Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
wizmorrison Jul 2019
Akala ko dati ay tama ang pinasok ko,
Ngayon sa aking pag munu-muni’y aking napagtanto
Hinyaan kitang pumasok sa puso ko
Di ko alam na ito’y wawasakin mo.

Noon ako ay nagpakatanga sa iyo
Marahil ay mahal kita kahit ika’y gago…
Noong panahon na lumisan ka
Lahat ng pagmamahal ko saiyo ay nawala.

Noon ay nanumpa ka’t nangako
Hindi ko alam na ito pala’y mapapako,
Sabi mo hindi mo ako sasaktan, alam mo bang sa ginawa
Mo ay para mo na rin akong sinasakal?

Para kang kabute na sumulpot sa kong saan
Ngunit bula namang maturingan;
Pinaghirapan mo akong madungkit ang masaklap lang
Ay binitiwan mo’t di na nagbalik.

Sa tuwina ay maririnig ko
Ang malakas na batingaw sa isang sulok
“TangaLang, TangaLang, TangaLang”
Napatawa na lang ako at napatungo, parang tanga lang.
XIII Nov 2019
Tinanong ako ng palubog na araw,
"Bakit narito kang muli?
Sa sampung beses mo akong dinalaw,
isa lamang doon ang may dala kang ngiti."

Natawa ako sa katotohanan
Oo nga, hindi ko maikakaila
"Ika'y aking tinititigan,
kaya lamang mukhang may luha ang aking mga mata."

Tila nanginig ito sa halakhak
Alam n'ya ang kasinungalingan
Na kinumpirma ng isang patak,
dalawa, tatlo... hanggang 'di na mapigilan

Binigyan n'ya ako ng maraming kulay bilang sagot
Pilit pinapakita ang ganda sa kabila ng lungkot
Ngunit ang tanging nakikita ay ang lungkot sa likod ng ganda
Ganoon nga siguro talaga kapag nasasaktan ka

Lumisan ako nung lumubog na s'ya
Ngunit iniwan n'ya ang kasiguraduhan
Na naroon lamang s'ya
Upang aking balikan

Umaasang sa aking muling pagbabalik
Ang isa sa sampung beses ay maging dalawa
At madagdagan pang hitik
"Oh haring araw, nawa'y magdilang anghel ka."
© Cepheus June 4, 2019
sayrinne Apr 2020
1
saya, asan ka na ba?
pati ika’y lumisan na,
sinama aking sinta,
sana’y maibalik pa.

dating tayo’y maibabalik pa ba?
dating mga sulyap, miss ko na
dating mga ngiti na may totoong saya.
mahal, ako ba’y mahal mo pa?

mahal mo ba ako dahil mahal mo ko?
o mahal mo ko dahil ako laging nasa tabi mo.
araw araw pinili, di kinailangang ipilit.
ayaw kitang iwan, ngunit mata’y ipikit.

paalam sa mga naging sandali,
sandaling hindi ko maipagpapalit.
sana ika’y sumaya,
kahit hindi na ako ang kasama.

paalam sa mga panahon na sumaya,
kahit naging panandalian pa.
salamat sa lahat, sinta
sana’y ipinaglaban pa.

naibigay sa iyo lahat,
ngunit hindi pa ba sapat,
para ako’y mahalin nang tapat?
pagbalewala saki’y hindi dapat.

binuo ang isa’t isa,
tuwing kasama ka’y masaya
tuwing nag-iisa’y naiisip ka,
mahal, ako ba’y naiisip mo pa?

nasirang tiwala,
mahirap nang buohin pa.
nasirang pangarap,
tutuparin ay mag-isa na.

salamat sa lahat,
mahal, ika’y naging sapat.
mahalin ka’y karapat dapat
patuloy na mamahalin, kahit hindi na dapat.

kasama ka sa lahat,
wala nang hahanapin pa sa iba
mga oras na hindi nagkakaintindihan,
sana’y inayos pa.

