Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Gat-Usig Oct 2013
Aniversari ng Mag-jowa
Mansari ng Mag-jowa,
Valentayns Dey
Sa loob ng bartolina.


May wan en onli,

Kahapon kaututan ko si Bebot,
Nakaposas ang mga kamay at 'di makakilos
Nakatali ang mga paa sa kadenang
May bolang bakal,
Si Bebot ay matitigok na.
Nagkaututan kami sa gawing madilim,
Tangan ang Gud Morning,
Pamunas ng luha.
Humahagulhol dahil kay Dok Puti,
Hinahanda na nito
Ang kanyang kahahantungan,
Said na said ang mga hikbi;
Pinid na pinid ang mga kagalakan,
Gustong pahintuin ang bawat saglit.
Di mapigil ang hatol,
Nasa dulo ng karayom
Nakasalalay ang lahat;
Unti-unting naniningkit si Bebot,
Ginagapos na siya ni Dok Puti sa katre;
Walang sinuman ang makakaampat
Sa naturang likido.
Kahapon, kaututan ni Dok Puti si Bebot.
"Lav, sapitin mo nawa ang iyong katahimikan."


Sa Valentayns Dey,
kahit sinong mag-jowa.
-  Juan Dela Cruz, M.D.


P.S.
Alay sa bawat magkasintahang pinagtagpo't
pinaglayo ng pagkakataon.
Random Guy Oct 2019
bawat tadhana ng isang tao ay kakabit ng isa
parang natutulog na magkasintahang nagpapalitan ng hininga
kaya nung maghiwalay tayo
ay mas nawalan ako ng tulog sa pagbabakasakaling babalik ka pa
solanamalaya Mar 10
ako'y bunga ng magkasintahang puno ng pagmamahalan
at nag pasyang ipasok sa mundong ating ginagalawan
siyam na buwan, dala sa tyan
nahihirapan at tila puputok na ang panubigan

halos iyong tiniis
upang mailabas lang ako
salamat at nandito nako sa bagong mundo
sana huwag ng tumigil ang oras ginto

bawat iyak ng sanggol
ay syang hindi matumbasang tuwa ng ina.
sapagkat may isang anghel
ang bumaba at ibinigay sakanya ng diyos ama

lumipas ang ilang taon
dose anyos palang ako non
kinailangan **** makipagsapalaran
sa ibang bansa na kung saan hindi mo naman sinilangan

para sa aming pangangailangan
hindi kana nag alinlangan
kahit na mabigat ang pasan
oportunidad nandyan hindi mo na natanggihan

aming naiintindihan
sapagkat kami'y may isip at malaki na
lungkot na aking naramdaman
nung ika'y papaalis na
at kitang kita ang pagpatak ng luha sa iyong mga mata

sa pag tapak sa bansang iyong tinahak
salubong sayo ay malamig na hangin
masakit sa damdamin pero ginawa mo ito para samin
palagi ka namin isasama sa aming panalangin
salamat sa mga padala upang may ihain na pagkain

hirap at lungkot iyong dinaranas
sa gabi ay lumuluha, kumot ang nagsilbing pamunas
halos ulam mo nalang ay tuyo't sardinas
para may mapadala sa pamilya **** nasa pilipinas

kahit magkasakit sa amo tahanan
hindi ka sumuko at tinuloy mo parin ang laban
pagod at hirap merong hangganan
lahat ng ito ay malalampasan sa pamamagitan ng iyong sandata
sandata na tinatawag **** "pamilya".
05/10/20

— The End —