Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"lagkit" poems
AKO’Y NAKA TINGIN SA LANGIT SA ITAAS NG BUBONG NAMING PAGKANIPIS NIPIS. TINATANAW KO ANG MGA PUTING HUGIS BULAK NA PAPALAPIT SA ISA’T ISA AT SAKA DUMIDIKIT. KAPAREHO NG MIGHTY BOND NA DINIKIT KO SA SIRA SIRA KONG SAPATOS, KAPAREHO NG KULANGOT NA PINAHID KO SA PADER NG ROOM NAMIN. KASING LAGKIT NG TINGIN MO SA TAONG WALA NAMAN GUSTO SAYO. PARA KA TALAGANG ULAP, KASING GANDA MO ANG ULAP. NAKAKA SILAW SA SOBRANG GANDA. MASAKIT PERO MASAYA. MARAMING TAO ANG DINADAAN KA LANG, YUNG IBA TUMITINGIN AT SABAY AALIS. PERO AKO ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG, KAHIT TIRIK NA TIRIK ANG ARAW. KAHIT MATUYUAN AKO NG PAWIS, KAHIT MABASA AKO NG ULAN, ANDITO PARIN AKO. TINITINGNAN KA SA MALAYO. KAYA KAPAG UMUULAN, MINSAN GUSTO KONG KUMANTA NG “PAIN, PAIN GO AWAY COME AGAIN ANOTHER DAY.” DAHIL AKO, AKO ANG UNANG MASASAKTAN KAPAG UMIIYAK KA. DAHIL SABI KO NGA KANINA UMARAW MAN O UMULAN ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG TINITINGNAN KA AT HANDANG SALUHIN LAHAT NG IYAK NA GUSTO **** IBUNTONG SA ISANG TAO. TANGA PAKINGGAN DIBA? SABI NILA SAKIN BAKIT KO DAW HAHAYAANG MAGKASAKIT AKO DAHIL SA ULAN, BAKIT KO DAW HAHAYAANG TUMAGAKTAK ANG PAWIS KO SA GITNA NG NAGTITIRIK NA ARAW KUNG PWEDE NAMAN DAW AKO PUMAYONG. OO NGA TAMA SILA. NAPAKA TANGA KO. DAHIL MAS GUGUSTUHIN KO PANG MABASA NG ULAN, AT MATUSTA DAHIL SA ARAW KESA HINDI KITA MAKITA. ULAP. KAHIT SAAN NAKIKITA KITA. IKAW? NAPAPANSIN MO KAYA AKO.
0
Feb 14, 2017
Feb 14, 2017 at 11:25 PM UTC
Ulap
Tayo na lagi na lang Napag-iiwanan, Nasa hulihan Sa karahasan, katamaran Nasa'n ang katapusan Natutulog? Hindi Tayo ay gising na gising Mulat ang mga mata sa katotohanan Pero Hanggang sa kasalukuyan Nakahiga Nakabaluktot Nakahandusay Sa kamang minantsahan Ng mga patak ng dugo at luha at Dinungisan Ng mga apak ng mga dayuhan Pati na rin ng mga tao sa sarili nating bayan Kasi naman Sino bang makakatulog dito Sa lakas ng sigaw Para sa tulong at hustisiya Sa ingay ng iyak ni bunso Para sa tatay na nawalay Sa lagkit ng dumi Na bumabalot sa pulitika Sa baho ng amoy Ng nabubulok na sistema Ilang daang taon, nakahiga pa rin Namanhid na ba tayo sa tagal ng panahon? Nabulag sa yaman? Nalasing sa kapangyarihan? Nahilo sa ikot ng mundo? O nawalan ng pag-asa na lang ba tayo? Gising pero hindi pa rin nakabangon Sa bayang hindi naman mangmang, Wala lamang pakialam
0
Nov 24, 2013
Nov 24, 2013 at 10:19 AM UTC
Tanghali ka na
Saksi ang buwan at mga bitwin sa araw ng tayo'y nagkakilala. Bawa't kilos at galaw, at tinginan ng mga mata. Saksi ang bawa't taong nakapansin ng lambing ng pag-uusap at kay lagkit ng mga tingin. Saksi ang mga nanood sa entablado kung pano mo siya napatawa sa isang eksenang sa script eh wala. Saksi ang mga guro't ka-eskwela sa isang pag-kakaibigang puno ng kalokohan at saya. Saksi ang mga kasama't kaibigan kung paano nag-simula ang di-inaasahang pag-iibigan. Saksi ang mga kapamilya't ka-opisina ang isang pag-sasamang puno ng hirap at ligaya. Saksi sila ng mga away at tampuhan na pilit nating nilampasan. Saksi ang buong mundo sa lahat ng gulong nadaanan, pero isang Saksi ang gumawa ng paraan. Naging Saksi ang Diyos ng mga pangakong binitawan, na di kailanma'y maghihiwalay anoman ang pagdaraanan. Kaya’t narito akong muli para tumupad ng pangako. Na buong buhay kang pagsisilbihan, mamahalin at di kailanman pa’y susuko. - July 8, 2010
0
Jul 7, 2010
Jul 7, 2010 at 10:27 PM UTC
9th at 8
Mata **** puno ng galit, Hindi alam kung nakatingin ba sa iba o nakapikit? Na sakin ay humahalinang mapapangakit Lagkit ng tingin sa aking damdamin ang kapit Sa mundo **** mapangpalit Ang tadhana mismo ang manguukit Kaya nawa'y magbigay ka pa ng saglit Kahit na ito sa iyo ay pilit Pinakahihintay ang pagdating Nagtagal na nga sa dilim Mistulang sa kanila ay iyong inilihim Ang iyong pagsibol sa takipsilim Sa mainit na hininga humihingi ng simpleng pakiusap Na ang kamusmusan ay manatili sa iyong hinaharap Ngunit sa dinidinig palamang, sila na ay hirap Sa mundo mo ay umaalis na ang ulap
0
Jan 14, 2019
Jan 14, 2019 at 2:18 AM UTC
Kapit