Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kahaba" poems
Spoken word poetry by: Quencie D.R Puno ang aking isipan ng mga katanungan, Ni hindi ko alam kung may patutunguhan. Hindi ko alam kung paano o saan sisimulan, Kung tatakbo palayo o sayo ay ika'y lalapitan. Eto na sisimulan ko na ngunit nagaalangan, Sa simulang tanungin ang yong pangalan. Nang di naglaon nalaman ko yung katauhan, Di nagtagal tayo ay naging magkaibigan. Aking hihimayin kung gaano kahaba o kaikli, Etong tulang patungkol sayo at pinili. Kung ilang pahina at itatantya kung sakali, Sisimulan ko na ngunit eto ako nagbabakasali. Simula sa  "Ako at Ikaw" ngunit walang tayo, Ano bang pakiramdam ng maging gwapo? Dahil lahat ng niligawan mo iyong napa-Oo. Babe,Mahal at lahat ng tawagan nagamit mo. Balita ko madaming nagkakagusto sayo, May nakahome based na sa puso mo. Nakatres ba? Ilang puntos ba sya sayo? Gusto mo pala maglaro sana sinabihan mo ako. Gusto mo ng one-on-one pero madami pa pala, Kung tutuusin sa mobile legends adik ka na. Paiba iba ka ng character bane,alpha at angela, Inugali mo na pati sa laro kotang - kota ka na. Di kami isang laro pag napagtripan mo na, Di kami dota iffirst blood mo tapos GG na. Di kami coc o lol iiwan mo pag nagsawa kana, Ano bang degree natapos mo at bihasa kana. Patawad!! Kung ginusto kita, Patawad sa mga binitawan'g salita. Patawad kung mahal na kita, Patawad kung ako'y lalayo muna.
0
Apr 19, 2019
Apr 19, 2019 at 3:46 AM UTC
"Patawad"
*Nais kong lumakad sa tabi ng dagat kasama ka Babakas ang ating mga paa sa puting buhangin Maaring masaktan ka dahil sa mga batong nakakalat Huwag ka mag alala dahil sasabayan kita sa bawat sakit Kahit gaano pa kahaba ang ating lalakarin Kapag pagod ka na ay handa kitang pasanin Dahil hindi tayo susuko sa mga hahadlang Maging bagyo man ito o gutom at uhaw Wala sa ating ang maiiwan Sabay natin panunuorin ang pag sikat ng araw*
0
Feb 1, 2016
Feb 1, 2016 at 8:09 AM UTC
Pagsikat ng araw
nalulungkot ka dahil sa kanyang pagkawala, ganyan talaga ang buhay lahat nang dumarating ay kailangan din umalis sa takdang panahon. lahat ng simula ay may katapat na wakas, gaano man kahaba ang landas ito'y may hangganan din. hindi mo dapat na isara ang pinto ng buhay mo. ang gabi ay laging may umaga, sa dulo ng kirot ay may ginhawa. matutuyo rin ang luha mo, sa isang sulyap at isang ngiti ay magagawa mo'ng harapin ang ngayon at ang bukas. hindi ka nag-iisa at hindi ka mag-iisa, lumingon ka lang sa tabi mo at makikita mo ako isang tawag mo lang at darating ako.
0
Dec 11, 2017
Dec 11, 2017 at 1:52 AM UTC
MOVE ON
Ilang buwan Ilang taon Gaanong panahon na ba Ang lumipas Simula noong Huli akong sumulat? Ilang buwan Ilang taon Gaanong panahon na ba Ang nagdaan Matapos ang gabing Itinigil ang paglathala? Ilang buwan Ilang taon Gaanong panahon na ba Ang lumipas Matapos maghilom Ang pusong nawasak? Ilang buwan Ilang taon Gaanong panahon na ba Ang lumipas Nang matapos ang luha Sa pagpatak? Dalawang buwan Isang taon Ganoong kahaba na Ang panahon na lumipas Itinigil ang pagtangis Pagtanggap pala ang siyang lunas
0
Aug 17, 2022
Aug 17, 2022 at 12:22 PM UTC
k a y t a g a l n a