Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kakulay" poems
"bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? sapagkat ang paglisan sa sariling ina upang sumuso sa bukal na buhay ng ibang dibdib ay isang pailalim na pamimirata. at sa daigdig, ang mga limahong ay matatagpuan sa lahat ng lahi at sa lahat ng kulay. kapag pinag-usapan si Limahong, bawat kinapal na nakatapak sa lupang hindi niya kakulay ay dapat paghinalaan"  - Edgardo M. Reyes, SA MGA KUKO NG LIWANAG bakit ang piratang tsino na si Limahong at hindi ang rebolusyunaryong si Komrad Mao ang napadpad dito sa ating dalampasigan? bakit ang mga piratang tulad ni Limahong ang dumami at lumaganap sa bansang Pilipinas? oo, laganap ang mga pirata sa ating bayan, pinirata nila ang ating kabuhayan. matagal na nilang hawak ang ating ekonomiya. kahit saan mo ibaling ang iyong paningin ang mukha ng mga kapitalistang tsino ang lagi **** makikita. lahat sila kamukha ni Limahong. sila ang mga bagong pirata. kung si Komrad Mao sana ang dito ay sumalta, malamang mga Sosyalista tayo ngayon. hindi sana tayo inaalipin ng mga ganid na Kapitalista. siguro sinlakas na rin tayo ngayon ng tsina. malamang walang tiwaling pulitiko na nagnanakaw sa kaban ng bayan. walang mga gunggong na pinagsasamantalahan ang taong bayan. walang mayaman na mang-aapi sa masang naghihirap. walang kolonyal na kaisipan na iiral, hindi sana tayo lumuluhod sa mga dayuhan. walang magtatatwa ng sariling wika at manghahamak ng sariling kultura. wala sanang maka-dayuhan na paghanga. wala sanang taksil sa sariling lipi. sapagkat lahat ng mga duming ito ay lilinisin at gagawing dalisay ng Cultural Revolution. bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit si Henry Sy, Lucio Tan, John Gokongwei, Andrew Tan ang mga panginoon at naghahari sa bansang ito? bakit tayo inaalipin ng mga dayuhang ito? putang ina, inaalipin at inaapi tayo dito sa loob ng sarili nating bayan. bakit sila ang nagpapatakbo sa buhay at bansa natin? bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit ang diwang pirata at hindi ang binhi ng kalayaan ang lumaganap dito sa atin? bakit kapitalismo at hindi sosyalismo ang namayani? bakit tayo mga alipin at hindi malaya? bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? nakakalungkot isipin na natulad tayo sa South Africa kung saan inalipin ng mga puting dayuhan ang mga katutubong itim. ang Pilipinas ba ang katumbas ng Gaza Strip dito sa South East Asia? bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit tayo pumapayag na ginaganito tayo? wala silang karapatan na babuyin tayo at hindi sila ang dapat na nakikinabang sa yaman natin.
0
Nov 26, 2017
Nov 26, 2017 at 11:00 PM UTC
"BAKIT SI LIMAHONG AT HINDI SI KOMRAD MAO?"

Continue reading...
8
Isusulat kita. Sa huling araw na masilayan ko ang tamis ng ‘yong mga ngiti at sa mapang-akit **** mga labi. Isusulat kita. Habang nakikita ko pa ang aking sarili sa kislap ng ‘yong mga mata, bago ka lumisan, dahil matagal pa ang ‘yong pagpihit mula sa ibang daigdig. Isusulat kita. Sa mga titik at letrang namumutawi sa aking bibig, hindi ko hahayaang malusaw na lamang sa pagtakbo ng oras, mabaon sa limot, patungo sa karimlan. Isusulat kita. Habang tanaw pa natin ang mapula-pulang sunset na kakulay ng puso nating dalawa at kayakap kita. Yayakapin kita. Hanggang sa magbubukang-liwayway ang tanaw nating takipsilim. Yayakapin pa kita. Sana. Isusulat kita. Sa kailaliman ng gabi, sa dilim, sa nagsisidhing damdamin, kung saan sinag lang ng buwan ang tanging namamasadan, at ang kayakap ko na lang ay ang mga basang unan. Isusulat kita. Kasabay ng pagpigil sa pagpatak ng luha habang nakikita ang ‘yong mga hakbang paakyat sa bus dahil uuwi ka na. Habang ang sinasakyan ko namang dyip ay papalayo ng palayo sa ‘yo, ihahataid na kung saan ako ngayon ay iniisip ka. Isusulat kita. Ikaw ang ipaloloob nitong aking akda, bawat berso, bawat tugma, ikaw ang nasa isip, ang iisipin ulit hanggang sa tumunog bukas ang naka-set kong alarm at magising na lang na nasa malayo ka na.
