Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kalokohang" poems
Ako si reyna makata, gagawa ng isang tula Na gagawin para sa madla, tunay ngang walang paglagyan aming kaligayahan Nang bawat isa'y nasilayan, walang humpay na kalokohan Dulot ay saya saming samahan, kalokohang minsa'y nauuwi sa pikunan Ngunit, sa huli'y nanaig pa rin ang pagkakaibigan
0
Dec 1, 2015
Dec 1, 2015 at 10:37 PM UTC
Masaya Lang
wag **** ipilit at baka lumala baka mawala nanaman yan na parang bula ang kulay ng paningin niya sayo ay pula siguro masmakakabuting idaan mo na lang sa isang tula patawad sa mapaglaro kong pagiisip hindi ko inakalang itoy iyong pagkakatitigan kabayaran para sa aking kasalanan ay di ko nasilip kalokohang taglay sadyang hindi ko mapigilan pahupain ang alon, patayin ang apoy isabay mo sa hangin ng oras at panahon puro ka kasi kalokohan ayan tuloy! wala akong maisip na katunog ng panahon itong tula na to ay para magsorry talaga sayo pero alam kong makukulitan ka lang makulit talaga ko, hindi lang talaga ko mapakali gusto ko kasi peace tayo palagi sapakin mo na lang ako pag nakita mo ako wag lang yung ganito, silent treatment torture, gusto pa naman kitang palageng kausap kahit wala na sa rhyme tong tula na to gusto ko lang talagang magsorry
0
Feb 28, 2011
Feb 28, 2011 at 6:30 AM UTC
Sorry na . . .
Ang buhay nga naman, Puno ng lungkot at kaligayahan, Subalit wala tayong magagawa, Tiisin nalang kung ano ang mapapala. Diyos ko, ako'y tulungan nyo, Sa aking landas na tinutungo, Landas na puno ng sagabal, Mga sagabal na susubok kung ako'y mapapagal. Dahil ang katotohanan ay di ko maitatanggi, Katotohanang ikinubli sa mga tawat mga ngiti, Ang katotohanang ako rin ay nasasaktan, Dahil sa damdamin kong nanlalaban. Minsan di ko maiwasan, Na masabi ang tunay na nilalaman, Ng puso at di ng isipan, Kaya minsan, ginagawang katatwanan. Ika'y kasapakat ko sa gawaing ito, Ang sinasabihan ko ng mga naturang biro, Ang nakikisabay sa aking mga kalokohan, Kalokohang minsang ginusto kong maging katotohanan. Sa kasamaang palad, ito ang katotohanan, Ang minsang inisip matapos magtawanan, Ang di ko naman maipagkakailang nakakatawa nga, Ngunit di ko inaasahang puso ko pala'y mapipiga. Ang binansagan nating pinakamagandang biro, Ang sa mga luha ko'y nagpatulo, Tumulo dahil sa kakatawa, Tawang may kasunod na pagdurusa. Pagdrusa dahil masakit, Tawa't halakhak nga ba'y sapat na kapalit? Ngunit masasabi ito'y panandalian, Dahil pagkatapos nitoy masasaktan, Para bang ang gusto ko'y ibinigay, Na para bang nagkusa at di na ako pinahintay, Ngunit alam ko sa sarili ko na ito'y huwad, Ako na mismo ang unang naglahad. Subalit nakakatawa naman talaga, Sabihan ba naman kita ng "mahal kita", Tono palang kalokohan na, Masasai **** baligho ang ideya. Aminado akong iyo'y kabilaghuan, Ngunit wala na akong magagawa dyan, Kasalanan ko na kung ako'y nasaktan, Dahil alam kong ako'y nagkamali at may kakulangan.
0
Jun 9, 2017
Jun 9, 2017 at 3:13 PM UTC
Baligho

Continue reading...
