Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sa dami ng mga trabahong tumambak dahil hindi mo pa nagagawa
Mga papeles na nagpatung-patong na
Yung lamesa **** inaagiw na dahil hindi mo alam kung saan at paano magsisimula.
At mga istoryang di mo pa maisulat dahil nangangapa ka pa.
Isama mo na rin yung katrabaho **** nakakairita na sa tenga.
Dahil crush niya daw si Justin Bieber
At paborito niyang frappe sa Starbucks ay Caramel.
Kahit mukhang ang afford niya lang ay Nescafe “Oo nga pala, French Vanilla” na iniinom ni Toni Gonzaga.
Pero wala siyang pambili ng sarili niyang tumbler.

Tangina.

Idagdag mo pa ang mga patay na oras na sunod-sunod ang mga buntong-hininga
Nahuli ka pa ng boss mo na nakatulala
Kaya hayan at napagalitan ka pa.
At dahil contractual ka, yung limang buwan na kontrata mo
Biruin mo, baka mapaaga pa ang endo.

Aminin mo na ang pagpatak ng alas-singko
Ay may kakaibang dalang saya.
Na parang sumagot na ng “oo” yung matagal mo nang nililigawan.
Nakulayan na rin yung mga pinlano niyong outing na buong akala niyo’y hanggang drawing na lang.
Parang pagbabalik sa Pilipinas ng kasintahan **** kumayod sa ibang bansa.
Parang ibinalita sa TV na hindi traffic ngayon sa EDSA.
Himala!
Kaya ang pagsapit ng alas-singko ay kakambal ng paglaya.


Wala sa’yo kung sa bus man ay tayuan
O kaya sa dyip ay makasabit man lang.
Basta makauwi ka lang.

Nakakasabik pa rin ang ideya
Na ang bawat pag-uwi
Ay kasing banayad ng mayroong sasalubong sa’yong ngiti
Mga ngiting papawi sa kangalayan ng mga binti.

Mayroong yakap na nakaabang
Ang mga bisig na nagmistulang pinakapaborito **** kulungan
Dahil doon mo nararamdaman ang tunay na kalayaan.
Mula sa pang-aalipin sa’yo ng lipunan.

Nakahain na rin ang hapunan.
“Mahal, ano ba ang ulam?”
Sabayan natin ito ng mahabang kwentuhan.
Simulan natin sa simpleng kamustahan.
Dahil pagkatapos, ay aabangan mo na naman ang alas-singko kinabukasan.
Poti Mercado Jan 2018
Puno ng init ang unang higop ng kape
Nakakapaso ngunit ramdam mo ring gumuguhit ito sa iyong mga ugat
Hanggang sa umabot na ito sa iyong pusong bumibilis na ang pagtibok
Sa iyong mga kamay na walang tigil ang panginginig
Sa iyong mga matang mulat na mulat sa hating-gabi
At sa iyong mga bibig na nananatiling bukas at handang sabihin ang lahat ng ninanais

Ngunit sino ba ang iyong kape?
Ang nagbibigay sa’yo ng panandaliang lakas?
Sino ba siyang nagiging rason para manatili kang gising sa gabi kahit gustong-gusto mo nang matulog?
Sino ba siyang nagdudulot ng matinding panginginig sa iyong mga kamay at tuhod sa tuwing nakikita mo siya?
Sino ba siyang nagpapabilis ng pagtibok ng iyong pusong naghahanap lamang ng panibagong taong mamahalin habang inaantay **** mawala ang paso sa iyong dila na nadulot ng iyong nakaraang baso ng kape na punong-puno ng pait?

