Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"katagalan" poems
*Lagi ka na lang nasa isip Sa gabi mangungulit ka sa panaginip Ayaw mo ba ako matulog? Eh halos mahulog Na ang cellphone sa mukha Kakatingin sa picture **** nakakamangha Walanghiya ang iyong mga mata Nakakabighani, parang diwata Nahihibang na ata     Ako pag ang labi mo'y mayroong kalungkutan Nais kitang hagkan ng may katagalan Hanggang sa maramdaman mo ay saya Dahil nandito lang naman ako talaga Kahit ini-SMALL ka nila IniiBIG naman kita*
0
Aug 27, 2015
Aug 27, 2015 at 3:45 AM UTC
Pag ibig nga naman
Minsan sa buhay natin, kahit alam natin na tag-araw, may iilang ambon o ulan na sa buhay nati'y dadalaw. Sa pagdating at sa pagbuhos ng ulan, May ilan naghahanap na punong masisilungan, ngunit di katagalan - sila'y mababasa't tuluyang mauulanan, pagkat di kaya ng mga sanga't dahon na saluin ang buhos ng ulan. May mga nakahandang armas na payong naman ang iba, ngunit mababasa naman ang kanilang mga binti't paa, na kung minsan sinasabayan ng malakas na hangin, na ang mga payong nila'y kayang liparin o sirain. Ang iba nama'y sa pagbuhos ng ulan - nagagalak, may parang lasenggerong tumitingala, sinasalo, sumashot na parang alak, may mga batang masayang naglalaro habang naliligo, na kung minsan nagtatampisaw sa mga inaipong ulan sa estero. Kung ako ang 'yong tatanungin, ang ulan nakatalaga sa bawat tao, Na kahit anong iwas mo - darating at darating ito sayo. ang mga patak nito'y sadyang maliliit - kapag ito'y patuloy na bumuhos, kung minsan ito'y mabigat at masakit. Kaya ang tanong ko sayo aking kapatid, Saan ka dito sa aking mga nabanggit? Na sa unang pagpatak ng ulan sa iyong bumbunan, Ano ang iyong gagawin at naiisip na paraan?
0
Sep 13, 2013
Sep 13, 2013 at 12:14 AM UTC
Ulan sa Tag-Araw
Maginaw ang hamog sa unang ulan ng Disyembre Naging kristal ang mga alikabok sa Hilaga Lumaganap ang kahel na tina sa dahon ng Makahiya Tumataghoy sa kweba ng kapusuan Ibigay ang sagot sa patlang na kalooban Himutok ay hindi na lumubay Nang natagpuan na mayroon ng kasintahan Napatingala sa langit na lipos ng estrelya Sa kubo na hinati ng dingding Sa loob ay ang buhay na ikinatha Sa kabila naman ay ang mga bagay na dapat ginawa Ngayon ay nagtagpo ang himakas at dagat Sa katagalan nang paghintay ng salita upang ibibigkas ay wala rin saysay sa kahuli-hulihan Sa tugmaang ito'y nasawan Wiligan ng bendita ang dating sanggol sa kamalayan Kipkipin at itago ang lampin Sa ambon, sa bintana ay napaisip Paano kung hindi natutong magmahal
0
Dec 30, 2018
Dec 30, 2018 at 4:21 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #37
*Kumapit ka sa isang patalim Paano mo ito naaatim? Sadyang di napansin sa katagalan Ang humuhupa kong kaligayahan Sa patalim ng pagmamahal ako ang nasa hawakan Sobra na ang pagdurusa mo kaya ito'y binitawan Mga isinakripisyo mo'y di na kayang pantayan Kaya ako'y humiwalay nang makalipat ka sa hawakan*
0
Oct 1, 2015
Oct 1, 2015 at 9:39 AM UTC
Dahil
**Kumapit ako sa isang patalim Kahit alam kong masusugatan ng malalim Nangakong hindi ito bibitawan Kahit ito'y mangalawang sa katagalan Sa patalim ng pagmamahal ikaw ang nasa hawakan Ngunit naisip mo pa rin na ito ay bitawan Hindi ba naging sapat ang aking mga naibigay? Na mas pinili **** bumitaw at humiwalay?**
0
Sep 21, 2015
Sep 21, 2015 at 5:33 AM UTC
Bakit