0
Sep 2, 2016
Sep 2, 2016 at 7:06 PM UTC
Huling Araw Bago Magka-LDR
Ilang buwan na ang lumipas Nang gisingin ako ng agos  ng tubig sa dalampasigan Puti ang buhangin At kumakapit sa kayumanggi kong mga balat Ang halik ng Haring Araw. Laking-gulat ng lahat nang anurin ako Ng napakalakas na hangin patungo sa Isla At doon bumungad sa akin ang Pitong Karagatang Mitsa ng aking pagbangon sa kasalukuyan. Naghilamos ako sa maalat na tubig At doo’y naging kakulay ko ang kanilang lahi At inangkin nila ako Gaya ng isang parte ng isang pamilya. Bumukod ako sa pag-aakalang iba ako at iba sila Hanggang sa ang ako ay para sa kanila pala Nagbunga ang pagbuhos ng Langit ng kanyang kasiguraduhan At doon ako'y hindi na isang dayuhan At alipin ninuman. Kinuha ko ang kurtina sa aking bintana At tinapon ko sa aking likuran Kasabay ng paniniwala kong babalik ang Araw At ako'y muling aagusin ng napakalakas na alon kagaya noon At sana -- Sana nga makabalik na ako Sa aming tahana'y Babalik na ako.
0
Mar 11, 2018
Mar 11, 2018 at 9:31 AM UTC
Pitong Karagatan sa Isla ng Boracay
Sa kanyang himig ako'y nahahalina Magkasintunog ng mga ibong malaya Umiindayog sa puso ko't pagsinta Misteryosong dilag, sino s'ya talaga? Sa tuwing napapanood 'y anong ganda Mata'y matimyas na tala sa umaga Tanglaw sa daigdig na puno ng hiwaga Liwanag sa bukang liwayway 't hiraya Manipis ang labing kakulay 'y makopa Malamyos ang tunog ng bawat salita Halik ng anghel ang dapyo ng hininga Halimuyak ay buhay, di nawawala Kahit panlalaki ang gayak at porma Na kanyang ginampanan sa prima donna Munting lawiswis na lupaypay 't mahina Nang lumaki'y diwata sa encantadia Ang isip ko ay kinabig 't kinawawa Ginapos nang mahigpit ng kanyang drama Madalas ay namumugto ang mga mata Kapag nasisilayan s'yang lumuluha Huwag sana pabugso bugso't pabigla Ang tibo niyang pangungusap at banta Sapagkat nababagha't natutulala Damdami'y pinamumugaran ng kaba Sa kumpas ng mga kamay ay humahanga Isang paraluman na ang kiyas 'y siga Hudlum sa kanto na mahal ang pamilya Pinakamatapang na lahing Claveria Sa likod ng pagganap ano nga ba s'ya? Sapantaha ko ay magalang na bata Binibini at dalagang Filipina May puring Perlas ng Silangan ng Asya Lingid sa kamalayan nang napahanga Sa kanyang angking galing bilang artista Dagdag pa ang sayaw n'yang mala-prinsesa Sa makabagong tinikling, siya'y reyna Araw 'y nakahilig sa katanyagan n'ya Harap 'y pangarap na sinasalubong pa Hiyas s'ya sa mundo na walang kapara, Kumikinang at nagbibigay pag-asa
0
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 11:09 PM UTC
Altheyah Ablan
nagsimula ako sa kung paano mo pinakita ang mundo kung gaano kakulay ito at namangha ako sa kulay mo pagkat sa mundo ko walang katulad mo ninais ko manatali sa piling mo dahil walang sakit at parang akoy nasa tahanan ko kung saan lalagi **** iingatan ang puso ngunit heto ibinalik mo ko sa mundong walang tayo sa mundong ako ang laging talo nasaktan ako na halos lisanin ko na ang mundo pagkat akala ko kasalanan ko at ang lahat ay pagkakamali ko naramdaman kong di ka mananatili dito sa mundong ginagalawan ko humiling ako habang tumutulo ang mga luha ko maaring bang ikaw na ang tadhana ko pero iba ng tugon ng lagit sakin may iba pa lang laman ang puso mo at ako'y ginamit mo lang ng panandalian habang wala pa siya habang meron pa siyang iba habang wala pa ang salitang kayo sa mundo mo habang wala pa siya sa piling mo
0
May 1, 2018
May 1, 2018 at 7:44 AM UTC
sana bukas