pag-asa, anjan ka pa ba?
dapat bang isuko na?
laban nating dalawa,
iniwan akong nag-iisa.

sarili’y hahanapin lang, ika nga nila
ako’y hindi maghahanap ng iba
sayo lang nakita ang saya
ngunit mahal, bakit may siya?

sana’y lumaban pa
kung kinaya lang sana.
sinta, ako’y napagod na,
maaari bang magpahinga?
pour vous
Kurtlopez May 2023
Bibilang ng lima
upang sarili'y mapakalma
sabay bugtong-hininga
mga luha'y nagsitulo na pala
dahil hindi na kinaya ang sakit na dala,

akala nila wala akong problema
akala ng iba ako ay masaya
akala nila wala akong iniinda
nasanay kasi silang lagi kang nakatawa
nasanay kasi silang lagi kang masaya
nasanay kasi sila na ganyan ka,


napakahirap na sitwasyon
hindi nila alam na saking pag ngiti
sa loob nito'y pighati
iniisip ng iba na nagbibiro lang ako
iniisip nila na hindi ito totoo
pero hindi nila alam unti-unti na akong pinapatay nito,

dinadaan ko nalang sa pagpapatawa
upang ang iba'y mapasaya
ngunit sakabilang banda
ay may salitang nag nanais na "ako naman sana."

nag tatago sa bawat ngiti sa labi ko
ang sandamakmak na problemang pasan-pasan ko
sakabila ng aking pagtawa
ay may lungkot na dinarama,

ginawa ko naman ang lahat,
ngunit bakit hindi parin sapat
hindi ba nila nakikita
o ayaw lang talaga nila bigyang halaga,

siguro nga talagang walang nagmamahal sakin
dahil walang umiintindi
sa aking pag inda
lunod na lunod na ako sa kalungkutan
labis-labis na akong nahihirapan,

puso ko'y hirap na
Ayoko ng magpanggap pa
magpanggap na masaya ako
sa harap ng iba
dahil ang totoo, halos 'di ko na kaya,

ako'y biktima ng sarili kong kalungkutan
biktima ng kahibangan
biktima ng kapighatian
biktima ng pusong mapanlinlang
at biktima ng isip na nais ng lumisan,

hindi ko na kilala kung sino ako,
hindi ko na kilala ang sarili ko
kailan ba ako makakatakas dito
sa higpit ng kadilimang
bumabalot sa isip ko

alam kong hindi ko na kaya
pero kakayanin ko pa
kakayanin kong muling
makatayo sa sarili kong mga paa
upang masolusyonan
ang aking problema

kakayanin kong lumaban
dahil ayaw kong maging talunan
at hinding hindi ako magiging talunan
kakayanin kong labanan ang lungkot
upang hindi na ako tuluyan nitong mabalot,

alam kong may kwenta
akong tao dito sa mundo.
alam kong may nagmamahal
pa sa akin ng totoo
alam kong ang Diyos ay
lagi kong kasama sa lahat ng dako
alam kong Sya ay laging nasa tabi ko
alam kong yayakapin
nya ako sa bawat pighating ito!

hindi ako magpapalamon sa aking depresyon
lalaban ako kahit problema'y
kasing lakas ng alon
lilipas din ang hapti ng kahapon
hindi man ngayon
ngunit darating ang bukas
at itong kalungkuta'y magwawakas.
Brielle Dec 2023
Ang buhay ay parang isang nobela,
May mga karakter na papasok sa kwento mo,
Meron silang layunin na gagampanan
Pero hindi magtatagal, sila'y lilisan rin.

Unang kabanata, nandyan na ba sila?
Anong klaseng karakter kaya ang isinulat ng manunulat?
Maisasama ko kaya sila sa kwento kong maulap?

Pangalawang kabanata, meron pa pala.
Anong klaseng aral kaya ang hatid nila?
Hanggang dulo na ba sila?

