Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Daniella Torino Jun 2017
Naaalala ko
kung paanong lumusong sa dalampasigan
ng walang kasiguraduhan,
naglakbay sa ilalim ng mga madilim na ulap
sa likod
pilit na itinatago ang mga bituing
sinusubukang abutin
ang daang hindi alam ang pupuntahan
kung mayroon nga bang walang hanggan o mayroong patutunguhan,
sa pag-asang mahahanap din
ang hindi matagpuang kakulangan.
Nagbabakasakali
sa karagatang hindi maalon,
malayang naggagalugad,
sumasandal at yumayakap ang malamig na tubig
sa maligamgam at aligagang kaluluwa,
hindi mapakali,
kung paano nga bang makararating o madadatnan ang pampang.
At unti-unti,
naririnig ang bawat hampas ng lumalakas na alon
kasabay ang mababagsik na hanging may dala-dalang unos,
ako’y hinahaplos,
lumulubog
at naghihikahos,
hindi makahinga,
humihiling
na sana’y rito na matapos
ang paghahalughog na hindi matapos-tapos.

Pero tapos,
hindi pa rito magtatapos,
bubuksan ang mga mata
ngunit hindi makita-kita
ang puwang sa pusong hindi mapunan
ng kakaibang dulot ng panitikan,
ng sining na nagpapaalalang napakaraming bagay pala
ang hindi maipakikita o mabibigkas
sa likas na paraan na alam ng tao,
na sa kahunghanga’y naniwalang
ang sining at pag-ibig ay walang pinagkaiba;
sa pagbili ng paboritong libro
habang inaamoy ang kakaibang
halimuyak na dala
ng mga papel na may bagong imprenta,
sa proseso ng pagkabuo at pagkawasak
mula sa mga salita’t tugma
hanggang sa ito’y maging tula
dahil kahit bali-baligtarin ma’y pipiliin pa ring
makulong sa isang tula,
itinatatwa
ang mga panandaliang tuwa
sa pagitan ng mga delubyo’t sigwa.
Lumulutang
sa mga pighati,
pasakit,
pagkadapa,
pangamba,
pangangatal,
paglisan,
pagkapagod
at pagkatalisod.
Kaya ako’y pipikit na lamang,
susubukang umidlip,
o matulog nang ilang oras,
walang pakialam kung abutin man ng ilang araw o dekada,
tatangkaing matagpuan ang patlang sa panaginip,
sa pagitan ng bawat malalim na buntong-hininga,
sa lingon, baka hindi lang nahagip ng aking mga mata
o baka nakatago sa paboritong sayaw at mabagal na musika,
sa bawat patak ng luhang hindi na mabilang
kasabay ang ulang panandaliang kanlungan,
sa anino ng bahagharing hindi alam ang pinanggagalingan.
Hindi ko na alam
pero susugal na matagpuan
ang katiyakan sa walang katiyakan
sa panaginip at bangungot na walang katapusan.

Tapos heto,
hinahanap pa rin
ang halaga ng halaga
ang tula ng tula
at ang ibig ng pag-ibig.
Patuloy lang na hahakbang,
mula sa kinagisnang tagpuan,
magpapabalik-balik,
pagmamasdan ang hungkag
na sarili na nasa katauhan ng isang katawan
kung paanong mamamanghang paglaruan
ng dilim na magwala ang kaluluwang nawawala.
Umaalingawngaw
ang kalungkutang matagal nang gustong lumisan
sa pusong ang tanging alam lang
ay ang hindi na muling paglaban,
bilanggo ng mapanlinlang
na ligayang kumukupas
at nag-iiwan ng malalalim na bakas.
Tumatakas
ang inakalang kasiyahan
na kadugtong pala ay kalumbayan,
ang liwanag ay kapatid pala ng kapanglawan.
at ang paghahanap ay kasunod ang kawalan.

Ngunit,
ako'y paikot-ikot lang dito,
umaalpas,
naliligaw sa isang pamilyar na kapilas,
mag-iba-iba man ng anyo ang simula’t dulo,
iiwan sa kawalan ang ilang libong pagdududa
sapagkat sa isang bagay lang ako nakasisiguro:
daan ko’y patungo pa rin sa’yo.

Maligaw man
o maiwan akong mag-isa sa tuktok ng kabundukan,
lagyan man ng piring ang mga mata,
harangan ng tabing ang lansangan,
umusbong ang malalaking gusali ng palalong hiraya,
alisin man ang lahat ng aking alaala,
makakaya pa ring sumayaw sa panganib na nagbabadya
dahil hindi na ako nangangamba,
alam kong ako’y iyong isasalba.

