Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Meynard Ilagan Jun 2017
Sana, bata na lang tayong lahat…

Walang alam kundi ang gumising, maglaro, tumawa, matulog at kumain
Yung tipong wala kang alam na problema kundi paano ka makakapaglaro bukas kasama ng mga matatalik **** kaibigan.  Paano ka tatakas sa nanay mo dahil gusto kang patulugin pero ang isinisigaw mo ay “maglalaro ako!!!”

Sana , bukas ay bakasyon na…

Late magigising tapos kakain lang, manonood ng paboritong palabas, liligo, gagala tapos pagkauwi ay manonood ulit mamaya ay matutulog na.  Habang nakahiga ay nagtetext sa importanteng tao sa buhay mo kaya naman ay kakwentuhan mo ang kapatid mo, magulang mo o ang  asawa mo.

Sana, pasko na lang bukas…

Lahat ‘tila ba walang problema kundi “paano ang mga inaanak ko?, paano ang mga regalo?  at sana mapasaya ko sila…”  Tiyak lahat ay Masaya dahil napakahirap magalit sa araw na ito.  Ito ang araw na napakadaming taong nagbabati o nagkakaayos mula sa pangit na nakaraan dahil sa bisa ng Pasko.

Sana bukas ay may darating kang regalo- pera man o gamit o di kaya’y isang kasiyahan …

Siguradong ngayon pa lang ay excited ka ng magbukas o tumanggap nun dahil wala namang taong di Masaya kapag nakatanggap ng regalo.  Itatago mo ito at pakakaingatan lalo na’t ang nagbigay ay napakahalagang tao sa buhay mo.

Sana ikakasal na ako bukas…

Lahat tayo ay may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi man lahat ay madami.  Siguradong kung naiisip mo ito, walang laman ang isip mo kundi masasayang sandali.   Kung ikaw man ay naikasal na, maaalala **** minsan ay naglakad ka papuntang altar habang inaantay ka ng mahal mo o ikaw yung naghihintay sa harap ng altar kasabay ng mga nagtatakbuhang daga sa dibdib mo.

Napakaraming masasayang bagay ang naiisip natin ngunit di ito kadaling ibinibigay.  Dapat, paghirapan natin ito…
-meynard
071812
Kita kita bilang isang kaibigan
Bilang isang kakwentuhan
Laging kasama sa lahat ng mga kalokohan
Kita kita, kaibigan.

Sana kaibigan ay kita mo rin ako,
Kita mo rin ako bukod sa pagiging kakwentuhan mo
Bukod sa laging kasama sa lahat ng kalokohan mo
Sana kita mo rin ako.

Di ko alam kung ano ang dapat maramdaman
Kapag tinatawag mo ako bilang kaibigan
Kahit minsan kitang kayakapan
Tuwing namomoblema sa mga problemang dapat lampasan.

Ngunit alam kong hindi ako
Hindi ako ang gusto mo
Mahal mo, hindi ako. Oo.
Matagal ko ng alam ito ngunit pinili kong magpakagago
At bulagin ang sarili sa sa'yo.
Bakit? Kasi ikaw ang gusto ko!
Kasi ikaw ang mahal ko! Pero, hindi mo kita ang isang tulad ko.

Minsan, ayaw ko ng isipin ang mga problema ko
Lahat ng problemang bumabalot at sumisira sa mundo ko
Wala! Wala ng luhang lalabas sa mga mata ko
Wala ng tubig ang aagos sa mukha ko.

Kung kaya't hinihiling ko na sana
Takpan na lang ang aking mga mata
At tsaka ako bulungan sa tenga,
"Magiging maayos rin ang lahat kaya magpahinga ka muna.
Tumigil ka muna sa pagpapakatanga sa taong nakatingin naman sa iba.
Huwag kang mag-alala, ilalayo kita sayong mga problema.
Pipigilan ko ang luha mula sa'yong mga mata.
Hindi ko hahayaan na may tubig na muling umagos sa iyong mukha.
Dahil gusto kita.
Mahal kita.

Kita na kita."

— The End —