
Kakatitig ko, at ang mahahalagang bagay ay isinasantabi
Malaanan ka lamang ng oras
Kahit man lang sa isipan ko
At ang pananatili ng iyong mga bakas
Ay ang hindi mo paglisan sa puso ko
Dahil kung merong pagkasugat
Kasunod agad nito ang peklat
Na mananatiling sa aki'y nakatira
At hindi na ito mabubura
Pero mahal, hindi pa rin ako magsasawa
Hindi ako magsasawang kabisaduhin ang iyong bawat paglingon
Ang iyong mga di pagtugon
Kabisado ko na ang iyong mga galaw
Kagaya nang kung paano ko laging naaalala
Ang iyong pagtanaw
Pagtanaw mo sa akin kasabay ng iyong ngiti
Kabisado ko ang iyong mga "hindi"
Kabisado ko na kung saan kita makikita
Sa mga lugar na minsan sa aki'y naging mahalaga
Alam na alam ko kung kelan tumitibok ang aking puso
Tuwing nakikita ko ang sapatos mo
Itim at pula
Ang kulay kung saan lagi kitang naalala
Rinig ko na ang malakas na pagtibok
At agad akong nagtatago sa sulok
Hindi ako magsasawa
Magpapatuloy ako
At kahit nasasaktan ako sa mga pagbitiw mo
Oo, ramdam ko ang pagbitiw mo
Kahit pa hindi mo kailanman hinawakan ang mga kamay ko
Oo, masakit
Nasasaktan ako
Pero pasensya na, magpapatuloy pa rin ako
Lumipas ang mga buwan
Sa aking puso ka pa rin nanininirahan
Sa dami ng unos na aking naranasan
Nahihirapan akong tumahan
Hanggang sa napagtanto kong pagod na ako
Hindi ko alam kung paano nangyari ito
Biglaan nalang
Kagaya ng paglaho mo
Pagod na ako
Pagod na akong intindihin ang aking nadarama
Pagod na akong umasa
Pagod na akong maghintay sa wala
Ang umasa sa mga bagay na kailanma'y di mangyayari
Mga bagay na hindi ko mawari
Pagod na akong paniwalain ang sarili kong magugustuhan mo rin ako
Paniwalain ang sarili kong may dadalhin ka sa pagbalik mo
Pero nagkamali na naman ako
Dahil nakalimutan ko
Na hinding hindi pwedeng maging "tayo"
Dahil iba ang gusto mo
At hinding hindi mangyayaring magiging ako ang tipo mo
Dahil hindi tayo talo
Pagod na ako sa mga bagay na di pwedeng ipilit
Pagod na ako sa pagkapit ko na dati'y mahigpit
Pagod na akong kumapit
Pagod na ako sa sakit
Ngayon, gumagawa na naman ako ng tula
Para sa taong iba ang nilalaanan ng kanyang mga salita
Pero bago matapos ang tulang ito...
Pakinggan mo ako
Pakinggan mo ang bawat salitang aking sambit
Pakinggan mo ang liriko ng aking awit
Pakinggan mo ang tono ng aking tula
Damhin mo ang bawat pagbigkas ko ng mga talata
Dahil maaaring ito na ang magiging huli
Ito na ang bagay na hindi ako magsisisi
Sa huling pagkakataon, ramdamin mo ang aking pagkapit
Ramdamin mo sa huling pagkakataon ang aking bait
Dahil, sobra nang pait
Ayaw ko nang damhin
Ang mga sugat na dinulot nito
Dahil ngayon, nagdurugo ang puso ko
Habang tinitingnan ang mga sugat sa kamay ko nang dahil sa patuloy na pagkapit sa'yo
Ako lang pala ang kumakapit
Kaya tatapusin ko na
Ako'y bibitiw na
Nang sa gayo'y maging malaya ka na
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 6:54 AM UTC
Araw-araw nagtatanong sa sarili;
Sino ba ako para magmahal sa'yo?
May karapatan ba akong umagaw sa atens'yon mo?
Bakit ba ako ay nababaliw na sa'yo sobra?
Dahil ba sa'yong tunay na ganda?
Ganda na nakakaakit sa mata at hindi makapakali.
Subalit, bakit ba naman o kay lupit ng tadhana?
Na ipinagtagpo pa tayo,
Kung sa hulihan lang naman ay magsisisi at magdudurusa ng walang nakaka-alam.
Aug 12, 2019
Aug 12, 2019 at 1:49 PM UTC
Pagdating ko pa lang
Akoy agad ng tinangihan
Maka ilang ulit pinagpasahan
Isa, dalawa hangang lima
Hangang akoy nag kaisip na.