Pangatlong kabanata, ay dinagdagan pa pala niya.
Hindi ka ba nauubusan ng iisipin, aking manunulat?
Kailan ka kaya mapapagod?

Pang-apat na kabanata, may bago ng pahina.
Anong usapan kaya ang magbibigay kulay sa pahinang ito?
Ikaw at ako, siguro.

Pang-limang kabanata, dagdagan mo pa.
Anong suliranin naman kaya ang maisusulat mo manunulat?
Sana, wag mo akong pahirapan.

Pang-anim na kabanata, kamusta ka na kaya?
Maitutuloy mo pa kaya ang pahina?
Tinatamad ka na bang magsulat?
O naubusan ka na ng tinta?

Pang-pitong kabanata, ang saya.
Salamat manunulat sa pahinang ito,
Patuloy mo pa kaya akong bibigyan ng biyaya? Para matuloy ang ligaya?

Pang-walong kabanata, kay saya naman sa isang nobela
Ang manunulat na ang bahala,
Bahalang mag plano kung anong mangyayari sa kabanata.

Pang-siyam na kabanata, nasa gitna na ba?
Nasa simula pa ba tayo, manunulat?
Kailangan ka kaya mapapagod sa pag-uulat?

Pang-sampung kabanata, bakit naman ganon manunulat?
Ang dami mo namang binigay na problema,
Simple lang naman ang hiniling ko,
Na wag mo akong pahirapan.

Ikalabing-isang kabanata, may tutulong kaya?
"Sino kaya ang tutulong sakin?" Napaisip ang karakter
Manunulat, bibigyan mo pa ba siya ng ligaya?

Ikalabing-dalawang kabanata, saan pa ba patungo ang nobelang ito?
Lahat ng karakter ay lumilisan na,
At nag-iisa na ang pangunahing karakter
Maawa ka naman, aking manunulat.

Ikalabing-tatlong kabanata, may katapusan pa ba ang nobelang ito?
Napapagod na ako, aking manunulat
Bigyan mo naman ako ng pahinga.

Tama na, manunulat.
Nagsusulat pa ba tayo dito ng nobela?
Bakit lahat sila'y lumisan na?
Akala ko ba, hanggang dulo na sila?

Teka, nasa loob ba ako ng nobela?
O sinasalamin ko lang ang sarili ko sa isang nobelang nabasa ko
Tama nga ako, ang buhay ay parang isang nobela,
May sarili itong simula, gitna at wakas
Na akala natin ito'y patuloy na mag-uulat

Naalala ko nga pala,
Ako nga pala ang sarili kong manunulat
Ako ang mag-uulat sa buhay kong maulap
Naalala ko, tayo nga pala ang gumagawa sa sarili nating kahulugan.

Hindi mo naman makikita ang kahulugan mo,
Kung hindi mo bubuksan ang isip mo
At kung hindi mo dadamdamin ang puso mo.

Oh sige na aking manunulat,
Ituloy mo na ang iyong pag ulat
Sa karakter na nais **** bigyan ng kahulugan,
Sa karakter na nais **** maulat.
Sa iyong sariling nobela.
Gamaliel Jan 2021
Payapa at banayad na takipsilim,
ikaw ang aking tanging nililihim,
kay sarap manatili sa iyong lilim.

Ang mga ugat ng ating kwento ang saksi sa mga pangakong sinambit nating dalawa ng taimtim ngunit dumating ang panahon na ika'y lumisan at nag-iwan ng mga sugat na patuloy pa ring lumalalim.

Bakit lahat ay nagdilim?
Paglisan
Yhinyhin Tan Aug 2022
Ah ngayon mas nauunawaan ko na kapag sinasabi nila na, "Sana umalis ka na lang ng dahan-dahan, hindi ang mabilis hindi rin iyong biglaan."

Dahan-dahan na para bang ipaparamdam mo muna sa kaniya na nanlalamig ka na.

Unti-unti na kulang na lang sabihin mo sa kaniya na wala ka ng gana.

