Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"iluha" poems
Pagpuna ng makatarungang nilalang sa kabila ng lahat ng mga kahabagan ng buhay. Maaaring tanging yaman na maituturing ng iyong tainga na nabibingi na sa karahasan at ingay ng iyong paligid na nilalakaran. Naging libangan na ng iyong mga paa na tumayo sa maling lugar. Masasanay narin ang iyong katawan na maging haligi na lamang ay iyong mga paa. Sa mapangaping buhay na wala nang kasiguraduhan. Nakaakbay ang kaybigan **** kalungkutan, mula sa paggising hanggang sa pagidlip ng mga mata **** pilit na tinatago ang hapis ng mga luhang maari mo sanang ilabas, ibahagi at iluha sa aking harapan. Ako naman ay naghihintay, iyo ako ay tunay na mangiibig, sa iyong pagsibol, sa iyong pamumulaklak at sa iyong pagkalanta, sa kahit anong oras na iyong mapagpasyahan. Ano man ang mangyari ako ay maaari **** sandalan. Ang pagmamahal ay tulad ng isang anino, maaari **** palaging madadala, ngunit kung ang iyong desisyon ay magkulong sa dilim, ako ay wala nang magagawa. Tanging mananatili siguro ay pagtingin kong nakatatak sa kanyang isipan.
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 3:06 AM UTC
Anino
Sa hinaba-haba ng tag-init Ngayon nalang ulit umulan. Nang malakas. Nang saglit Di ko mainitindihan ang langit. Kung paano niyang iniluha Ang bigat ng bawat kahapon Ng natuyo niyang pusong Pinigilang umagos Sa mahabang panahon. Tumangis siya Nang malakas Dahil di niya maamin At di niya matanggap Ang itinakda **** pagwawakas. Sa kakarampot niyang pag-asa na babalik ka rin. Ngayong gabi. Ang kanyang napili Na ibulalas ang lahat Sa pag-aakalang Tulog na ang lahat Lahat ng mata’y nakapikit. At wala nang makakarinig Ng pagtangis Na mayroong balang-araw Na katabi mo siyang Mahihimbing. Ngunit nagkamali siya. Saan nga ba tutungo Matapos niyang iluha Ang lahat sa lupa Na aanurin Patungo sa puso **** Kinakain ng pangungulila. Sa hinahaba-haba ng tag-init Ngayon nalang ulit umulan. Nang malakas. Subalit saglit Marahil ay ayaw niya Nang makasakit. O gusto ka lang niya damayan Sa gabing Wala ka nang ibang inisip Kung bakit ka niya iniwan O paano ka niyang nagawang saktan Kung paano sinira Ang bawat pangakong Binitiwan. At kung paanong di mo masabi Ang tunay **** nararamdaman. Kaya sa susunod Na iiyak ang langit Kapag malamig ang gabi At pangalan niya Ang tanging kayang bigkasin Ng mapuputla **** labi Ay patuluyin mo siya. Hayaan mo siyang umapaw Hayaan **** bahain ka At tuluyang ambunan Ang natutuyo mo ng puso. Makipagsayaw ka Kung kinakailangan Nais ka lang niyang damayan Gusto niya rin ng karamay.
0
Dec 28, 2015
Dec 28, 2015 at 4:47 AM UTC
Sa Tuwing Uulan, Kapag Gabi...
Lumuha ka aking / lumuluhang puso! Iluha mo'ng lahat ng kanyang larawan, / pagkasi't pagsuyo. Lumuha ka dahil / nawala't naglaho ang minsang nilasap na pag-ibig niyang / may samyo at samo. Lumuha ka puso, / lumuha ka puso! Dahil siya'y huwad na umibig sa'yong / kay raming pangako. Iluha mo'ng lahat / ng kanyang napako at hindi natupad na pangakong puro / sa lalang at biro. Lumuha ka puso, / lumuha kang lalo! Lumuha kang ganap dahil puso niya, pala'y pusong tuso. Lumuha ka aking / lumuluhang puso... Ngayon ka umiyak habang marami pang / luhang tumutulo.
0
Jul 31, 2016
Jul 31, 2016 at 1:22 AM UTC
Luha
pluma, pluma sinaid ka man ng sandaang mga trahedya iluha **** lahat upang ang susunod na marka pangungusap na ng ibang istorya paglagas man ng bawat pahina'y kalaban sa pagtakbo ng oras, huwag matatakot sa muling pagsayaw ng mga gamit nang letra babalik-balikan kita upang lumikha ng mas magagandang musika ngunit bibitawan muna para gumuhit sa literatura ng ating katotohanan tinta ma'y maubos, bubuhos muli papel ma'y mapunit, mapagkakabit pa rin
0
Jul 18, 2017
Jul 18, 2017 at 9:08 AM UTC
Untitled