Sa aking kamusmusang balot
Ng hirap at kalungkutan,
Sa mulat kong kaisipan akoy naiwanan
Kamusmusang nawala
Napalitan ng trabahong pang matanda
Kaya kung minsann para bang may mga karayum na tumutusok saking dib dib
Mga ala alang mahirap balikan
Karanasang hindi makalimutan
At tanging alaala na lang ang natitirang katibayan sa hirap na pinagdaanan
Ang mundung ito’y malawak
Napakaraming tanong na hawak
Tanong na nagtagal na,
Tanong na wala pang kasagutan
At saan nga ba ako magsisisi
Ang hindi pag hanap sa katanungan?
O
ang hindi pag harap sa naka umang na kasagutan?
Lumalalim na ang usapan
At baka mamaya buong buhay na ni eric ang ating pag usapan.
Kaya………..
Umpisahan natin sa simula
Sa paraan kung paano tayo nagkaplaitan ng unang salita,
Sa lugar kung saan
Tayo unang nagkita,
At kung kelan natin natutunan pahalagahaan ang isat-isa.
Kwentuhang walang patid mula sa nakaraan at karanasan
Mga tawanang mistulang
Walang katapusan
Kahit na abutin ng kalhating buwan ang message ko bago mo ma replyan
Sabi nila,kapag nahanap
Mo na daw ang tunay na pag-ibig
Ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa.
Kaya't langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin Ng kusa
Minsan akoy nagtakat
Nagtanong
Saang sulok ng langit kaya ikaw naroroon?
Malapit ka kaya sa araw?
Na mahirap puntahan at matanaw?
O marahil nasa tabi ka lang ng buwan, na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay iyong mimasdan.
Pero maaari ding ika'y kapiling ng mga bituin na napakaraming nais mang angkin.
San kita makikita?
Sa mga panahong hindi pa
tayo muling nagtatagpo,
O
Sa mga panahong ikaw sakin ay napakalayo
Kaya kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may sabwatan
Sa pag iibigang ito
Matagal na pala kita dapat niligawan
Dahil Bumaliktad man ang mundo,
Mawala man ang lahat sa tabi mo, Mamamahlin kita na kayang
Ihinto ang oras,
Para lamang maibigay sa iyo at maipamalas.
Upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ng tadhana
Akoy magiging mabuting kabiyak at kapag nasisilayan kay magagalak at sisikaping kayang ibigay ano mang hilingin at kailanganin
Kayat sa wakas eto na.
Dumating na ang inaasam na pagkakataon
Puso ko'y tinatambol
At tiyan koy ina alon
at tadhana'y tila naghamon
Isang importanteng okasyon
Ang magaganap
Ngayong bakasyon
Na magiging okasyon
Ninyo taon taon
Dalawang taong nag mamahalan
Pag iisahin ng may kapal
Mag pakailanman
Aug 20, 2019
Aug 20, 2019 at 6:33 AM UTC
Ang oras ay tumatakbo,
Ito ba'y hinahabol mo?
Baka iba yung direksyon mo?
Ikaw ba'y nakakasigurado?
Baka malingat ka?
Ika'y napang-iwanan na pala,
Baka di mo mamalayan,
Ikay matagal na palang iniwan.
Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na?
Magmumukmok, iiyak at magsisisi ka ba?
Baka masayang mo lang oras mo,
At mapangiwanan ulit ng panahong panibago.
Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na?
Naisipan mo bang muling mag-umpisa?
Huli na ba talaga ang lahat pati sa panibago?
Di ba pwedeng kalimutan ang nakaraan at gumawa ng bago?
Huli na ba para sa panibagong pagkakataon?
Pagkakataon upang ipakita na di ka katulad nung kahapon,
Dahil araw-araw ang tinatahak na daan ay nag-iiba,
Di mo alam kung ano ang sayo'y babangga.
May 1, 2017
May 1, 2017 at 2:25 PM UTC
Simula ngayon,
Pipilitin ko,
Gumising,
Sa mundong wala sa bukas mo
Simula ngayon,
Pipiliin kong,
Mamatay,
And damdaming niyakap ilang taon
Simula ngayon, ako’y magsisimula muli
At gaano man kabagal, ay bubuhaying muli
Ang pagkatao kong nawala sa ngalan ng dating pag-ibig
At alam mo balang araw, ako’y lilipad muli
Ng walang sakit, ng walang pait
Ng dating pag ibig
Simula ngayon, ako’y magsisisi...
Apr 1, 2023
Apr 1, 2023 at 4:14 AM UTC