44
“Hindi kita iiwan, pangako yan” Ito ang mga huling salitang binitawan Binabalik-balikan ng aking isipan Hindi na alam kung alin ang imahinasyon sa totoo Pero ito pala ang totoo Nagmahal ako ng todo at nadurog ako Nadurog na tila isang salaming Tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili **** gwapo ka Matapos nito ay babalewalain Maniwala ka sa’kin nagsimula kami sa magandang istorya Isa akong prinsesang noon ay napaniwala ng tadhana Nahulog sa matatamis niyang ngiti Nahulog sa malalambing niyang mensahe Nahulog sa kaniyang malamig na tinig Nahulog ng walang sumasalo Nadurog sa pagbitaw mo At dahil na-ikwento ko na rin naman ang mga ito Lubos kong ikasasaya kung mauunawaan mo ako Sana maintindihan **** mahirap ang makalimot Sana maintindihan **** sariwa pa ang sugat Sana maintindihan **** hindi mabilis ang paghilom Lalo na kung sa puso ang tama nito Sana maintindihan **** ayoko nang mahulog Dahil basag na basag na ako Sana maintindihan **** hindi ko pa kayang Muling magmahal Sa takot na muling masaktan Sa takot na hindi masklian ang labis kong pagmamahal Sa takot na muling ipagpali sa iba Sa takot na maiwan mag-isa Naiintindihan ko namang handa kang maghintay Na sa akin ka nakabatay Pero tigilan na natin ‘to Tigilan na natin ang kalokohang ito Dahil hindi ko na kayang magpanggap Na kaya ko na hindi ko na kayang magpanggap Na wala akong nararamdaman Dahil hanggang ngayon nasasaktan pa din ako Ang sakit sakit pa din Kaya tigil-tigilan mo na ang pag-asang yan Dahil minsan na akong nilamon ng sistemang yan Minsan na din akong tumambay Sa lugar na tinatawag nilang ere Ngayon pa lang sasabihin ko nang Wala kang pag-asa Siguro dahil hindi pa talaga ito ang panahon At hindi ikaw ang inilaan ng panginoon Siguro kailangan mo munang ayusin ang sarili mo Dahil kahi anong pili mo Hindi nauutusan itong puso ko
0
Dec 2, 2016
Dec 2, 2016 at 6:31 AM UTC
Mahirap Makalimot

51
Naaalala mo pa ba? Minsan din tayong naging masaya. Nagsimula sa pagkakaibigan, Nauwi sa walang pansinan. Naaalala mo pa ba? Mga panahong sabi natin ay tunay tayong magkaibigan, Walang kamalay malay na mauuwi sa pagkakasakitan. Naaalala mo pa ba? **Sabi mo noon maging ang mga bituin ay sumasangayon sa atin. Ngunit hindi nila nasabi na hindi ka para sa akin.** Naaalala mo pa ba? Mga kalokohang napag-uusapan, Ngayon ay hindi magawa kahit banggitin ang iyong pangalan. Naaala mo pa ba? Sinabi kong lagi lang akong magiging andiyan, Lingid sa aking kaalaman na ako pala ang maiiwan. Naaalala mo pa ba? Na minsan din tayong naging magkaibigan, Sana hindi na lang nauwi sa pagmamahalan, Marahil ngayon ay nagtatawanan. Maaalala mo pa ba? Kung ako'y nagawa mo nang iwan, Siguro'y kailangan na ding kalimutan. Maaalala mo pa ba? Kung ikaw ay akin nang bibitawan, Sapagkat pati ang ating pagkakaibigan ay iyo na atang nalimutan. Maaalala mo pa ba? Humihilingin na maalala mo parin sana.
0
Aug 26, 2016
Aug 26, 2016 at 10:59 PM UTC
Magkaibigan
Ako ba'y sinusubukan nanaman? Tumigil na ba ang dating tumitibok? Hindi mo kasalanan, binibigay mo na lahat Pero ako ang maiiwang wasak, Nasusunog at manhid; kapag Nagtapos ang kalokohang 'to
0
Sep 8, 2015
Sep 8, 2015 at 5:32 AM UTC
Laro