Ayan na’t naglalakad na siya papunta sa’yo
Inaantok ka pa at walang kamalay-malay na nariyan na pala siya
Papalapit nang papalapit hanggang sa nauwi nang magkahawak ang inyong mga kamay at ayan na naman
Ang pagbilis ng tibok ng iyong puso
Ang walang tigil na panginginig ng iyong mga kamay
Ang pananatiling bukas ng iyong mga mata
Kahit gusto na nitong pumikit, magpahinga, at mamaalam na sa ginagalawang mundo

Ngunit tulad ng epekto ng kapeng iniinom mo araw-araw
Papawi rin ang pananabik at pagkamulat ng iyong mga mata
Mapapagod din ang iyong pusong nalasing na sa dami ng kapeng iyong nainom na akala mo’y matamis ngunit nag-iiwan din pala ng mapait na bakas sa iyong mga labi
Titigil din ang panginginig ng iyong mga kamay
Sadyang panandalian lang at hinding-hindi na tatagal
Sapagkat siyang kape na nagbibigay sa’yo ng lakas
Ay siya ring kape na inubos mo hanggang sa huling patak
kahel May 2017
Paabot naman ako ng hawak **** yosi
Kahit makihits na lang dyan sa hinihithit mo
Hindi dahil magkapareho tayo ng bisyo
Gusto ko lang masubukan bumuga ng usok,
kasama ang mga salitang hindi kayang banggitin


Papasa naman ako ng tinatagay **** alak
Kahit isang shot na lang dyan sa iniinom mo
Hindi dahil magkapareho tayo ng bisyo
Gusto ko lang malaman kung paano sumuka,
kasama ang takot na matagal ng sinisikmura

Pahingi naman ako ng isang halik galing sayo
Kahit padampi lang sa mga labi mo
Gusto ko lang kasi maramdaman kung paano mahalikan ng isang labing makasalanan,
Mga labing kahit kailang ay di ko narinig
magpahayag ng tunay na nararamdaman
elea Feb 2016
Gabi-gabi
Araw-araw
Segusegundo kong nag tatanong babalik pa kaya tong taong to.

Mag iipon pa kaya kami ng mga tansan galing sa soft-drinks na sabay naming iniinom.
Mag lalakad pa kaya kami habang may hawak hawak na fishball at kwek-kwek galing sa kanto ng Santa Rosario.

"Oy nasan kana?"
"Eto na pabalik na diyan, wait lang"


Ang madalas na usapan namin pag umaalis siya ng biglaan sa skwela.

Hindi abot akalain na hanggang ngayon nag tatanong parin ako nasan kana.
Para nakong sirang plaka sa paulit ulit na pag sasabi sa sarili ko ng "Babalik yan"

Sanay naman na ko eh.
Yung aalis ka bigla.
Ngunit nag bago ata ang ihip ng hangin.

Hindi kana bumalik,
Hindi ka manlang nag sabi ng "Wait lang".

Minsan iniisip ko padin na makikita kita.
Sa kalsada ng kung saan man.
Tatanungin kang muli,
"San ka ng galing?"

Ngunit hindi ko na aantayin ang sagot mo.
Lalakad ako at aalis.
*Hindi na muling magtatanong sayo.
#tagalog #waitlang #aasapaba
-pbwf-
zee Aug 2019
ngayong gabi,
habang ika'y nasa'king tabi
hindi maikukubli na ako'y nabihag
ng iyong nakakalusaw na ngiti;
mga labi na labis kung makapangakit;
ang boses mo na tila bumubulong sa'kin
na ako'y manatili hanggang ang araw ay sumikat muli

at nang ika'y maalimpungatan,
muling nasilayan ang mapupungay
**** mga mata—
mata na tila tala sa kalangitan;
kita ang kinang at sayang nililihim
nang nalaman ako'y nanatili

"mahal kita"
mahina ngunit malambing **** sambit
nang ika'y pinatumba muli ng tama na 'yong tinamo habang iniinom lahat ng pait at sakit
habang pilit **** iginigiit na baka ikaw ang nagkulang at nakamali,
aking tinatanong sa sarili, bakit hindi mo makita ako'y nasa'yong tabi.
KapitanGM Mar 2021
Alas-kwatro y medya sa kahapunan,
hindi mawaring pakiramdam tila'y walang patutunguhan.
Bawat lasap sa kapeng iniinom, bakit pakiramdam naging kalungkutan.
Sa isang iglap, alas siete y medya ng kinagabihan dumaan.
Ang kalungkutan ay natapos lang sa kahapunan.

— The End —