Kaya taluntunin man nila
ang mapa
ng aking napagal na puso,
ngingiti lang ako at sasabihing:
“ikaw ang dulo, gitna, at simula”.
Walang humpay mang umagos ang luha,
wala nang palalampasing pagkumpas
ng iyong mga kamay
sa aking tinatahak na landas
dahil ipilit man ng kalawakan
ang ilang libong katanungang
parating naghihintay ng kasagutan,
ikaw at ikaw lang
ang tanging sasapat
sa sagot na hinahanap.
Paikutin man
sa kawalan,
sa pagkukubli,
wala nang pagkabalisa
dahil ngayon naiintindihan ko na
ang bawat tamis at pait,
lungkot at saya,
pighati at ligaya,
pagkabagot at pagkasabik;
at ang bawat sandali pang darating.
at ngayon,
nahanap din kita.
Mali, matagal mo na akong natagpuan.
At nalaman ko na sa gitna ng mga sandali
ay naroroon ang ating walang hanggan,
sa iyong piling.

Kaya
magsimula man muli sa walang kabuluhan,
gitna o dulo ng paroroonan,
mananatili lang na
magpapahinga ang pusong
nanghihinawa
sa dala **** ginhawa.
Ngayon,
naiintindihan ko na -
na sulit ang lahat
at maligaya ang aking paglalakbay
sapagkat
sa wakas, nakarating din ako sa aking tahanan – ang PAG-IBIG mo.
Prince Allival Mar 2021
Nakikita niyo akung naka ngiti
Mga ngiting to kay dami nang ikinubli
Mga damdaming di na masabi
Siguro habang buhay na itong mananatili

Naririnig niyo ang malakas kong tawa
Sa likod nito ay may malaking problema
Na sa tuwing ako'y mag isa
Hindi tawa kundi patak nang mga luha

Ngiti, kahit labis nang nasasaktan
Ngiti kahit wala nang matatakbuhan
Ito lang ang naiisip kong paraan
Upang di mapansin ang aking pinagdaraanan

Ngiti, kahit luha mo'y pumapatak na
Ngiti, kahit di mo na kaya
Huwag mo nang ipakita sa kanila
Ang iyong pusong sugatan na

Ngiti para sayo aking Sinta
Ngiti upang lahat ay maging masaya
Kahit damdamin ay kumikirot na
Di bale na, napasaya naman kita

Ang mga ngiti ay marami nang naitago
Isa na ang mga damdaming di na mag lalaho
Ang nararamdaman ko sayo'y di pa nagbabago
Mahal parin kita nang buong buo Vanessa Alba  

Pinilit mang sukuan at kalimutan ka
Ngunit di ko magawa-gawa aking sinta
Para bang ako'y nakakulong sa silda
Sa pag ibig ko sayo'y hindi makawala

Hanggang ngayo'y ngiti ang aking Sandata
Pilit nilalabanan ang kirot na nadarama
Umaasa na ikay muling makasama
Ipagpatuloy ang Pangarap na binuo nating dalawa ❤

Ngiti hanggang sa mapawi ang aking Pighati
Ikaw lang magpapabalik ng Tamis na Ngiti sa aking mg Labi.
#NgitiKahitMayPighati
Chi Jul 2017
Pinilit kong sabayan, ang takbo ng panahon
Nagbabakasakaling malilimutan ka rin
Ginawa na ang tamang desisyon
Na sarili naman ang bibigyan ng pansin

Sinusubukang kalimutan ang mga alaala
Na magpapabalik ng aking dadamdamin
Idinilat ko na ang aking mga mata
Sa mga bagay na maari kong sapitin

Tinahak na ang daan ng hindi ka kasama
Nang hindi lumilingon pabalik sa iyong mga mata
Sinubukan ko
At pilit na sinusubukan

Subalit ito ako, nagaantay sa dati nating tagpuan
Lugar kung saan kita unang nakita at nakilala
Lugar na aking kinamumuhian
Dahil dito, dito mo din tinapos ang lahat

Mahal, hihintayin kita
Hihintayin ko ang pagbabalik mo
Hihintayin ko kahit imposible naman ito
Hihintayin ko na sabihin mo ulit na mahal mo ako
Maghihintay ako

Ngunit mahal, hindi ko maipapangako
Hindi ko maipapangako na hindi ako mapapagod
Hindi ko maipapangako na hindi ako dadating sa puntong aayaw ako
Dahil mahal, tao din ako

Gusto ko din na pahalagahan ako
Gusto kong mahalin ako
Yun nga lang gusto ko galing sayo
Pero sabi nga nila, mahalin mo muna ang sarili mo

Kaya mahal, maghihintay ako
Habang minamahal ko ang sarili ko
Ngunit kung hindi na kita kayang hintayin pa
Sana mahal, maintindihan mo
Dahil mahirap ang dinanas ko para lang makuha yang pagmamahal mo

— The End —