Sa malumanay at hindi sa dahas **** papataying ang pag-ibig niya para sayo hanggang sa kaniyang mapagtanto, "Ayoko na, pagod na ako!"

Iyon na rin ang pagkakataon mo para lumayo at lumisan sa kaniyang kanlungan.

O 'di ba nagtagumpay ka sa pag-alis mo ng dahan-dahan.

Sa isip mo, hindi na siya gaano naman masasaktan.

Dahil unti-unti **** inubos ang pag-ibig niya na sa'yo'y inilaan.

Kaya naman sana mas maging  masaya ka na
dahil ngayon pinalaya ka na niya ng tuluyan.

Salita | Ate Yhin
08162022924am
Joe Sep 2021
Ilang araw na ang nagdaan
Nang ikaw ay lumisan
at iniwan kaming luhaan
Sobrang bilis, tila ba biglaan

Tatlong awit ang iyong iniwan
Paulit ulit na pinakikinggan

Bakit bigla kang nangiwan?
Naisulat ko ito nitong nakaraang taon pagkatapos mabalita ang pagkawala ni emman.
Krad Le Strange Nov 2017
Kung saan ako lumisan
Doon ka natagpuan
Sa lugar na sabi ko'y hindi ko na babalikan
Biglang nakita ko na lang
ang aking sarili na paulit-ulit
bumabalik para lang makalapit
at mayakap ka ng mahigpit kahit isang saglit
Aphrodite Jun 2020
Sa dinami-rami ng taong makikilala mo,
Doon ka pa nahulog sa taong hindi ka gusto,
Sa taong akala mo ay totoo,
Sa taong nangakong pag-ibig ay 'di magbabago,
Sa taong nangakong walang iwanan,
pero bigla na lang naglaho't lumisan.

Sa bawat araw na nagdaan, siya ay napapanaginipan,
Sa bawat segundo't minutong lumilipas, hinihiling na sana siya ay makapiling,
Sa bawat oras na 'di palagian , siya  ang gustong makasama,
Ngunit huli na, kasi masaya na siya sa iba.

Para sa taong nang-iwan, sana masaya ka,
Na kahit gaano kasakit,
Mas pipiliin ko pa rin na makita ang iyong mga ngiti,
Ngiting siya ang dahilan at hindi ako.
Tenshi Jun 2019
Ang langit at kalupaan
Sinuong ang walang hanggan
Nasan aking mahal
Ang pangako na sabi'y d wawakasan

Naglaho sa alapaap
Itinago sa mga tala
pag-ibig na laan lamang
Sa taong lumisan na lang

Ang pait ng tagpo
Mga ngiting nanibugho
Saya na hindi nabuo
Pagkat ako ay iniwan mo
Sa tuwing ako'y nag-iisa,
Puso ko'y humihiling na sana naririto ka,
Gusto kang mahagkan at makasama pa,
Hindi na litrato lang ang tanging alaala.

Ilang taon na akong nangungulila sa mundong ito,
Sino na ang makikinig sa aking mga kuwento?
Sa tuwing masaya at malungkot ako,
Ikaw lang ang nakaiintindi sa mga nararamdaman ko.

Maaari ko bang bayaran ang Panginoon?
Mahiram lang ulit ang buhay mo't panahon.
Gusto kong maibalik ang kahapon,
Nawa'y puwede pa kahit ngayon.

Hanggang ngayon, ako'y nalulungkot,
Mula nang lumisan ka, mundo ko'y tumigil na sa pag-ikot.
Hindi na kita makakasama pa sa ngayon,
Kaya’t sa tula na lang ibubuhos ang aking guniguni at emosyon.
Ang tulang ito ay isang elehiya para sa kaibigan kong ****—nilisan niya ang mundo noong taong 2022 kaya hinding-hindi ko siya malilimutan. Siya ang naging inspirasyon ko sa paggawa ng mga tula.

— The End —