Naalala mo pa ba, noong magbukas ang Nagi? Pagkahaba pa ng pila, umabot ng Yabu dati. Kahit pa nga yata Yabu, ay kayhaba din ng pila Araw-araw laging ganyan, kaya dapat maaga ka. Sa katagalan pagdaka ay nagkaupuan na nga Ang babae ay sisigaw, at susundan ng iba pa Bigay todo ang pagbigkas, tila baga walang bukas Rinig mo ang tinig nila kung ikaw ay nasa labas. Sunud-sunod na araw pa, na kami ay nasa Nagi Itanong mo pa kay amo, siya po ang aming saksi. Kung paanong alas-onse'y, naghihintay na ng taxi para sa pila'y mauna, at nang makakain kami. Ilang buwan din siguro ang sa mundo ay dumaan na ang pagdalaw sa Nagi ay biglang naging madalang Na mula sa bawat araw, ito'y naging linggo-linggo Kalaunan pa ay naging Enero, Pebrero, Marso. Lumipas ang mga taon, at ngayo ay Pebrero na. Ngayon na lang uli kami doon sa Nagi nagpunta. Ang dating mahabang pila, ngayon ay tila wala na Alas-dose na noon, tanghali na po partida. Noong pumasok na kami'y sumisigaw pa rin sila ngunit dinig mo sa boses na ang sigla ay wala na. Kahit yung pitsel ng house tea na laging inihahanda Ngayon baso-baso na lang, tapos manghihingi ka pa. "Nakakain na po kami, puwede bang bukas na lang?" "Mayroon na n'yan sa Mega, pati na sa Katipunan" "Huwag ka nang magmadali, hindi na dapat agahan" "Kahit anong araw pwede, kasi nandyan lang naman 'yan". Tayo'y magaling lamang ba, kapag bago at simula kapag bago sa paningin, kapag bago sa panlasa? Na 'pag nilamon ng oras o kinasanayan mo na ay tila pinagsawaan at pinagwalang bahala. Kailan kaya darating, ang sa aki'y tinadhana na sa aking pagtangkilik, hindi ako magsasawa? Na kapag nakita ako'y ramdam ko ang galak niya at ang puso ko'y lulukso marinig lang ang ngalan n'ya. Malamang ay naglalaro ngayon sa iyong isipan "Tungkol pa rin ba sa Nagi, ating pinag-uusapan?" Huwag mo na itong isipin, sagutin mo na lang ako may pila pa kaya ngayon, sa bagong tayong Ippudo?
0
Feb 12, 2016
Feb 12, 2016 at 4:48 AM UTC
Nagi

Continue reading...
40
Sino nga bang bumitaw? Sino nga bang kumakapit pa? Sila ba'y magkahawak pa? Magkahawak sa isa't isa. Ang pagtingin nila'y magkaiba, Magkaiba ang bawat isa, Bumitaw kasi siya raw ay salawahan, Kumapit sya dahil sa katotohanan. Ang bawat tauhan ay may sariling storya, May sariling kwento kung saan sya ang bida, Sa kanya umiikot ang mundo, Para bang ang mundo ang kanyang tagasuyo. Dalawang storyang nagtagpo, Dalawang storyang sa isa't isa nabunggo, Nagkatitigan at nagkasalubungan, Nagkalapit ng di katagalan. Ngunit sino nga ba sa dalawa? Ano nga bang ginawa ng bawat isa? Iyan ang di ko pa alam ng lubos, Kahit ako ang isa sa may tangan sa isa sa mga storyang nag krus.
0
Aug 27, 2017
Aug 27, 2017 at 4:47 PM UTC
Kapit
Sumusulat s'ya sa akin ng liham, Ngunit ayaw n'yang ipaalam Tinatanong ko s'ya kung ano iyan Ang sagot n'ya'y 'di n'ya alam Sa katagalan gusto ko malaman Binasa ko ito ng 'di n'ya alam Nalungkot ako sa aking nabasa't nalaman, Sapagka't ako'y kaniyang iiwan Ngunit sa dulo'y ako'y naging luhaan, Sapagka't may sakit s'ya at walang gamutan Akala'y kami'y walang hangganan Ang isa pala'y mamamatay at ako'y iiwan.
0
Mar 20, 2018
Mar 20, 2018 at 11:19 AM UTC
Paalam
Dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon. Nasanay na rin akong umupo sa tabi nila; makinig sa kanilang mga istorya, tumawa nang tumawa dahil posibleng hindi na ito maulit pa, gumamot ng mga sugat, at kasabay ng mga ito ay ihanda ang sarili sa salitang "paalam". Nasanay na ako—pero nakakapagod din pala. Nakakapagod palang maglaan ng oras sa isang taong alam **** anumang segundo ay maaaring magpaalam na. Nakakapagod palang makinig sa mga kuwento niya habang hinahanap ang lugar mo sa kanyang kasaysayan, habang napapaisip kung babanggitin ka rin kaya niya pagkatapos ninyong maghiwalay ng landas. Nakakapagod palang buksan ang buhay mo para sa isang tao kung sa simula pa lamang ay batid **** bubuksan mo rin ulit ang pinto, sasamahan siya palabas, ihahatid sa sa tarangkahan, at tatanawin hanggang mawala sa iyong paningin. Iniisip ko palagi kung bakit hindi sila nagtatagal. Bakit palagi akong iniiwan? Bakit paulit-ulit lamang ang itinatakbo ng bawat kuwento? Iba't ibang tao, iisa lamang ang nagiging dulo. Sa katagalan ay nasanay na ako sa pagtatapos, iyong tipong nagsisimula pa lamang ay tinatanggap ko na ang pagwawakas nito. Dahil dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon. Kailan kaya ako magiging destinasyon?
0
Aug 10, 2023
Aug 10, 2023 at 9:40 AM UTC
Destinasyon

9